Darren Binuking Na Hiwalay Na Sina Kim Chiu at Xian Lim Sa It'S Showtime

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang mga social media platforms at ilang mga entertainment sites ang pagbibiruan ng magbestfriend na sina Kim Chiu at Darren Espanto sa It's Showtime.


Marami sa mga netizens ang nakapansin na tila naging malaman ang pagbibiro ni Darren Espanto sa kanyang kaibigang si Kim Chiu na maaring pahiwatig na umano ito sa totoong estado ng relasyon nila ni Xian Lim.


Sa unang segment ng kamakailang episode ng It's Showtime, naitanong ni Amy Perez kay Darren Espanto kung ano ang kanyang kanta para kay Kim Chiu.


"Kung mayroon kang ikakanta Darren, para kay Kim Chiu, ano iyon?"


Kaagad namang kinanta ni Darren Espanto ang 'Anong Nangyari sa Ating Dalawa'.


Kaagad namang naghiyawan ang mga madlang pipol at maging ang mga kapwa nila hosts lalo na si Jugs Jugueta na gulat na gulat rin sa sinabi ni Darren Espanto.


Marami ang naghinalang ang pagbibiro ni Darren ay may kinalaman sa kamakailang isyu ng hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim.


Kapansin-pansin din na tila nagbago ang aura ni Kim Chiu matapos ang pagbibiro ni Darren na tila ba ay nalungkot siya.


Dahil dito, nakumbinsi ang ilang mga fans ng aktres na naghiwalay na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hindi rin lang ang pambubuking na ito ni Darren ang kanilang naging basehan, napansin din ng ilang mga fans ang kamakailang panayam ni Kim Chiu sa ABS-CBN.


Kung saan humingi ng privacy si Kim Chiu at sarilihin na muna ang estado ng relasyon nila ni Xian Lim.


Gayunpaman, hindi naman naapektuhan ang mga solid fans ni Kim Chiu, dahil patuloy pa rin naman umano nilang susuportahan ang aktres sa kabila ng lahat na pinagdadaanan niya ngayon.


Hinihiling din nila na madaling makakamove on si Kim Chiu at muli itong maging masaya.


Samantala, narito ang ilang mensahe ng mga fans ni Kim Chiu.


"Di naman kawalan si Xian, Kim,,,maraming nagpaparamdam,mas pa,,super gwapo at masasabi mo na forever talaga,,payo lng namin,eh maging maingat na sa pagpili,sa ngayon enjoy mo Muna Yung blessing niyo ni Paulo A .,at coming soon 2024 baka kayong tatlo ni Gerald Ang magkamovie,,kung Hindi para sayo ,,huwag Nang ipilit kung Hindi ka niya naipaglaban"


"Hayaan mo na si xian mag pokus kana muna sa mga na aachive mo. Enjoyin mo muna ang iyong. Life na single. Marami lang jan. Na tamang guy para sayo."


"Siguro nga hiwalay na sila kasi parating naka=black attire si Kim meaning of sadness….minsan sinabi nya noon na ayaw nya ng nakaitim kasi happy person sya kaya happy color ang parati nyang isinusuot."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo