Just in! Kapuso Aktres Sinagot Ang Balitang Paglipat Sa Abs Cbn!

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely

 

Hanggang ngayon ay tila hindi pa rin nakakapag-renew ng kontrata ang Kapuso actress na si Carla Abellana sa GMA Network, kaya naman hindi rin matigil-tigl ang mga bali-balitang lilipat na ito sa ABS-CBN o sa ibang networks na katapat ng GMA.


Isa pa sa mga pinagbabasehan ng mga netizens na may posibilidad na aalis si Carla Abellana sa GMA ay ang naging pahayag niya noon na open siya na maging guest sa teleseryeng Ang Batang Quiapo ni Coco Martin sa ABS-CBN.


Marami naman sa mga fans ni Carla Abellana ang nabahala dahil baka tuluyan nang talikuran ng aktres ang GMA7 na siyang naging tahanan niya mula ng umpisahan niya noon ang kanyang showbiz career.


Subalit ngayon ay tila napanatag na ang mga Kapuso fans na mananatili pa sa nasabing network si Carla Abellana dahil sa ibinahaging post ng aktres sa kanyang Instagram account.


Ayon kay Carla sa kanyang pagbati sa bagong taon sa kanyang mga tagahanga na hanggang ngayon ay mananatili pa rin siyang Kapuso. Isiniwalat din ni Carla Abellana na may gagawin siyang teleserye kung saan makakasama niya si Bea Alonzo.


Makikita rin sa nasabing post ni Carla Abellana ang teaser ng kanilang teleserye na pinamagatang The Widows War kung saan makakasama rin nila ang aktres na si Gabbi Garcia.


Masaya naman ang mga fans ni Carla Abellana na nagkaroon ng panibagong project si Carla Abella kahit hindi pa natatapos ang teleseryeng pinagbibidahan niya ngayon na The Stolen Life.


May mga naghinala rin na baka malakas umano si Carla Abellana sa mga big bosses ng GMA dahil pinagbigyan ng mga ito ang kahilingan ng aktres na makasama sa iisang proyekto si Bea Alonzo.


May mga nagsasabi rin na talagang inaalagaan ng maayos ng GMA sina Bea Alonzo at Carla Abellana dahil ibinibigay sa kanila ang malalaking proyekto ng nasabing network.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo