Ogie Diaz Pinapatigil Na Magsalita Tungkol Sa Kathniel Lalo Na Kay Daniel Padilla!

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang binitiwang pahayag ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz patungkol sa pagpipigil sa kanya na ibalita ang hiwalayan ng KathNiel.


Bukod sa pagsisiwalat niya patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla  pinapatigil rin umano si Ogie Diaz na magbigay ng ulat patungkol kay Daniel Padilla.


Isiniwalat kamakailan ni Ogie Diaz sa kanyang online vlog na may mga indibidwal umano na nagreklamo sa ABS-CBN para patigilin siya sa pagbibigay ng updates patungkol sa hiwalayan ng KathNiel at patungkol kay Daniel Padilla.


Nagrequest umano ito sa ABS-CBN para i-pressure siyang tigilan na ang pagbabalita patungkol sa break up ng KathNiel.


Ayon kay Ogie Diaz, wala naman umano siyang masamang intention sa pagbabalitang naghiwalay na ang KathNiel, nais lamang umano niyang marinig mismo mula sa KathNiel ang totoong estado ng kanilang relasyon.


Gayunpaman, napag-alaman umano ni Ogie Diaz na may gumagalaw na pala sa loob mismo ng ABS-CBN para i-censor at patahimikin na lamang ang isyu.


Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz, may nakipag-usap na umano sa kampo ni Kathryn Bernardo para patahimikin ang aktres sa nangyaring isyu.


Nakarating rin umano sa kanya na may mga nagrerequest sa ABS-CBN para patigilin siya sa pagbibigay ng updates sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.


Samantala, nilinaw naman ni Ogie Diaz na hindi naman nakakasirang puri ang mga isinisiwalat nilang updates.


"una sa lahat, wala po kaming ibinabalita rito na nakakasirang puri, kay Kathryn, kay Daniel o sa relasyon nila. Ang lagi rin naming sinasabii rito. 'yun lang pong nababalitaan namin, hindi pa confirmed. Kaya yung iba, inuutusan tayo na i-verify muna. Kaya ng sinasabi namin. hindi pa confirmed."


Naging laman ng mga usap-usapan sa social media at maging sa iba pang entertainment sites ang isyung naghiwalay na umano ang celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, nadamay rin sa isyu ang isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na siyang tinuturong dahilan sa nasabing hiwalayan.


May mga nagsasabing palihim umanong nagkikita ang dalawa sa likod ng kanilang mga ka-relasyon. Mas tumindi pa ang isyu ng mapansin ng mga netizen na hindi na nakafollow si Kathryn sa Instagram account ni Andrea Brillantes.


Samantala, narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens.


"sana stop na sila sa entertainment kung ayaw nila mapag kwentuhan   para tahimik alam ng lahat na pag ke kwentuhan ang mga artista so stop the drama"


"Break ups are personal. But since, their love life is practically served to the public... It's a consequence Kathniel has to take... The fans are part of their relationship. Without the fans. There's no KathNiel. Fans deserve to know even if it hurts for the fans... Wala Naman sila magagawa kung break na ang KathNiel. If they are meant for each other, Love will bring them back... Ok nga Yung Kay Ogie eh .. Positive pa din na Hindi sila magkahiwalay. There's hope. As they say, True love wins. "


"Sa mga nababasa ko at nababalita or sa interviews laging pinapalabas na mahigpit si DP ky Kath in terms of pananamit, pakikipg usap sa ibang lalake, at sa kung sino2 ang makakapareha sa projects.. at tingin ko naman masunurin itong si Kath ky DP pro kung sino pa yung mahigpit yun pa ang nagloko at nangaliwa. Tsktsk. Mas uusbong itong si Kathryn sa karera nya lalo nat wala ng magbabawal sa kanya.. sya naman tlga ang mahal ng masa dahil humble at mabait tlga si Kath ever since."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo