Aktor Laglag Sa Top 10 Kapamilya Stars, Deserved Dahil Manloloko?

Huwebes, Enero 4, 2024

/ by Lovely


 Naligwak umano ang aktor na si Daniel Padilla sa inilabas na Top 10 Kapamilya Artist Biggest Achievers para sa taong 2023.


Ayon sa isang host ng Marites University, nakakagulat umano na wala si Daniel Padilla sa nasabing listahan dahil may mga projects rin naman na ginawa ang aktor nitong huling bahagi ng 2023. 


Ang pinagbasehan sa pagsasagawa ng Top 10 na ito ay mula sa mga projects na ginawa ngayong taon mapa-pelikula man o teleserye, endorsements at mga social media interactions na nakuha nila ngayong noong nagdaang taon.


Samantala, nangunguna naman sa listahan ang dating girlfriend ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo na bumida sa hit movie na A Very Good Girl kung saan nagpakita ito ng panibagong imahe sa publiko.


Kasunod naman ni Kathryn Bernardo at nasa ikalawang pwesto ay ang Unkabogable Star na si Vice Ganda na isa sa mga main hosts ng Kapamilya noontime show na It's Showtime..


Sinundan naman si Vice Ganda ng actor-director ng FPJ's Ang Batang Quiapo na si Coco Martin. Kasunod naman nito sa pang-apat na pwesto ang actress-host na si Kim Chiu na siyang bumida sa pinanggigigilang digital series na Linlang.


Nasa ikalimang pwesto naman ang isa pang main host ng It's Showtime na si Anne Curtis, ikaanim naman ang Magandang Buhay host at tinaguriang Asia's Song Bird na si Regine Velasquez.


Sinundan naman siya bilang nasa ikapitong pwesto ng controversial young actress na si Andrea Brillantes. Naging kontrobersyal nitong nagdaang taon si Andrea matapos ang break up nila ng kanyang boyfriend noon na si Ricci Rivera at ng madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Nasa top 8 naman ang singer na si Sarah Geronimo na sinundan naman ni Joshua Garcia sa pang-siyam na pwesto. Nasa huling pwesto naman ang magka-loveteam na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Marami naman ang nagsasabi na tama lamang ang inilabas na listahan ng Top 10 A Listers ngayong taon ng ABS-CBN dahil talagang pinag-uusapan naman ang mga ito nitong taong 2023.


Kaya naman hiling ng mga hosts sa mga fans ni Daniel Padilla na tulungan ang aktor na makabawi ngayong taon dahil nawala na ito sa listahan sa magagaling na artista ng ABS-CBN.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo