Abs Cbn Nag Labas Ng Pahayag Sa Isyu Nina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Lunes, Nobyembre 27, 2023

/ by Lovely


 Naging laman ng mga usap-usapan sa social media ang pagbisita ng aktor na si Daniel Padilla for a meeting sa opisina ni Direk Laurenti Dyogi ng Star Magic. Kung saan tila isa sa kanilang mga pinag-usapan ay ang isyung kumakalat patungkol sa tambalang KathNiel.


Tiyak din umanong pinag-usapan ang mga kontrobersiya na kinakaharap ngayon ni Daniel Padilla.


Sakabilang banda, ayon sa kumakalat na report ang pelikula nina Daniel Padilla at Zanjoe Marudo talaga ang main topic ng nasabing meeting.


Hindi din naman nila maiiwasan na mapag-usapan ang posibilidad na marami sa mga dating fans ng KathNiel ang bumitaw na ngayon kay Daniel Padilla. Si Kathryn Bernardo na lamang ang kanilang sinusuportahan.


Ito'y kasunod sa isyung panloloko ni Daniel Padilla sa kanyang real life partner na si Kathryn Bernardo dahil kay Andrea Brillantes.


Marami sa mga fans ng KathNiel ang kumampi kay Kathryn Bernardo. Isa sa mga dahilan nito ay ang pagkakadamay sa isyu ni Andrea Brillantes na palihim umanong kinatatagpo ni Daniel Padilla.


 Hindi na umano ito katulad ng isyung paghihiwalay noon ng dalawa dahil sa pagkakataong ito ay mayroon nang nadadawit na third party.


Tila iba na rin ang career path na gustong tahakin ni Kathryn Bernardo dahil sa panibagong image na ipinapakita niya sa kanyang mga photoshoot at social media posts.


Lumalabas din na tila ninanais na ngayon ni Kathryn na tumiwalag sa loveteam nila ni Daniel Padilla.


Marami naman sa mga netizens ang sang-ayon na magsolo na lamang silang dalawa upang mas lumawak pa ang kanilang connection.


Sakali mang maging solo artist na lamang sila ay maari na silang itambal sa iba pang mga artista, sa kasikatan nilang tinataglay ngayon tiyak namang magtatagumpay pa rin sila kahit na maging solo artist na lamang sila.


Tila nagbago na rin naman ang taste ng mga manonood kung saan hindi na gaano kabenta ang mga loveteams. Mas marami ring makukuhang opportunity ang mga solo artists dahil pwede silang isalang sa lahat.


Sa kabilang banda, may mga KathNiel fans naman na nagsasabing ok lang na maghiwalay ng career path ang dalawa subalit ibang usapan naman umano ang kanilang romantic relationship.


"Pwede namang behind the camera ay kayo pero para sa mga lakad para sa mga promo ng ginagawang projects solo-solo mas bongga."


Samantala, noong birthday celebration ni Karla Estrada marami ang nakapansin sa hindi pagdalo ni Kathryn Bernardo. Maging sa second day ng pagdiriwang ng celebrity mom ay hindi pa rin namataan ang nobya ni Daniel Padilla na dati namang hindi pinapalampas ang naturang celebration.


Hiling naman ng mga netizens ngayon na sana ay linawin na nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo ang kanilang isyu para sa mga taong sumusuporta at nagmamahal sa kanila.


"If its for the show and contract only, its okay. Walang magagawa po mga fandoms sa ganyan. Just close the issue po. Ang mga fans naman kung totoo sila anjan pa rin to support them in different side."


"Momshi break na ba Ang kathniel para Maliwanagan na kami"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo