Katotohanan Sa Annulment Issue Nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez

Biyernes, Nobyembre 24, 2023

/ by Lovely


 Sa gitna ng usaping naghiwalay na ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, napansin ng ilang mga marites sa social media na pinalitan na ng actress-model ang kanyang pangalan sa Instagram.


Usap-usapan ngayon sa social media ang mga kumakalat na screenshots patungkol sa pagpapalit ng pangalan ng aktres na si Sarah Lahbati sa kanyang Instagram account.


Noon, ay nakalagay sa Instagram bio ni Sarah Lahbati ang buo niyang pangalan na Sarah Lahbati Gutierrez. Subalit, as of November 23, ngayon ay initial na lamang ang inilagay niya.


Bukod pa rito, napansin din ng mga netizens na nagpagupit ng buhok si Sarah Lahbati. Hinala ng ilang mga netizens na isa umano ito sa mga senyales na nasaktan si Sarah Lahbati at nagnanais na itong mag-move on.


Naging makahulugan rin ang caption ni Sarah Lahbati sa isa sa kanyang mga post.


"embracing the stillness of time.."


Maliban sa pagbabagong ito ni Sarah sa kanyang sarili, marami rin ang mga nakapansin na hindi na siya kasama sa mga family gatherings ng pamilya Gutierrez.


Sa katunayan, naging usapin ang pagiging absent ni Sarah sa binyag ng pamangkin ni Richard kamakailan lamang na dinaluhan ng malalapit na kamag-anak ng Gutierrez.


Makikita sa mga kumakalat na larawan na mula sa Instagram post ni Ruffa Gutierrez na naroon naman ang dalawang anak nina Sarah Lahbati at Richard, naroon din ang iba pang myembro ng pamilya maliban lamang kay Sarah.


Matatandaan na nag-ugat ang isyung may pinagdadaanan ang mag-asawang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez noong nakaraang buwan, matapos mapansin ng ilang mga netizens na hindi na sila nagbabahagi ng post na magkasama.


Kung pagbabasehan ang account ni Sarah makikitang July na pa ng magbahagi siya ng larawan nilang dalawa ni Richard.


Ikinabahala ito ng kanilang mga fans dahil noon pa man ay bukas ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang mga sweet moments together.


Sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng reaction at pahayag sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez hinggil sa isyung nagbabalak na umanong magpa-annul ng kanilang kasal ang dalawa.


Hindi nila pinabulaanan o kinumpirma ang isyung kumakalat ngayon sa social media.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo