Kampo Ni Kathryn Bernardo Nakikipag Usap Na Sa Abogado, Patungkol Sa Negosyo

Walang komento

Martes, Nobyembre 28, 2023


 Ngayong hayag na hayag na sa publiko ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isa-isa nang naglalabasan ang mga itinatagong baho ni Daniel na pinagtatakpan naman ni Kathryn Bernardo noon.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, noon pa umano nambababae itong si Daniel Padilla. Pasimple umano itong nagto-two time kay Kathryn.


Dahil mahal umano ng aktres si Daniel Padilla, pinapatawad niya ito at patuloy na pinagtatakpan ang mga pambababae nito.


Ayaw umano ni Kathryn Bernardo na tuluyang mawasak ang kanilang loveteam dahil alam umano niyang masasaktan din ang kanilang mga KathNiel fans.


Ayaw umano ni Kathryn na madismaya ang kanilang mga fans at masaktan sakaling mabuwag ang kanilang loveteam.


Subalit, tila nagising na sa katotohanan si Kathryn Bernardo ngayon at maging ang kanyang mga tagahanga.


Mga tagahanga na rin ngayon ng actress ang nagsasabing mas mabuting makipaghiwalay na lamang siya kay Daniel Padilla kung patuloy lamang itong magloloko sa kanilang relasyon.


Huwag na umanong magbulag-bulagan ang aktres sa mga pagmamanipula ni Daniel Padilla gayung ito ang siyang nagloloko.


Marami nang nakarating kay Kathryn Bernardo na mga pambababae ni Daniel Padilla, hindi lamang ang patungkol sa kanila ni Andrea Brillantes, marami pa umanong nauna rito.


Samantala, naging laman din ng mga usap-usapan ang patama hugot ni Kathryn Bernardo na hinala ng marami para kay Daniel Padilla.


"What good is a man who has no plan, but just having fun."


Dagdag pang pahayag ng aming source na hinihintay umano ni Kathryn na magmature itong si Daniel Padilla, nais umanong malaman ni Kathryn kung may plano nga ba ang aktor para sa kanilang future.


Kumikita umano ng milyon-milyon si Daniel Padilla subalit hindi umano ito nag-iipon at nag-iinvest para sa future mas inuna umano ng aktor na suportahan ang kanyang ina at mga kapatid.


Samantala, nagpunta na umano sa abogado ang kampo ni Kathryn Bernardo upang mapag-usapan nila ang mga negosyong nakapangalan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.



Darren Binuking Na Hiwalay Na Sina Kim Chiu at Xian Lim Sa It'S Showtime

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang pagbibiruan ng magbestfriend na sina Kim Chiu at Darren Espanto sa It's Showtime.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na tila naging malaman ang pagbibiro ni Darren Espanto sa kanyang kaibigang si Kim Chiu na maaring pahiwatig na umano ito sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim.


Sa unang segment ng kamakailang episode ng It's Showtime, naitanong ni Amy Perez kay Darren Espanto kung ano ang kanyang kanta para kay Kim Chiu.


"Kung mayroon kang ikakanta Darren, para kay Kim Chiu, ano iyon?"


Kaagad namang kinanta ni Darren Espanto ang 'Anong Nangyari sa Ating Dalawa'.


Kaagad namang naghiyawan ang mga madlang pipol at maging ang mga kapwa nila hosts lalo na si Jugs Jugueta na gulat na gulat rin sa sinabi ni Darren Espanto.


Marami ang naghinalang ang pagbibiro ni Darren ay may kinalaman sa kamakailang isyu ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Kapansin-pansin din na tila nagbago ang aura ni Kim Chiu matapos ang pagbibiro ni Darren na tila ba ay nalungkot siya.


Dahil dito, nakumbinsi ang ilang mga fans ng aktres na naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi rin lang ang pambubuking na ito ni Darren ang kanilang naging basehan, napansin din ng ilang mga fans ang kamakailang panayam ni Kim Chiu sa ABS-CBN.


Kung saan humingi ng privacy si Kim Chiu at sarilihin na muna ang estado ng relasyon nila ni Xian Lim.


Gayunpaman, hindi naman naapektuhan ang mga solid fans ni Kim Chiu, dahil patuloy pa rin naman umano nilang susuportahan ang aktres sa kabila ng lahat na pinagdadaanan niya ngayon.


Hinihiling din nila na madaling makakamove on si Kim Chiu at muli itong maging masaya.


Samantala, narito ang ilang mensahe ng mga fans ni Kim Chiu.


"Di naman kawalan si Xian, Kim,,,maraming nagpaparamdam,mas pa,,super gwapo at masasabi mo na forever talaga,,payo lng namin,eh maging maingat na sa pagpili,sa ngayon enjoy mo Muna Yung blessing niyo ni Paulo A .,at coming soon 2024 baka kayong tatlo ni Gerald Ang magkamovie,,kung Hindi para sayo ,,huwag Nang ipilit kung Hindi ka niya naipaglaban"


"Hayaan mo na si xian mag pokus kana muna sa mga na aachive mo. Enjoyin mo muna ang iyong. Life na single. Marami lang jan. Na tamang guy para sayo."


"Siguro nga hiwalay na sila kasi parating naka=black attire si Kim meaning of sadness….minsan sinabi nya noon na ayaw nya ng nakaitim kasi happy person sya kaya happy color ang parati nyang isinusuot."




Vice Ganda Direktang Sinupalpal Si Cristy Fermin Sa It'S Showtime

Walang komento


 Tila kumasa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging hamon ni Manay Cristy Fermin na diretsahan siyang pagsabihan at hindi lang basta pasaringan.


Muli na namang binanatan ni Vice Ganda ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Tila ito na ang sagot ni Vice Ganda sa pang-ookray sa kanya ni  Cristy Fermin patungkol sa pagpapanggap niyang babae sa kabila ng katotohanan na isa siyang lalaki.


Hindi na parinig ang ginawa ngayon ni Vice Ganda para gantihan si Cristy Fermin.


Sa isang episode ng It's Showtime, sa segment na Tawag Ng Tanghalan, inasar ni Jhong Hilario si Vice Ganda dahil sa pagiging reggae nito kagaya ng kanilang contestant.


Kaagad namang nagets ng komedyante ang tinutukoy ni Jhong Hilario sa pagbibiro nito. Nilapitan niya si Jhong Hilario upang banatan, subalit agad naman napagtanto ng lahat na hindi talaga si Jhong Hilario ang binanatan ni Vice Ganda kundi si Cristy Fermin.


Pahayag ni Vice Ganda, "Reggae kasi bakla? Tandaan mo lalaki ka, hindi ka babae nagpapanggap ka lang na babae."


Dagdag pang pang-asar ni Vice Ganda, "bwak bwak bwak bwak bwak bwak funny funny funny very very very."


Matatandaan na ang pahayag na sinabi ni Vice Ganda ay orihinal na pahayag ni Cristy Fermin laban sa kanya noong pasaringan niya itong gumagawa ng kasinungalingan.


Kaya naman positibo ang mga madlang pipol na si Cristy Fermin ang pinapasaringan at inasar ni Vice Ganda.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag si Cristy Fermin, patungkol sa naging banat sa kanya ngayon ni Vice Ganda. Gayunpaman, nakatitiyak ang ilang mga netizens na nanggagalaiti na naman ito sa galit dahil sa pagpatol sa kanya ni Vice Ganda.


Tiyak din umanong magbibigay ng sagot si Cristy Fermin at magkakapag-isip ito ng mga panlalait sa komedyante na maaring maging dahilan kaya hindi matapos-tapos ang isyu sa pagitan nilang dalawa.


Samantala, may ilang mga fans naman ni Vice Ganda ang nagsasabing huwag na lamang nitong patulan si Cristy Fermin upang manahimik na umano ang bibig nito sa kakabatikos sa kanya.


"Tandang Cristy..Pambansang Tsismosa. Daily ration of bashing to Vice Ganda is just her normal habit."


"Iwasan na lang pag ganyan ang tao"


May ilan naman na sinuportahan ang pagpatol ni Vice Ganda kay Cristy Fermin dahil umaaboso na umano ito dahil sa pananahimik ni Vice Ganda at iba pang mga artista na ginawan nito ng isyu.


"tigil tigilan mo kasi pakikialam sa buhay nila,hindi ka pariringgan nyan kung nanahimik ka,tas pag pinatamaan ka galit na galit nasasaktan din pala mga chismosa kagaya mo e no"


"Umaabuso kase si cristy porket hinahayaan ni meme dati sa mga pinagsasabi ngaun napuno na si meme sa knya sinu ba yan si cristy para pangilagan ni meme."


"naka kuha nanaman ng pagkakakitaan tong si cristy fermin. dapat magpa salamat tong si cristy fermin kay vice ganda dahil kumikita sya kay vice."




Dahilan Kung Bakit Maaaring Hindi Makauwi Si Sheynnis Palacios Sa Nicaragua

Walang komento


 May mga masalimoot na kwento sa likod ng tagumpay ni Sheynnis Palacios ng Nigaragua sa katatapos lamang na Miss Universe 2023.


Nauna nang naiulat na hindi pinayagan ng pamahalaan ng Nicagaragua sa pamumuno ni Daniel Ortega na makabalik sa kanilang bansa ang national director ng Miss Universe Nicaragua na si Karen Celeberrti at ang kanyang anak.


Ang pagkakaban ng dalawa ay dahil sa pagsuporta nila kay Sheynnis Palacios sa Miss Universe 2023 pageant na ginanap sa El Salvador noong November 18, 2023.


Bukod sa pagkakaban ng National Director at anak nito, pinapaban din ng Nicaraguan Government ang dalawang mural artist na gumuhit ng mukha ni Sheynnis Palacios bilang tribute sa kauna-unahang Miss Universe na mula sa kanilang bansa.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang national director ng Miss Universe Nicaragua hinggil sa pagpapaban sa kanila ng kanyang anak nina Daniel Ortega at asawa nitong si Rosario Murillo.


Hinala nang marami na may kinalaman sa isyung politica ang naging isyu ng National Director ng Miss Universe Nicaragua na si Karen Celeberrti na minsan na ring nakulong noong 2019, dahil kritiko siya ng Nicaraguan Government.


Naunang nagbunyi ang mga Nicaraguan citizens sa pagkakatanghal kay Sheynnis Palacios bilang kauna-unahang Miss Universe ng Nicaragua.


Subalit kamakailan lamang ay kinondina ni Murillo ang pagdiriwang na ito.


Pahayag ni Rosario Maurillo, "They intend to turn a beautiful and well-deseerved moment of pride and celebration into a destructive coup."


Pinaghihinalaan na may kinalaman ang reaksyon ni Rosario Murillo sa mga lumitaw na larawan ni Sheynnis Palacios noong sumali ito sa isang kilos protesta laban sa pamahalaan na pinamumunuan ng kanyang asawang si Daniel Ortega.


Social Communications graduate si Palacios sa isang University na ipinasara noon ni Ortega dahil sa mga estudyanteng kritiko ng kanyang pamamalakad.


Samantala, narito naman ang isang saloobin ng kilalang mamahayag patungkol sa pagiging Miss Universe ni Sheynnis Palacios.


"As a communicator, she is well aware of the problems that Nicaragua faces, especially poverty and many inequalities.


"Her triumph, in this beauty contest, must take her, not only to help many girls, as she said before receiving the crown, but to give a message to her people, to the world. You need to have a change in government.


"Miss Palacios, you know that Ortega, your president, who is not loved by many nations, and by many Nicaraguans, because he is an anti-democratic government, he has exiled those who are not in favor of his government, has political prisoners, has closed newspapers, has persecuted journalists, has silenced the voice of Catholics and many atrocities against humanity.


"Ortega has made a mockery of the Magna Carta. The Sandinista regime is the first thing he will have to deal with."


Naniniwala din ito na ang pgkakatanghal kay Sheynnis Palacios bilang Miss Universe 2023 ay maghahatid ng liwanag ng pag-asa para sa Nicaragua.


Samantala, hindi pa inihahayag ng Miss Universe Organization kung kailan makakabalik sa Nicaragua si Sheynnis Palacios para sa kanyang grand parade.


Nangangamba rin ngayon ang mga tagahanga ni Sheynnis na baka magkaroon ng problema sa kanyang pagbabalik dahil sa mga political issues.




Kris Aquino Nakitaan Na Naman Ng Panibagong Sakit!

Walang komento


 Hindi naging maganda ang resulta ng latest medical tests na isinagawa sa Queen of All Media na si Kris Aquino.


Nagbigay ng ilang mga update ang dating actress-host na si Kris Aquino patungkol sa kanyang health conditions. Isiniwalat niyang may nakitang abnormalities sa kanyang blood panels na kailangan umanong pagtuunan ng agarang medical attentions.


Isiniwalat din ni Kris Aquino na sa susunod na linggo, kinailangan niyang sumailalim sa iron infusions. Ang iron infusions ay isang procwdure kung saan nilalagyan ng iron ang katawan ng isang tao sa pamamagitan ng injections.


Bukod sa pagkakaroon ng maraming auto immune diseases kailangan ring pagtuunan ngayon ni Kris Aquino ng pansin ang kanyang Churg Strauss syndrome.


Ang Churg Strauss Syndrome na tinatawag ring Eosinophilic granulomatosis with polyangiitis ay isang rare disease characterized by inflammation of blood cells or tissues.


Ang ilang symptoms na naranasan ni Kris Aquino ay increased heart rate, madalas na pagkahilo at sakit ng ulo.


Samantala, ipinahayag naman ni Kris Aquino sa kanyang Instagram post ang kabuuang detalye ng pinagdadaanan niya ngayon kung saan ipinunto pa niyang hindi niya kailangan ng unnecessary stress.


"There’s something i chose not to reveal but i feel i must. There were some abnormalities in my blood panel. My hemoglobin hit an all time low, my sodium was as always low, BUT my potassium also dropped. If I want to get healthier it starts with my nutrition. Hindi ko kaya ang iron supplements."


"Starting next week i’ll be getting iron infusions. My Churg Strauss syndrome can affect many organs because it causes damage to blood vessels.


"My lungs have already shown some minor damage, but my now heart is showing signs of exhaustion- just to pump blood that lacks nutrients all over my body, kailangan mag overcompensate…


Dr. Malika explained to me that my heart rate going up to 130-135 after taking a shower, my constant constant dizzy spells, and headaches are already a warning for me that unless i start trying to eat real food and not rely on milk alone, i could be among the 7 out of 10 patients with Churg Strauss who attribute their death to heart failure.


"Bimb prepared the green juice: cucumber, apple, and a lot of spinach. Baby steps, kale will come soon- my food intake is really a problem. And my weight loss. 


"I was knocked out because of my exhaustion from having both my Dupixent & Methotrexate injected into me on Wednesday, so I missed our Thanksgiving celebration. Tomorrow, Sunday if my chronic sinusitis has stopped, i’ll try to walk around with Bimb & my nurse. 


"Bawal ang unnecessary stress. Let’s please continue praying for one another."


Marami naman sa mga netizens ang nagpadala ng kanilang panalangin para kay Kris Aquino, hiniling rin ng ilan pang mga celebrities na sana ay manumbalik na ang lakas ni Kris Aquino upang makasama pa niya ng mas matagal ang kanyang mga mahal sa buhay.


"So happy to see you drinking your green juice. 🥰 Always in my thoughts and prayers! Laban, Ate Kris!"


"Did it progress again from the last catchup? Ang bilis! God will heal you completely, Kris! Love you."


"tapang niyo po miss kris para sa nga anak pinagdadasal ko po ang kalakassn niyo"



Ogie Diaz Pinapatigil Na Magsalita Tungkol Sa Kathniel Lalo Na Kay Daniel Padilla!

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang binitiwang pahayag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa pagpipigil sa kanya na ibalita ang hiwalayan ng KathNiel.


Bukod sa pagsisiwalat niya patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla  pinapatigil rin umano si Ogie Diaz na magbigay ng ulat patungkol kay Daniel Padilla.


Isiniwalat kamakailan ni Ogie Diaz sa kanyang online vlog na may mga indibidwal umano na nagreklamo sa ABS-CBN para patigilin siya sa pagbibigay ng updates patungkol sa hiwalayan ng KathNiel at patungkol kay Daniel Padilla.


Nagrequest umano ito sa ABS-CBN para i-pressure siyang tigilan na ang pagbabalita patungkol sa break up ng KathNiel.


Ayon kay Ogie Diaz, wala naman umano siyang masamang intention sa pagbabalitang naghiwalay na ang KathNiel, nais lamang umano niyang marinig mismo mula sa KathNiel ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Gayunpaman, napag-alaman umano ni Ogie Diaz na may gumagalaw na pala sa loob mismo ng ABS-CBN para i-censor at patahimikin na lamang ang isyu.


Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz, may nakipag-usap na umano sa kampo ni Kathryn Bernardo para patahimikin ang aktres sa nangyaring isyu.


Nakarating rin umano sa kanya na may mga nagrerequest sa ABS-CBN para patigilin siya sa pagbibigay ng updates sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.


Samantala, nilinaw naman ni Ogie Diaz na hindi naman nakakasirang puri ang mga isinisiwalat nilang updates.


"una sa lahat, wala po kaming ibinabalita rito na nakakasirang puri, kay Kathryn, kay Daniel o sa relasyon nila. Ang lagi rin naming sinasabii rito. 'yun lang pong nababalitaan namin, hindi pa confirmed. Kaya yung iba, inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya ng sinasabi namin. hindi pa confirmed."


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at maging sa iba pang entertainment sites ang isyung naghiwalay na umano ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nadamay rin sa isyu ang isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na siyang tinuturong dahilan sa nasabing hiwalayan.


May mga nagsasabing palihim umanong nagkikita ang dalawa sa likod ng kanilang mga ka-relasyon. Mas tumindi pa ang isyu ng mapansin ng mga netizen na hindi na nakafollow si Kathryn sa Instagram account ni Andrea Brillantes.


Samantala, narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens.


"sana stop na sila sa entertainment kung ayaw nila mapag kwentuhan   para tahimik alam ng lahat na pag ke kwentuhan ang mga artista so stop the drama"


"Break ups are personal. But since, their love life is practically served to the public... It's a consequence Kathniel has to take... The fans are part of their relationship. Without the fans. There's no KathNiel. Fans deserve to know even if it hurts for the fans... Wala Naman sila magagawa kung break na ang KathNiel. If they are meant for each other, Love will bring them back... Ok nga Yung Kay Ogie eh .. Positive pa din na Hindi sila magkahiwalay. There's hope. As they say, True love wins. "


"Sa mga nababasa ko at nababalita or sa interviews laging pinapalabas na mahigpit si DP ky Kath in terms of pananamit, pakikipg usap sa ibang lalake, at sa kung sino2 ang makakapareha sa projects.. at tingin ko naman masunurin itong si Kath ky DP pro kung sino pa yung mahigpit yun pa ang nagloko at nangaliwa. Tsktsk. Mas uusbong itong si Kathryn sa karera nya lalo nat wala ng magbabawal sa kanya.. sya naman tlga ang mahal ng masa dahil humble at mabait tlga si Kath ever since."




Carmina Villaroel Nagsalita Na Sa Cheating Video Ni Mavy Legaspi, Dasuri

Walang komento

Lunes, Nobyembre 27, 2023


 Mabilis na kumalat sa social media ang mabilis na pagsagot ng celebrity mom na si Carmina Villaroel sa mga isiniwalat ng Kapuso actress patungkol sa kanyang mga anak anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.


Kaagad na nagviral ang mga naging post kamakailan ni Carmina Villaroel sa kanyang social media account kung saan naglabas siya ng mensahe para sa kanyang mga anak, ilang sandali matapos kumalat ang post ni Kyline Alcantara kung saan ibinulgar ang kambal.


Matatandaang nakakuha ng atensyon ng netizens si Kyline matapos itong mag-post ng mga mensaheng ikinagulat ng kanyang mga tagahanga. Kalakip ang isang video na kuha sa TikTok kung saan makikitang tila nagdo-double date sina Mavy Legaspi at Dasuri Choi, Cassy Legaspi at Michael.


"da best ka talaga tiktok. I knew it," caption pa ni Kyline sa kanyang post.


Makikita pa sa nasabing video na magkatabing naka-upo sina Cassy Legaspi at Dasuri Choi.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring pambabatikos para sa kambal na Legaspi kung saan ipinapahayag ng mga netizens kung gaano ka kunsintidor si Cassy sa mga pinaggagawa ni Mavy Legaspi.


Matatandaan na nauna nang inamin ni Kyline Alcantara na pinagseselosan niya noon si Dasuri Choi na naging co-host na ngayon ni Mavy sa Eat Bulaga.


Samantala, sa gitna ng isyung ito, tila sinagot naman ni Carmina Villaroel, ina nina Mavy at Legaspi hinggil sa nasabing pambabatikos para sa kanyang mga anak.


“People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best,” mensahe ni Carmina para sa mga anak sa gitna ng isyung kinakasangkutan nila ngayon.


Ibinahagi rin ng celebrity mom ang isang qoute kung saan nakasaad na, 'Mommy knows best."


Sa ngayon ay hindi nagbibigay ng pahayag sina Mavy Legaspi at Dasuri Choi hinggil sa nasabing isyu.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga fans ni Kyline Alcantara.


"hiwalayan mo na yan si oversized toddler na mukhang jollibee walang kwenta naman yon"


"It's okay my love you don't deserve all of that, stop questioning your worth just because he hurt you, i just want to say that I'm really proud of you for being so strong in everything or what's going on around you. We, sunflower will always support you i love you ky🤍"


"Yung conclusions or assumptions ng fans di nakkatulong sayo Ky. Talo ka if they pit you against the Legaspis. Very positive ang public image nila samantalang ikaw may history ka na ng fall out between partners and friends."


"Di yan kawalan ui..Ang Ganda mo Kya..dti dkitan gusto pero mula Ng sumayaw k sa showtime Ang Ganda mo at taas Ng karisma mo..galing mopa sumayaw."




Toni Gonzaga, Nalula Sa Kinikita Ni Rosmar Tan Kada Araw

Walang komento


 Naging inspirasyon para sa marami ang kwento ng buhay ng social media personality at CEO ng Rosmar Beauty Essentials na si Rose Marie Tan na ibinahagi niya sa YouTube vlog ng actress-host na si Toni Gonzaga na Toni Talks.


Ibinahagi ni Rose Marie Tan na mas kilala bilang si Rosmar ang kwento kung bakit niya naabot ngayon ang estado ng kanyang pamumuhay ngayon.


Sa latest vlog ni Toni Gonzaga sa Toni Talks, kinapanayam niya si Rosmar kung saan napag-usapan nila ang mga pinagdaanang hirap ng isang CEO bago niya nakamit ang rurok ng tagumpay.


Nang maitanong naman ni Toni Gonzaga kay Rosmar kung ano ang inspirasyon niya at kung ano ang naghudyat sa kanya na simulan ang kanyang skin care business, proud nitong inamin na sa tulong ng isang galisin na bulldog napag-isipan niyang gawin ang kanyang business.


Ibinahagi niya sa vlog ni Toni Gonzaga kung paano nakatulong sa kanya ang bulldog na galisin. Dapat na umanong i-mercy kill ang nasabing bulldog dahil wala na umano itong pag-asa.


"Yung bulldog po, gusto na ngang i-mercy killing kasi wala na raw pong pag-asa ganun."


Dagdag pa ni Rosmar, "So, 'yung doktor na po na 'yun doktor naman po ng tao, pinaampon niya po sa akintapos sabi niya try m 'yung dahon ng madre cacao."


"Tumawag agad ako kay Papa, sabi ko, Papa pagpitas mo ako ng maraming dahon ng madre cacao dali ibebenta ko."


"Parang, oo gagamutin ko 'yung aso pero mindset ko na sobrahan niya yung dahon kasi nga ibebenta ko."


Inamin pa ni Rosmar kay Toni Gonzaga ang natamo niyang bashing matapos ibenta ang mga dahon ng madre cacao. Hindi naman umano siya nagpaapekto sa mga bumabatikos sa kanya dahil sa pagbebenta ng dahon ng madre cacao, bagkus mas hinusayan pa niya ang kanyang marketing strategies.


Naisip na rin umano ni Rosmar na gawing shampoo ang ibinibenta niyang dahon ng madre cacao, at tawagin ang kanyang produkto bilang, Mysterious Madre Cacao.


Ipinahayag naman ni Rosmar na epektibo ang kanyang produkto at totoong nawala ang galis ng inampon niyang aso.


Ikinagulat naman ni Toni Gonzaga nang isiwalat ni Rosmar na kumita siya ng 40 thousand pesos kada dahil lang sa pagbibenta niya sa Shampoo na para sa mga aso.


Ang mas ikinagulat ni Toni Gonzaga nang aminin ni Rosmar na 50 pesos lamang ang kanyang puhunan sa paggawa ng nasabing producto.


Sa ngayon, isa na sa maituturing na successfull business woman sa bansa si Rosmar. Sa katunayan, kumikita na umano ito ng mahigit limang milyon sa isang araw mula lamang sa kanyang pagbebenta ng mga skin care products.


Muling ikinagulat ni Toni Gonzaga nang linawin ni Rosmar na ang kitang limang milyon sa isang araw ang pinakamaliit na kanyang kinikita dahil kadalasan ay umaabot sa sampu hanggang sa labin tatlong milyon ang kinikita niya sa isang araw sa pagbebenta lamang mga mga skin care products lalo na sa tuwing pick season.


"May chinika sa akin si Alex, kumikita ka daw ng 5M a day," pahayag ni Toni.


"'Yun po yung medyo mahina na po ako nun. May time po na kasagsagan po ng sobra-sobrang lakas po, pumapalo po minsan sa 13 ganun. 10 to 13, pero kasama na po dun ang puhunan," pag-amin ni Rosmar.


Nilinaw naman ni Rosmar na hindi naman niya ipinagmamalaki ang kanyang income, mga nakamit sa buhay at ang kanyang success gaya ng palaging ibinabato sa kanya ng mga tao.


Nais laman umano niyang maging inspirasyon sa marami at ipaalam sa lahat na huwag lamang sumuko sa mga pagsubok sa buhay dahil makakamit din nito ang katulad ng tagumpay na kanyang tinatanggap ngayon.


"Congrats to the beautiful and humble CEO  Ate rosmar pamulaklakin tan🥰 Grabe nakakainspired po yung story nyo. Yung kahit dinadown kana nang buhay or pagsubok sa buhay pero eto ka, patuloy na lumalaban at d mo naisipang e give up lahat. Means deserved mo lahat kung ano man meron ka ngayon maam 🥰 Godbless your family po"


"Dito nakilala ko si rosmar ng maayos.. Naiyak ako kasi natouch ako sa puso meron sya at inspiration dahil ang sipag nya kaya nya naabot kung ano meron sya.. Tunay na Rosmar lang ang Malakas.. Thank you Ms Toni for bringing her to share her success in life and what she went through.."




Cristy Fermin Tinawag Na Flat, Walang Dating, Manang, Walang Binatbat Si Kathryn Bernardo

Walang komento


 Hindi nagustuhan ng ilang mga fans ng Kapamilya actress na si Kathryn Bernardo ang pambabatikos at tila panlalait ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin.


Ikinainis ng mga fans ni Kathryn Bernardo ang kamakailang pahayag nina Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez kung saan sinabihan nilang dry, manang, flat, walang dibdib at walang dating ang aktres.


Tila sumubra naman ang mga panlalait ng kampo ni Cristy Fermin sa akres na si Kathryn Bernardo sa kamakailang episode ng kanilang showbiz oriented vlog na Showbiz Now Na.


Ipinahayag nina Manay Cristy Fermin na wala umanong binatbat si Kathryn Bernardo kung ikukumpara kay Andrea Brillantes pagdating sa ganda at sa pagmomodel.


Sinabihan pa ng mga ito ang aktres na walang ganda, walang dibdib, walang dating, dry at flat lips si Kathryn Bernardo.


"Postura at postura, wala talaga eh talagang may ilalaban yung Andrea. Wala talagang binatbat si Kathryn. Tanggapin natin ang katotohanan, wala talagang binatbat si Kathryn."


Bukod sa ganda, taob din umano ang Kapamilya actress pagdating sa pagrampa at paglakad ni Andrea Brillantes.


"Sa paglakad, sa pagrampa, lalong wala, di ba?"


Ipinunto pa ni Wendell Alvarez ang pare-parehong beses ni Kathryn Bernardo na minsan ay nagmumukha pa umano itong Manang at Nanay.


"Yung mga bihis niya kasi pare-pareho lang, pang nanay, pang-gra, manang oo manang."


Sa kabila nito, ipinunto naman nila na totoo itong nakikita nila kay Kathryn Bernardo at ito rin umano ang ibinabato ng mga kumampi kay Andrea Brillantes.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens patungkol sa naging pahayag ni Cristy Fermin.


"O my... Parang di nanay eto.. Hurting cya.. 11 years and dropped. OK Lang.. Hayaan na may parents naman cya at mga kaibigan.. Si cristy naman. Magkapera Lang.. Kung pangit cya, OK lNg Yun makakabawi din Yan.. She has to decide to leave Daniel who is happy with Andrea... Pag Naka balance Yan, ba balik Yan."


"Hahaha cristy wag kang mayabang weee di nga talaga ba ohh talaga ba di kc si Kath mayabang bakit c andrea ba  so lng ang pang laban  at sos ok lng yan c kath ay di simple atleast matinong babae at desinte pa c andrea nyo bata pa may isyo na video na agad at puro lalaki ang isyo hahaha kakahiya nman sayo cristy nilalait mo yung pang box office hit malayo sa narating ni Kath ang ANDREA mo laspag na hahaha desinte lng simple lng si kath di makapal mag make up"


"You don't need social media platforms for you to bash other people. We may need to revisit the definition of what bashing is all about. Shame on you Cristy!!! What you do from time to time

is not just "bashing".. you're bullying other people."


"I like both Andrea and Kathryn. Beauty wise mag kaiba klase ng ganda nila. Andrea has a provocative beauty, kathryn is a simple beauty , natural looking beauty"




Napikon, Vice Ganda Lalong Inasar Si Cristy Fermin

Walang komento


 Kaagad na rumesbak ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa parinig sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa It's Showtime.


Nag-ugat ang pagbibiro ni Vice Ganda at tila panri-realtalk ni Vice Ganda kay Cristy Fermin sa isang contestant ng It's Showtime na may pangalang Cristy.


Nitong November 23, 2023 episode ng It's Showtime, kinumusta ni Vice Ganda ang nasabing contestant at tinanong ito kung ano ang pinagkakaabalahan bukod sa paggawa ng kasinungalingan.


“Kamusta ka Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?” pahayag ni Vice Ganda.


Kaagad namang bumwelta si Manay Cristy Fermin sa isang episode ng kanyang show kung saan ipinahayag niyang nagbabalat-kayo lamang si Vice Ganda at isa ring mayabang.


Bukod pa rito, hinamon rin ni Cristy Fermin si Vice Ganda na harap-harapan siyang pagsabihan hindi katulad ng mga tirada umano ni Vice Ganda na palaging patalikod.


Ayon pa kay Cristy Fermin, napapansin niyang madalas umano silang pasaringan ni Vice Ganda sa It's Showtime kabilang na ang pagkakataon na tinawag siya nitong chaka.


"Ang masakit talaga kay Vice Ganda, kapag kinontra mo siya, kalaban ka niya. Kapag pinitik mo ang hindi niya kagandahang ginagawa, kaaway ka na niya."


Dagdag pa niya, "Ako diretsahan kung nasasabi sa kanya na mayabang siya, na wala ka man lang makikitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kung nasasabi yun. Bakit hindi niya ako diretsuhin, yung magtatago pa siya sa palda ng ibang tao. Gagamit pa siya ng ibang tao para makaganti."


Hindi na sana umano papatulan ni Cristy Fermin ang mga patutsada sa kanya ni Vice Ganda, subalit may nagpayo umano sa kanya na dapat niyang sagutin ito para matigil na ang kabastusan ng comedian.


"Kung lalaban ka, dapat parehas, kung ika'y magagalit dapat ay ituturo mo yung tao kung sino man ang gusto mong patungkulan. Hindi sa yung kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Hindi natutuwa ang mga tao sa ganoon.


"Wala kang leksyon na natutunan pagkatapos niyong masuspende sa ginawa ninyo ni Ion Perez sa harap ng telebisyon sa gitna ng mga batang musmos."


Pagpupunto pa ni Manay Cristy Fermin na wala siyang pagsisinungaling na ginawa, "Anong pagsisinungaling doon? Kung iyon ay pagsisinungaling, bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12 days airing suspension."


Diretso pang pagpapahayag ni Cristy Fermin kung saan ipinunto niyang hindi panghabang-buhay ang kasikatan na tinatamasa ngayon ni Vice Ganda.


“Isang araw darating sa iyo ang pagbaba mo, bababa ka sa pedestal, hindi pupuwedeng nandiyan ka habang panahon. May mga darating na mas magagaling sa iyo at matatabunan ka… Kami natutuwa na mayroong mga pinagpapala na katulad mo pero kapag ang hangin ng kayabangan at pagiging palalo ay pumapasok na sa ulo, kinakalos natin ‘yan.”


Bweltang pambabatikos pa ni Cristy Fermin, “Vice Ganda hindi ka tunay na babae, lalaki ka… Nagpapanggap ka lang na babae.”


Samantala, tila hindi naman naapektuhan si Vice Ganda sa naging banat ni Cristy Fermin. Sa isang post ni Viice Ganda sa kanyang Twitter account, makikita ang isang larawan na may katawa-tawang mukha na hinala ng marami na mukha ni Cristy Fermin.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"Yung matandang chismosa na yan meme, nabubuhay na lang sa paggawa ng FAKE NEWS, KASINUNGALINGAN para makasira at kumita ng pera sa paninira yan. Ito ay patuloy na kinukunsinte ng pamunuan ng TV5 na meron silang FAKE NEWS PEDDLER sa istasyon nila. Mahiya naman kayo TV5."


"Patawa siya. Kapag siya, okay lang magsabi ng kung anu-anong kanegahan about you sa show niya. Pero pag ikaw nagpatama, iiyak siya? Hahahahaha."


"Isa pa, Meme. Hahahaha. Pikonin mo pa, please. Matagal na namin hinihintay ang resbak mo. Halos every episode ng show niya ikaw ang bukambibig niyan along with Kris Aquino, Karla Estrada, at iba pa. Pakita mo kung sino kaaaaaa.."




Abs Cbn Nag Labas Ng Pahayag Sa Isyu Nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Walang komento


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagbisita ng aktor na si Daniel Padilla for a meeting sa opisina ni Direk Laurenti Dyogi ng Star Magic. Kung saan tila isa sa kanilang mga pinag-usapan ay ang isyung kumakalat patungkol sa tambalang KathNiel.


Tiyak din umanong pinag-usapan ang mga kontrobersiya na kinakaharap ngayon ni Daniel Padilla.


Sakabilang banda, ayon sa kumakalat na report ang pelikula nina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo talaga ang main topic ng nasabing meeting.


Hindi din naman nila maiiwasan na mapag-usapan ang posibilidad na marami sa mga dating fans ng KathNiel ang bumitaw na ngayon kay Daniel Padilla. Si Kathryn Bernardo na lamang ang kanilang sinusuportahan.


Ito'y kasunod sa isyung panloloko ni Daniel Padilla sa kanyang real life partner na si Kathryn Bernardo dahil kay Andrea Brillantes.


Marami sa mga fans ng KathNiel ang kumampi kay Kathryn Bernardo. Isa sa mga dahilan nito ay ang pagkakadamay sa isyu ni Andrea Brillantes na palihim umanong kinatatagpo ni Daniel Padilla.


 Hindi na umano ito katulad ng isyung paghihiwalay noon ng dalawa dahil sa pagkakataong ito ay mayroon nang nadadawit na third party.


Tila iba na rin ang career path na gustong tahakin ni Kathryn Bernardo dahil sa panibagong image na ipinapakita niya sa kanyang mga photoshoot at social media posts.


Lumalabas din na tila ninanais na ngayon ni Kathryn na tumiwalag sa loveteam nila ni Daniel Padilla.


Marami naman sa mga netizens ang sang-ayon na magsolo na lamang silang dalawa upang mas lumawak pa ang kanilang connection.


Sakali mang maging solo artist na lamang sila ay maari na silang itambal sa iba pang mga artista, sa kasikatan nilang tinataglay ngayon tiyak namang magtatagumpay pa rin sila kahit na maging solo artist na lamang sila.


Tila nagbago na rin naman ang taste ng mga manonood kung saan hindi na gaano kabenta ang mga loveteams. Mas marami ring makukuhang opportunity ang mga solo artists dahil pwede silang isalang sa lahat.


Sa kabilang banda, may mga KathNiel fans naman na nagsasabing ok lang na maghiwalay ng career path ang dalawa subalit ibang usapan naman umano ang kanilang romantic relationship.


"Pwede namang behind the camera ay kayo pero para sa mga lakad para sa mga promo ng ginagawang projects solo-solo mas bongga."


Samantala, noong birthday celebration ni Karla Estrada marami ang nakapansin sa hindi pagdalo ni Kathryn Bernardo. Maging sa second day ng pagdiriwang ng celebrity mom ay hindi pa rin namataan ang nobya ni Daniel Padilla na dati namang hindi pinapalampas ang naturang celebration.


Hiling naman ng mga netizens ngayon na sana ay linawin na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang isyu para sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila.


"If its for the show and contract only, its okay. Walang magagawa po mga fandoms sa ganyan. Just close the issue po. Ang mga fans naman kung totoo sila anjan pa rin to support them in different side."


"Momshi break na ba Ang kathniel para Maliwanagan na kami"




Katotohanan Sa Annulment Issue Nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 24, 2023


 Sa gitna ng usaping naghiwalay na ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, napansin ng ilang mga marites sa social media na pinalitan na ng actress-model ang kanyang pangalan sa Instagram.


Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na screenshots patungkol sa pagpapalit ng pangalan ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account.


Noon, ay nakalagay sa Instagram bio ni Sarah Lahbati ang buo niyang pangalan na Sarah Lahbati Gutierrez. Subalit, as of November 23, ngayon ay initial na lamang ang inilagay niya.


Bukod pa rito, napansin din ng mga netizens na nagpagupit ng buhok si Sarah Lahbati. Hinala ng ilang mga netizens na isa umano ito sa mga senyales na nasaktan si Sarah Lahbati at nagnanais na itong mag-move on.


Naging makahulugan rin ang caption ni Sarah Lahbati sa isa sa kanyang mga post.


"embracing the stillness of time.."


Maliban sa pagbabagong ito ni Sarah sa kanyang sarili, marami rin ang mga nakapansin na hindi na siya kasama sa mga family gatherings ng pamilya Gutierrez.


Sa katunayan, naging usapin ang pagiging absent ni Sarah sa binyag ng pamangkin ni Richard kamakailan lamang na dinaluhan ng malalapit na kamag-anak ng Gutierrez.


Makikita sa mga kumakalat na larawan na mula sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez na naroon naman ang dalawang anak nina Sarah Lahbati at Richard, naroon din ang iba pang myembro ng pamilya maliban lamang kay Sarah.


Matatandaan na nag-ugat ang isyung may pinagdadaanan ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong nakaraang buwan, matapos mapansin ng ilang mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng post na magkasama.


Kung pagbabasehan ang account ni Sarah makikitang July na pa ng magbahagi siya ng larawan nilang dalawa ni Richard.


Ikinabahala ito ng kanilang mga fans dahil noon pa man ay bukas ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang mga sweet moments together.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng reaction at pahayag sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez hinggil sa isyung nagbabalak na umanong magpa-annul ng kanilang kasal ang dalawa.


Hindi nila pinabulaanan o kinumpirma ang isyung kumakalat ngayon sa social media.



Cristy Fermin Ininsulto Ang Kasarian Ni Vice Ganda Sa Programang Cristy Ferminute

Walang komento


 Tila nakarating rin kay Cristy Fermin ang ginawang biro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime sa isang contestant na nagngangalang Cristy.


Matatandaan na tinanong ni Vice Ganda sa isang contestant ng It's Showtime na may pangalang Cristy kung ano ang pinagkakaabalahan nito bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan.


Kaagad namang bumwelta rito si Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute kung saan hinamon niya si Vice Ganda.


"Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda, puro patagilid ang kanyang bira,"  pahayag ni Cristy Fermin.


Dagdag pa ng kolumnista, "Eh, bakit hindi mo sabihin, Oy Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling mo, ano pa ang pinagkakaabalahan mo."


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na bakit hindi tumulad sa kanya si Vice Ganda na naipapahayag niya kung gaano kayabang si Vice.


"Eh, ako diretsa kung nasasabi sa kanya na mayabang siya diba? na wala ka man lang makikitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kung nasasabi 'yun. Bakit hindi niya rin ako diretsuhin? e pupwede naman."


Ipinahayag din ni Cristy Fermin na tinigilan na umano nila si Vice Ganda mula noong natapos na ang suspension ng It's Showtime.


Tila nilait din ni Manay Cristy Fermin ang pagiging kasapi ni Vice Ganda sa LGBTQ community.


Ayon kay Cristy Fermin, "Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka Vice Ganda nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kung ikaw ay bumabyahe sa mahaba-habang kalye, at tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka ji-jingle."


Samantala, wala pang tugon si Vice Ganda, hinggil sa pambabanat na ito sa kanya ni Cristy Fermin.


Hindi naman na bago sa lahat ang pasaringan nina Vice Ganda at Cristy Fermin.


Kilala ang veteran showbiz columnit na si Cristy Fermin sa mga kilalang kritiko ni Vice Ganda at sa relasyon nila ni Ion Perez.




Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo