Vice Ganda Direktang Sinupalpal Si Cristy Fermin Sa It'S Showtime

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Tila kumasa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa naging hamon ni Manay Cristy Fermin na diretsahan siyang pagsabihan at hindi lang basta pasaringan.


Muli na namang binanatan ni Vice Ganda ang veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kamakailang episode ng It's Showtime.


Tila ito na ang sagot ni Vice Ganda sa pang-ookray sa kanya ni  Cristy Fermin patungkol sa pagpapanggap niyang babae sa kabila ng katotohanan na isa siyang lalaki.


Hindi na parinig ang ginawa ngayon ni Vice Ganda para gantihan si Cristy Fermin.


Sa isang episode ng It's Showtime, sa segment na Tawag Ng Tanghalan, inasar ni Jhong Hilario si Vice Ganda dahil sa pagiging reggae nito kagaya ng kanilang contestant.


Kaagad namang nagets ng komedyante ang tinutukoy ni Jhong Hilario sa pagbibiro nito. Nilapitan niya si Jhong Hilario upang banatan, subalit agad naman napagtanto ng lahat na hindi talaga si Jhong Hilario ang binanatan ni Vice Ganda kundi si Cristy Fermin.


Pahayag ni Vice Ganda, "Reggae kasi bakla? Tandaan mo lalaki ka, hindi ka babae nagpapanggap ka lang na babae."


Dagdag pang pang-asar ni Vice Ganda, "bwak bwak bwak bwak bwak bwak funny funny funny very very very."


Matatandaan na ang pahayag na sinabi ni Vice Ganda ay orihinal na pahayag ni Cristy Fermin laban sa kanya noong pasaringan niya itong gumagawa ng kasinungalingan.


Kaya naman positibo ang mga madlang pipol na si Cristy Fermin ang pinapasaringan at inasar ni Vice Ganda.


Sa kabilang banda, hindi pa naglalabas ng pahayag si Cristy Fermin, patungkol sa naging banat sa kanya ngayon ni Vice Ganda. Gayunpaman, nakatitiyak ang ilang mga netizens na nanggagalaiti na naman ito sa galit dahil sa pagpatol sa kanya ni Vice Ganda.


Tiyak din umanong magbibigay ng sagot si Cristy Fermin at magkakapag-isip ito ng mga panlalait sa komedyante na maaring maging dahilan kaya hindi matapos-tapos ang isyu sa pagitan nilang dalawa.


Samantala, may ilang mga fans naman ni Vice Ganda ang nagsasabing huwag na lamang nitong patulan si Cristy Fermin upang manahimik na umano ang bibig nito sa kakabatikos sa kanya.


"Tandang Cristy..Pambansang Tsismosa. Daily ration of bashing to Vice Ganda is just her normal habit."


"Iwasan na lang pag ganyan ang tao"


May ilan naman na sinuportahan ang pagpatol ni Vice Ganda kay Cristy Fermin dahil umaaboso na umano ito dahil sa pananahimik ni Vice Ganda at iba pang mga artista na ginawan nito ng isyu.


"tigil tigilan mo kasi pakikialam sa buhay nila,hindi ka pariringgan nyan kung nanahimik ka,tas pag pinatamaan ka galit na galit nasasaktan din pala mga chismosa kagaya mo e no"


"Umaabuso kase si cristy porket hinahayaan ni meme dati sa mga pinagsasabi ngaun napuno na si meme sa knya sinu ba yan si cristy para pangilagan ni meme."


"naka kuha nanaman ng pagkakakitaan tong si cristy fermin. dapat magpa salamat tong si cristy fermin kay vice ganda dahil kumikita sya kay vice."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo