Kampo Ni Kathryn Bernardo Nakikipag Usap Na Sa Abogado, Patungkol Sa Negosyo

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Ngayong hayag na hayag na sa publiko ang hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, isa-isa nang naglalabasan ang mga itinatagong baho ni Daniel na pinagtatakpan naman ni Kathryn Bernardo noon.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, noon pa umano nambababae itong si Daniel Padilla. Pasimple umano itong nagto-two time kay Kathryn.


Dahil mahal umano ng aktres si Daniel Padilla, pinapatawad niya ito at patuloy na pinagtatakpan ang mga pambababae nito.


Ayaw umano ni Kathryn Bernardo na tuluyang mawasak ang kanilang loveteam dahil alam umano niyang masasaktan din ang kanilang mga KathNiel fans.


Ayaw umano ni Kathryn na madismaya ang kanilang mga fans at masaktan sakaling mabuwag ang kanilang loveteam.


Subalit, tila nagising na sa katotohanan si Kathryn Bernardo ngayon at maging ang kanyang mga tagahanga.


Mga tagahanga na rin ngayon ng actress ang nagsasabing mas mabuting makipaghiwalay na lamang siya kay Daniel Padilla kung patuloy lamang itong magloloko sa kanilang relasyon.


Huwag na umanong magbulag-bulagan ang aktres sa mga pagmamanipula ni Daniel Padilla gayung ito ang siyang nagloloko.


Marami nang nakarating kay Kathryn Bernardo na mga pambababae ni Daniel Padilla, hindi lamang ang patungkol sa kanila ni Andrea Brillantes, marami pa umanong nauna rito.


Samantala, naging laman din ng mga usap-usapan ang patama hugot ni Kathryn Bernardo na hinala ng marami para kay Daniel Padilla.


"What good is a man who has no plan, but just having fun."


Dagdag pang pahayag ng aming source na hinihintay umano ni Kathryn na magmature itong si Daniel Padilla, nais umanong malaman ni Kathryn kung may plano nga ba ang aktor para sa kanilang future.


Kumikita umano ng milyon-milyon si Daniel Padilla subalit hindi umano ito nag-iipon at nag-iinvest para sa future mas inuna umano ng aktor na suportahan ang kanyang ina at mga kapatid.


Samantala, nagpunta na umano sa abogado ang kampo ni Kathryn Bernardo upang mapag-usapan nila ang mga negosyong nakapangalan kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo