Napikon, Vice Ganda Lalong Inasar Si Cristy Fermin

Lunes, Nobyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na rumesbak ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa parinig sa kanya ng Unkabogable Star na si Vice Ganda sa It's Showtime.


Nag-ugat ang pagbibiro ni Vice Ganda at tila panri-realtalk ni Vice Ganda kay Cristy Fermin sa isang contestant ng It's Showtime na may pangalang Cristy.


Nitong November 23, 2023 episode ng It's Showtime, kinumusta ni Vice Ganda ang nasabing contestant at tinanong ito kung ano ang pinagkakaabalahan bukod sa paggawa ng kasinungalingan.


“Kamusta ka Cristy? Anong pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng kasinungalingan?” pahayag ni Vice Ganda.


Kaagad namang bumwelta si Manay Cristy Fermin sa isang episode ng kanyang show kung saan ipinahayag niyang nagbabalat-kayo lamang si Vice Ganda at isa ring mayabang.


Bukod pa rito, hinamon rin ni Cristy Fermin si Vice Ganda na harap-harapan siyang pagsabihan hindi katulad ng mga tirada umano ni Vice Ganda na palaging patalikod.


Ayon pa kay Cristy Fermin, napapansin niyang madalas umano silang pasaringan ni Vice Ganda sa It's Showtime kabilang na ang pagkakataon na tinawag siya nitong chaka.


"Ang masakit talaga kay Vice Ganda, kapag kinontra mo siya, kalaban ka niya. Kapag pinitik mo ang hindi niya kagandahang ginagawa, kaaway ka na niya."


Dagdag pa niya, "Ako diretsahan kung nasasabi sa kanya na mayabang siya, na wala ka man lang makikitang pagpapakumbaba sa kanya. Diretso kung nasasabi yun. Bakit hindi niya ako diretsuhin, yung magtatago pa siya sa palda ng ibang tao. Gagamit pa siya ng ibang tao para makaganti."


Hindi na sana umano papatulan ni Cristy Fermin ang mga patutsada sa kanya ni Vice Ganda, subalit may nagpayo umano sa kanya na dapat niyang sagutin ito para matigil na ang kabastusan ng comedian.


"Kung lalaban ka, dapat parehas, kung ika'y magagalit dapat ay ituturo mo yung tao kung sino man ang gusto mong patungkulan. Hindi sa yung kung ano-ano ang pinagsasabi mo. Hindi natutuwa ang mga tao sa ganoon.


"Wala kang leksyon na natutunan pagkatapos niyong masuspende sa ginawa ninyo ni Ion Perez sa harap ng telebisyon sa gitna ng mga batang musmos."


Pagpupunto pa ni Manay Cristy Fermin na wala siyang pagsisinungaling na ginawa, "Anong pagsisinungaling doon? Kung iyon ay pagsisinungaling, bakit kinatigan ang aking pagsisinungaling ng MTRCB at pinatawan kayo ng 12 days airing suspension."


Diretso pang pagpapahayag ni Cristy Fermin kung saan ipinunto niyang hindi panghabang-buhay ang kasikatan na tinatamasa ngayon ni Vice Ganda.


“Isang araw darating sa iyo ang pagbaba mo, bababa ka sa pedestal, hindi pupuwedeng nandiyan ka habang panahon. May mga darating na mas magagaling sa iyo at matatabunan ka… Kami natutuwa na mayroong mga pinagpapala na katulad mo pero kapag ang hangin ng kayabangan at pagiging palalo ay pumapasok na sa ulo, kinakalos natin ‘yan.”


Bweltang pambabatikos pa ni Cristy Fermin, “Vice Ganda hindi ka tunay na babae, lalaki ka… Nagpapanggap ka lang na babae.”


Samantala, tila hindi naman naapektuhan si Vice Ganda sa naging banat ni Cristy Fermin. Sa isang post ni Viice Ganda sa kanyang Twitter account, makikita ang isang larawan na may katawa-tawang mukha na hinala ng marami na mukha ni Cristy Fermin.


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens.


"Yung matandang chismosa na yan meme, nabubuhay na lang sa paggawa ng FAKE NEWS, KASINUNGALINGAN para makasira at kumita ng pera sa paninira yan. Ito ay patuloy na kinukunsinte ng pamunuan ng TV5 na meron silang FAKE NEWS PEDDLER sa istasyon nila. Mahiya naman kayo TV5."


"Patawa siya. Kapag siya, okay lang magsabi ng kung anu-anong kanegahan about you sa show niya. Pero pag ikaw nagpatama, iiyak siya? Hahahahaha."


"Isa pa, Meme. Hahahaha. Pikonin mo pa, please. Matagal na namin hinihintay ang resbak mo. Halos every episode ng show niya ikaw ang bukambibig niyan along with Kris Aquino, Karla Estrada, at iba pa. Pakita mo kung sino kaaaaaa.."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo