Cristy Fermin Ininsulto Ang Kasarian Ni Vice Ganda Sa Programang Cristy Ferminute

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Tila nakarating rin kay Cristy Fermin ang ginawang biro ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kamakailang episode ng It's Showtime sa isang contestant na nagngangalang Cristy.


Matatandaan na tinanong ni Vice Ganda sa isang contestant ng It's Showtime na may pangalang Cristy kung ano ang pinagkakaabalahan nito bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan.


Kaagad namang bumwelta rito si Cristy Fermin sa kanyang programa na Cristy Ferminute kung saan hinamon niya si Vice Ganda.


"Hindi naman kami ipinanganak kahapon para hindi namin maturol na ako talaga ang pinatatamaan ni Vice Ganda. Ang hindi lang maganda, puro patagilid ang kanyang bira,"  pahayag ni Cristy Fermin.


Dagdag pa ng kolumnista, "Eh, bakit hindi mo sabihin, Oy Cristy Fermin, bukod sa pinagkakaabalahan mo, bukod sa pagsisinungaling mo, ano pa ang pinagkakaabalahan mo."


Ipinahayag pa ni Manay Cristy Fermin na bakit hindi tumulad sa kanya si Vice Ganda na naipapahayag niya kung gaano kayabang si Vice.


"Eh, ako diretsa kung nasasabi sa kanya na mayabang siya diba? na wala ka man lang makikitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kung nasasabi 'yun. Bakit hindi niya rin ako diretsuhin? e pupwede naman."


Ipinahayag din ni Cristy Fermin na tinigilan na umano nila si Vice Ganda mula noong natapos na ang suspension ng It's Showtime.


Tila nilait din ni Manay Cristy Fermin ang pagiging kasapi ni Vice Ganda sa LGBTQ community.


Ayon kay Cristy Fermin, "Vice Ganda, hindi ka tunay na babae. Lalaki ka Vice Ganda nagpapanggap ka lang na babae. Ngayon kung ikaw ay bumabyahe sa mahaba-habang kalye, at tinawag ka ng kalikasan, bababa ka sa sasakyan, hahanap ka ng puno at doon ka ji-jingle."


Samantala, wala pang tugon si Vice Ganda, hinggil sa pambabanat na ito sa kanya ni Cristy Fermin.


Hindi naman na bago sa lahat ang pasaringan nina Vice Ganda at Cristy Fermin.


Kilala ang veteran showbiz columnit na si Cristy Fermin sa mga kilalang kritiko ni Vice Ganda at sa relasyon nila ni Ion Perez.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo