Carren Eistrup Isasama Ng Tvj Sa Tv5, Maine Mendoza at Jose Manalo to the Rescue!....

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

 


Ayon sa nakalap na impormasyon ay kinuha daw ng Trio na sina Tito, Vic at Joey si Carren Eistrup para isama sa kanilang lilipatang istasyon.


Ayon nga dito ay ang TVJ na daw ang bahala sa isang milyong kontrata nito sa mga Jalosjos.


Ayon pa sa isang source na si Jose Manalo at si Maine Mendoza daw ang nagsadjest sa TVJ na kung puwede ba daw na maisama si Carren sa lilipatan nilang istasyon.


Pero bago pa daw isadgest iyun nina Maine at Jose ay naka usap- na daw umano ni Joey De Leon si Carren kung sasama ba ito sa kanila sa lilipatan nilang istasyon at sa bagong show.


At hindi na nga daw nagpaligoy-ligoy pa si Carren at deritsahang Omu-o ito sa TVJ.


Dagdag pang sabi ng nasabing source na, "sinama namin si Carren dahil silang mga host ang kumilatis sa kanya."


"Silang mga host ang pumili sa kanya at bumuto, kaya hindi namin hahayaan si Carren na maiwan sa mga Jalosjos."


Matatandaang sa pag-alis ng mga host ay si Carren lang ang walang pirma sa resignation letter na ipinakita sa social media.


Kaya maraming mga netizens ang ng bash kay Carren sa panahong iyun at napagsabihan pa na isa siyang traydor.


Ngunit ngayon ay malinaw na ang lahat na hindi siya traydor at siya ay makakasama na ng TVJ at sa iba pang mga host sa kanilang lilipatang istasyon at sa kanilang bagong show.


Makikita din sa mga ibinahaging mga larawan na kasama nga si Carren sa kanilang lilipatang istasyon.


Samantala, mapapansin din sa social media account ni Carren na puro about sa TVJ ang kanyang ipinopost, ibigsabihin ay suportado niya ang ginawang desisyong ng TVJ na tuloyang kumalas sa mga Jalosjos.






Buboy Villar Tinatawag Na Plastik, Dahil Sa Pagtanggap Sa Offer Ng TAPE Inc.

Walang komento


Umani ng mga pambabatikos si Buboy Villar sa social media matapos mag-viral ang kanyang post noong May 31, 2023, kung saan ibinahagi niya ang kanyang reaksyon sa pagreresign ng dating Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Buboy ang kanyang kalungkutan sa desisyon ng TVJ at iba pang Eat Bulaga hosts na umalis sa show.


“Eat Bulaga. Nakakalungkot man pero fighting! Sobrang salamat sa saya ninyo forever kayo sakin,” pakikisimpatya ni Buboy.


Subalit, makalipas ang ilang araw ay nalaman ng mga netizens na isa pala si Buboy Villar sa mga pumalit sa mga dating hosts ng show na siyang ikinainis ng mga ito.


Tinatawag ng ilang mga netizens si Buboy na isang plastik at pilit na pinagreresign sa show.


“Weh? Malungkot ka nga ba talaga Buboy Villar? Hindi naman halata ang saya mo nga sa new eatbulaga eh.”


“Nakakalungkot ba Buboy Villar?? O sobrang saya mo kasi ikaw ang bagong host??? Walang pasintabi lagi ka pang guest sa bawal judgmental.”


“Kahit kailan di nyo sila mapapantayan kaya ikaw Buboy Villar habang Maaga pa mag resign kana kesa mapahiya Kapa at mawalan ng tiwala sayo Yung TVJ’s .. hayst kapal ng mukha mo maypa post² kapang nalalaman na malungkot ka pero deep in side sobrang saya mo pala dahil Isaka sa mga magiging bagong host.”


Gayunpaman, may ilan namang mga netizens na dinepensahan si Buboy at sinabing normal lang na tanggapin nito ang offer ng TAPE Inc. dahil trabaho naman ito.


Ipinunto pa nila na hindi naman nagbigay mga mga negatibong pahayag si Buboy laban sa TVJ at sa iba pang mga naging hosts ng Eat Bulaga.


"Masaya Naman ako na Host Ka na Ng EB . Cympre trabho lang . .. Nakaka tuwa lang na Sadyang Mabuti Ang iyong Puso na kahit nawala na Ang TVJ Dika nag salita Ng khit Anong Negative para sa kanila."


Si Robert Tamayo Villar, Jr. na mas kilala bilang si Buboy Villar ay isang Filipino actor, comedian, host and singer.


Una siyang nakilala sa ABS-CBN talent seart na Little Big Star. He is currently signed under GMA's talent agency Sparkle.




Ibinunyag Ni Bea Alonzo Sa Vlog Ni Mariel Padilla Na Mayroon Siyang Ex-Boyfriend Na Pabigat!

Walang komento

 


Isang malaking rebelasyon ang isiniwalat ng actress na si Bea Alonzo tungkol sa kanyang dating nobyo.


Sa isang panaym ang ibinunyag nga ng actress na si Bea Alonzo na mayroon siyang ex-boyfriend na magpapabigat sa kanya araw-araw.


Ayon sa naging paghahayag ng actress ay medyo open siya sa kanyang mga dating naging jowa noon. 


Matatandaang ilang buwan din noon na laman ng iba't ibang mga balita at mga social media flat form ang hiwalayan nila ng kanyang dating nobyo na si Gerald Anderson.


Sa ibinahaging vlog nga ng Tv host at maybahay ni Senator Robin Padilla na si Mariel Padilla ay ginawa nila ng kanyang guest na si Bea Alonzo ang larong "Two Truth and a Lie."


Dito nga ay ang isa sa kanilang dalawa ay magbabahagi ng tatlong senaryo. 


Na ang dalawang senaryo ay nangyari sa tunay na buhay at habang ang isa naman ay kasinungalingan lamang.


Nang si Bea na ang magbabahagi ng mga nasabing senaryo ay naibahagi o napag-usapan nila ang tungkol sa kanyang mga nagdaang relasyon, sa kanyang dating buhay pag-ibig.


Sinabi niya ang tatlong senaryo na ito,  una ay, "Nakipagdate ako sa isang tao na maytuyong laway sa bibig."


Pangalawa, "Nakipag date ako sa taong nagpapabigat sa akin araw-araw."


At ang panghuli ay, "Nakipaghiwalay ako sa isang lalaki noong kaarawan niya."


Kaya naman hinulaan ni Mariel Padilla na kasinungalingan ang ikatlong senaryo na sinabi ni Bea at tumpak nga ang hula niya.


Paliwanag naman ni Bea na, kasinungalingan lang iyun dahil birthday niya. Nakipaghiwalay nga daw siya sa kanyang nobyo sa mismong kaarawan nito dahil na isip niya na hindi ito magagalit sa kanya. kaya naman kasinungalingan nga ito.


At ang ibigsabihin lang ng mga senaryo na sinabi ni Bea na totoo ang dalawang senaryo na kanyang una at pangalawang sinabi.


Bukod dito ay ibinahagi din ng dalawa ang mga senaryo mula ng sila ay mga bata pa hanggang sa kanilang mga naging karanasan o mga pinagdaanan sa mundo ng showbiz.




Ratings Ng Rebranded Eat Bulaga Mas Mataas Pa Rin Kaysa Sa It's Showtime

Walang komento

Sa kabila ng mga kontrobersya at pambabatikos sa mga bagong host, ng rebranded version ng Eat Bulaga ng GMA Network ay nagtagumpay pa rin ito na makakuha ng mataas na rating kaysa sa mga katunggali nito noong Lunes, June 5.


Ayon sa ulat, nakakuha ng 5.2% rating ang Eat Bulaga noong Lunes laban sa It’s Showtime ng TV5 na nakakuha ng 3.2%.


Taliwas ito sa mga hula ng ilang eksperto na hindi makakakuha ng magandang rating ang Kapuso noontime show matapos ang pagreresign ng legendary trio na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, kasama ang iba pang orihinal na hosts ng Eat Bulaga.


Gayunpaman, may mga kritiko na nagsasabing posibleng makakuha ng mas mataas na rating ang Eat Bulaga dahil sa curiosity ng ilang televiewers sa mga bagong host nito.


Naniniwala silang lalabas ang totoong ratings ng Eat Bulaga sa mga darating na araw kapag natapos na ang hype. Dito na umano magkakaalaman kung totoo nga bang mami-maintain ng mga bagong Eat Bulaga hosts ang dating rating ng show kasama ang dating mga hosts nito.


Isa pa sa mga itinuturong dahilan ng mga netizens ay ang malakas na signal reception ng GMA7 nasa free TV viewing din ito.


“Syempre curious yung tao. Panonoodin talaga para malaman kung paano kayo i-bash.”


“Channel 7 lang kasi talaga ang malakas ang reception ng signal!”


“Curious lang ang mga tao sa mga Host nila kaya maraming nanood, puro negative naman lahat ang comments nila wala man lang nagsabi na maganda ung show!”


Samantala, hinihintay ngayon ng mga netizens ang announcement ng TVJ sa darating na July. Hiling ng mga avid supporters ng mga ito na muling magkaroon ng show na ipapalabas sa TV5.


Matatandaan na isiniwalat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon noong May 31, 2023 ang tuluyan nilang pagreresign sa TAPE Inc. Sinundan naman ito ng iba pang mga hosts ng Eat Bulaga.


Kaya naman nitong June 5, mga bagong host na ang nagbibigay saya sa mga Dabarkads.




 

Lj Reyes Ganito Ka Blooming Ngayon Matapos Ang Wedding Proposal!...

Walang komento

Martes, Hunyo 6, 2023

 


Pinuri ang actress na si Lj Reyes ng mga netizens dahil blooming na blooming na daw ito ngayon, matapos ang wedding proposal ng kanyang nonshowbiz boyfriend na si Philip Evangelista.


Ikunumpara pa ng mga netizens ang hitsura ni Lj ngayon kumpara noon, dahil looking fresh at batang-batang tingnan na daw ngayon ni Lj at tila nasa tamang tao na nga daw ito.


Samantala, wala namang ibang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng nobyo ni Lj dahil naka private ang social media account nito.


Sa mga larawan at video na ibinahagi ng actress ay makikita sa mukha ni Lj ang sobrang kaligayahan na kanyang nararamdaman.


Lalo na ng lumuhod na nga sa kanyang harapan ang kanyang nobyo ay halos wala na nga daw mapaglagyan ang tuwa at kaligayahan na kanyang nararamdaman.


Mapapansin naman na tila kuha ang mga larawang kanyang ibinahagi, sa isang beach resort.


Kalakip naman sa kanyang ibinahaging mga larawan ang kanyang caption na isang Bible verse.


Caption niya, "For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope."

‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬


Matatandaang halos dalawang taon na rin ng pumunta si Lj sa America, dahil sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng kanyang partner noon na si Paolo Contis.


Kaya naman marami nga ang natuwa sa ibinahaging ito ni Lj dahil nakikita ng mga ito ang kaligayahan ng actress sa piling ng kanyang bagong pag-ibig ngayon.



Jalosjos Brothers Idedemanda Ang Ilang Personalidad Na May Utang Sa Tape Inc.

Walang komento


Magkapatid na mga Jalosjos may ibinulgar hinggil sa mga malalaking personalidad na mayroon pang mga malalaking utang sa TAPE incorporated.


At sa mga mga darating na araw ay sasampahan na daw nila ng kaso ang mga ito.


Ang utang na tinutukoy umano ng mga Jalosjos ay ang mga advance payments umano ng mga tao sa kanilang opisina na malalaking halaga.


Ang isang personalidad daw sa nag-advance ay nasa 15million pesos ang kinuhang halaga, at ito din daw ang pinakamababang halaga na kanilang inilabas.


Ang ibigsabihin lang nito ay masmalalaking pera pa ang nai-advance ng iba pang mga personalidad na hindi pa nila pinapangalanan sa ngayon.


Sa isang exclusive interview ng magkapatid na Jalosjos sa Pep.ph ay tila maslumalaki nga ang gusot na dapat nilang ayusin.


Kung iisipin mo ay malalaking tao din itong mga tinutukoy ng mga Jalosjos na may cash advances sa kanilang kompanya, dahil kung hindi ito malalaking tao ay hindi ito makakapag advance ng mga ganoong kalaking halaga.


Kung matatandaan ay nabanggit na ito ni Tito Sen sa isang panayam, na isa daw sa mga inaasikaso ng bagong CEO ng TAPE incorporated ay ang mga nawawalang mga pera ng kompanya.


Ngunit deritsahang pinangalanan ni Tito Sotto ang taong kanilang pinaghihinalaan, at ito nga ay ang dating Chairman at CEO ng TAPE na si Romeo Jalosjos na siyang ama ng magkapatid na mga Jalosjos.


Ang ibigsabihin lang nito ay ang nais iparating ni Tito Sen na hindi sa mga taong nagcash advance napunta ang pera kundi sa mismong ama ng mga magkakapatid na mga Jalosjos.


Ngunit sa mga naging panayam ng magkapatid na Jalosjos ay tila taliwas ito sa kanilang nalalaman, at tila sa mga salita ng magkapatid at parang natukoy na nila kung sino-sino ang mga taong may-utang sa kanilang opisina.


Samantala, sa ngayon daw ay hinihintay na lamang ng mga ito ang resulta ng pag-audit at ng mga patunay, bago sila humakbang sa usaping Legal.






 

Matapos Hiwalayan Si Enrique Gil! Liza Soberano May Bagong Boyfriend Na!

Walang komento

 


Matapos ang hiwalayan ng magkasintahang sina Enrique Gil at Liza Soberano, ay may kumakalat namang balita ngayon na si Liza ay may bagong nobyo na.


Naging viral at pinag-usapan ng sobra ang paghihiwalay nina Ken at Liza at talaga namang marami ang nalungkot sa paghihiwalay ng dalawa.


Matatandaan na naging usap-usapan na ito noon paman, lalo na nga noong wala manlang kahit anung komento itong si Enrique tungkol sa mga issueng kinahaharap ni Liza nitong kamakailan lang.


Ang usap-usapang ito nga ay kinumpirma na mismo ng dating manager ni Liza na si Ogie Diaz. 


Kung saan ay sinabi nga nito na totoong hiwalay na nga ang dalawa.


Pero sinubukan pa naman daw sana ni Enrique na maayos ang kanilang relasyon kaya ngalang hindi na nga raw ito gumana pa.


Ito ay dahil na din daw sa kagustohan ni Liza Soberano na itigil na ang kanilang relasyon, upang makapag focus lang daw muna siya sa kanyang bagong career ngayon na kanyang tinahak.


Kaya naman marami nga sa LizQuen fans ang nalongkot sa balitang ito. 


Dahil nakakapanghinayang nga daw talaga ang magandang relasyon ng dalawa.


Kaya naman ikinawendang nang netizens matapos lumabas ang balitang may ibang boyfriend na ang actress na si Liza Soberano.


Ang balitang ito ay nag-ugat sa pahayag ng sikat na kulumnistang si Cristy Fermin.


Ayon nga sa kulumnista na nakarating daw sa kanya ang balitang ito at ang usap-usapan ng mga tao tungkol sa pagkakaroon na nga daw ng bagong nobyo itong si Liza Soberano.


Kahit na kamakailan pa lamang ng mapabalita ang hiwalayan nila ng actor na si Enrique Gil.




Joshua at Gabbi Pinakilig Ang Fans: Bagay | Gabbi Garcia Ibihagi Ang Mga Sweet Photos Nila Ni Joshua Garcia.

Walang komento

 


Sa Instagram ay nagbahagi ng mga larawan nila ni Joshua Garcia ang actress na si Gabbi Garcia ng magshoot sila sa ilang mga eksina nila sa Milan, Italy.


Ito ay para sa historical collaboration ng ABS-CBN, GMA Netwok at VIU, kaya lumipad ang "Unbreak My Heart cast at crew sa Switzerland at Milan para sa kanilang shooting sa unang bahagi ng taong ito.


Sa Instagram nga ay ibinahagi ng actress ang ilang mga larawan nila ni Joshua na magkasama.


Sa kanyang caption naman ay sinabi niyang, "Alex and Renz ❣️ tonight #UnbreakMyHeart"


Nagpost ang actress ng mga larawan bago ang episode kung saan sa wakas ay nakilala ng karakter ni Gabbi na si Alex ang karakter naman ni Joshua na si Renz sa romantikong serye.


Mas lalong kinilig ang mga fans ng dalawa pagkatapos ng mainit na mga eksena nila.


Kaya naman mataming mga nagsasabi na ang lakas daw ng chemistry ng dalawang ito sa romantikong serye.


Narito naman ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens.


"Kahit may Khalel kana, pwde iship pa rin kayo? HAHAHAHA omg!! Cutie😍"


"Hi Alex and Renz sana magkatuluyan kayo kakakilig kayo ❤️❤️❤️"


"Nakaka inlove mga scenes nyo alex and renz sa ep 5 and 6 grabe, lalo na yung naglalakad kayo sa tabi ng dagat, ang sweeeet nyo don 💗 ang ganda rin ng story bilis ng mga pangyayari. Plus ang galing ng acting nyo don sa baking scene parang totoo naman na 🥰😍"


"Bagay ba bagay kayo ni Joshua sana maging kayo nalang dalawa"


"Pero bilib naman ako kay Alex napigil nya pa ang sarili nya😂 kung ako yun hindi na😂😂 galing ni Renz sa romansa lol😂😂"


"Na pa follow aq grabe lakas ng appeal mo poh.. Bgay kau ni joshua. Pag naging kau dala mo prin apelyido mo hehe just saying❤️❤️❤️"



Sey Mo Lj? Paolo Contis Ibinulgar Ang Totoong Dahilan Ng Hiwalayan Nila Ni Lj Reyes!

Walang komento

 


Ayon sa actor na si Paolo Contis na malaki ang naging partesipasyon ng pandemya sa hiwalayan nila ng kanyang dating fiance na si Lj Reyes.


Aniya, "Lahat naman ng relasyon ay may up and down, but I can say that during the pandemic it was not just easy for us." ito ang mga naging pahayag ni Paolo sa panayam niya kay Nelson Canlas.


Pagpapatuloy niya pa, "Siguro I live it like that, again it will never justify what I did, it will never justify kung saan siya napunta, ang mali ko diyan as we never really had a good conversation to talk about everything."


Dagdag pa niya, "Pero siguro sa mga couple matapos na nakaranas ng pandemic ay is kami sa mga naherapan during the pandemic."


Dahil naging magkaiba daw sila ng paraan ng hinarap nila ang pandemya, at aminado din siya na naging insensitive din daw siya kay Lj noon.


Aniya pa, "It just iba yung way ko facing the pandemic, dealing with the pandemic, iba rin yung sa kanya and ako masasabi ko na some how I was insensitive about she felt about the pandemic, and I think yun mali ko rin yun."


Dahil lahat naman daw ng bagay, mapa hiwalayan man o kaligayahan ay may pinanggagalingan.






Michael V. Tumanggi Sa Offer Ng TAPE Inc. na Palitan Ang TVJ Sa Eat Bulaga

Walang komento


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms ang pagtanggi di-umano ni Michael V. sa offer ng TAPE Inc. na maging kahalili ng TVJ at ibang pang dating host ng Eat Bulaga.


Ayon sa mga kumakalat na mga ulat, ang TAPE Inc. na kasalukuyang pinamumunuan ni Romeo Jalosjos Jr. ay kinuha si Michael V. para maging bahagi ng mga bagong host ng longest-running noontime show matapos magdesisyon ang orihinal na host ng palabas na magresign noong May 31, 2023.


Gayunpaman, sa kabila ng pagiging Dabarkads ni Michael sa loob ng halos 13 taon ay tumanggi sa alok ng mga Jalosjos dahil sa ‘delicadeza’.


Nakasaad din sa nasabing ulat na may malapit na relasyon si Michael V sa mga original host na pinamumunuan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at nagpahayag siya ng suporta sa desisyon ng legendary trio na umalis sa production company at GMA Network.


Tinuturing din umano niyang mentor ang TVJ kaya hindi niya kayang palitan ang mga ito sa show na sila mismo ang nagpasikat ng husto.


Matatandaan na naging Dabarkads si Michael V sa Eat Bulaga mula noong 2003 hanggang 2016. Umalis siya sa show upang mas bigyang pansin ang ilan sa kanyang major projects sa GMA. Isa na rito ang Pepito Manaloto.


Sa ngayon ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, Cassy Legaspi, and Marvin Legaspi ang bagong host ng rebranded Eat Bulaga.


Agad naman silang umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens na hindi nagustuhan ang kanilang pamamaraan sa pagiging host ng show.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag si Michael V. hinggil sa pagkakadawit niya sa isyu ng rebranding ng Eat Bulaga.



Marian Rivera Balik Serye Na! against All Odds Katambal Si Gabby Concepcion!Alamin Ang Buong Detalye.

Walang komento

 


Kumpirmadong magbabalik na sa GMA teleserye ang kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.


Ito ay kinumpirma ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo na ngayon ay kasalukuyang manager na din ni Gabby Concepcion.


Ani ng dating manager ni Marian, "Matutuloy na rin, sa wakas, ang tambalang Marian at Gabby Concepcion sa GMA Primetime soon. #AgainstAllOdds."


Reply naman ni Marian dito ay, "See you soon momsie"


Talagang tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik primetime nitong si Marian Rivera at ang pagbibidahan nilang serye ay ang Against All Odds.


Kaya naman excited na nga ang maraming ma netizens sa kakaibang drama love story na ito na pagtatambalan ng dalawa.


Matatandaang una dapat silang magtatambal sa First Yaya na siyang alay ng kapuso network para sa GMA Telebabad noong taong 2020.


Ngunit nagkaroon ng pandimya at natakot nga si Marian kaya hindi na siya tumuloy.


At sa kanyang pagback out ay pinalitan naman agad siya ng actress na si Sanya Lopez.


Samantala mayroon ding mga kumalat na mga balita at usap-usapan na si Sam Milby nga daw ang makakatambal ni Marian sa nasabing serye.


Ngunit ang talagang kumpirmado ay si Gabby Concepcion talaga ang makakatambal ni Marian Rivera.




Richard Gomez, Sinabing Mas Gwapo Siya Kaysa Kay Piolo Pascual

Walang komento


 Naging guest kamakailan sa Youtube channel ni Bea Alonzo ang dating aktor at Leyte 4th District Representative Richard Gomez at sumabak sa legit lie detector challenge ng aktres.


Kabilang sa mga naitanong ni Bea Alonzo kay Richard Gutierrez ay kung nakapagsinungaling na nga ba siya sa kanyang buhay.


Agad naman itong sinagot ng 'Oo naman' ni Richard Gomez.


Aminado rin ang aktor na naku-curious siya sa lie detector test dahil hindi pa umano niya nasubukan ito. Iniisip din niya kung lalabas ba talaga ang totoo rito.


“Gusto kong malaman kung lalabas na totoo ‘yung sinabi ko.”


Sa tanong kung sa tingin ni Richard Gomez ay mas guwapo siya kay Piolo Pascual na ang larawang kuha ay nakasakay sa bangka na may hawak na paddle. May ganitong kuha rin kasi si Richard sa Bench commercial na nagro-rowing.


Agad na sinagot itong sinang-ayunan ni Richard Gomez at sinabing yes. Thumbs up naman ang nakuha nito mula sa polygraph examiner na nangangahulugan na nagsasabi siya ng totoo.


Matatandaan na nagkasama sa iisang pelikula sina Richard Gomez at Bea Alonzo noong 2015 sa pelikulang The Love Affair kung saan nakasama rin nila ang aktres na si Dawn Zulueta.


Si Richard Frank Icasiano Gomez ay isang Filipino actor, television presenter and director, politician, and épée fencer. 


Nagsisilbi siya bilang Representative of Leyte's 4th district mula noong 2022, tumayo rin siyang mayor ng Ormoc  City mula noong 2016 hanggang 2022.


Si Richard Gomez ay isa sa mga sikat na leading actors noong early 1990s, kung saan nakakuha siyang ilang awards and nominations.




Eula Valdes Hindi Na Nakatimpi, Sinindak Ang Pasaway Na Youngstar

Walang komento



Tila hindi rin nakaligtas ang batikang aktres na si Eula Valdes sa mga pambabastos ng ilang mga baguhang artista sa industriya ng showbiz.


Pagbabahagi pa ng premyadong aktres na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Unbreak My Heart“, may mga karanasan din siya sa mga youngstars na mahilig mag-attitude.


“Oo naman, tahimik lang ako. Sa akin, sa loob-loob ko lang, ‘enjoyin ninyo yan, tingnan natin kung magtagal kayo,'” saad ni Eula.


Ibinahagi pa ni Eula na pinipili lamang niyang manahimik noon at pinagpapasensyahan na lamang ang mga ito.


“Dumating ako nu’n sa standby area, nag-uusap sila sa upuan. May kama, bigla silang lumipat dun, meaning, pinamukha nila na yun ang puwesto nila. Napahinto lang ako, ‘okay, dito lang ako.’ Pero nasaan na sila ngayon? Wala na sila,” pagkukwento pa ni Eula Valdes.


Subalit minsan ay napuno rin siya at hindi niya napigil ang sarili. Natarayan umano niya ang batang artista dahil sa mga ginagawa nito.


“Bata pa sila nu’ng time na yun. Naglalaro pa sila, may sinabihan ako, nakalimutan ko na exactly pero parang ano, ‘umayos ka, lalamumin kita.’ 


“Parang na-ano siya na-shock pero magaling siya ngayon. Actually, magaling na siya noon pa. Wala siyang linya so wala siyang nakalaban,” pagbabalik tanaw pa ni Eula Valdes.


Hindi naman niya tahasang pinangalanan ang artistang kanyang tinutukoy na nambastos sa kanya at kung sino ang kanyang napagsabihan noon.


Samantala, ipinahayag ni Eula Valdez na hindi siya nakikialam sa mga artistang nahihirapan at hindi makuha-kuha ang mga ipinag-uutos ng Director.


“Hindi ko sila ina-approach, kung sila ay sinabak na di pa ready, hindi ko problema yun. Although ako personally, pag involved ako sa isang project, iisipin ko na sana ganito, nasa utak ko lang ba.


“Kung feeling nila wala silang problema, parang unethical din naman mag-approach kung wala naman silang hinihinging tulong sa iyo.


“Iniiwasan ko rin yun, ayoko naman na porke’t ano, iisipin mo agad tutulungan mo ako. Bakit, di ko naman hinihingi ang opinyon mo?


“Ang production naman ang makakapansin, from there siguro, kung gusto nilang mag-artista, e di magpatulong sila sa iba,” pagpapaliwanag pa ng aktres.




Jillian Ward Di Napigilan Kiligin Sa Crush Niyang Si Coco Martin! Jillian Maggeguest Sa Batang Quiapo!...

Walang komento


  Tila napapatulala nga ang kapuso young actress na si Jillian Ward sa actor director na si Coco Martin.


Naganap ang pagkikita nina Coco at Jillian sa isang event nitong mga nakaraang araw lang.


Kaya naman ikinatuwa ng netizens ang cute na mga reaction na makikita sa mukha ng dalawang sikat na artistang ito na mula sa magkaibang stasyon.


Matatandaang aminado kasi itong kapuso teen actress na si Jillian Ward na crush niya itong si Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.


Ito nga ay nasabi ni Jillian noon sa isang interview, At makikita din sa video ang cute na pasulyap ng actress kay Coco.


Samantala dahil nga sa naging pagkikita na ito ng dalawang bigating artista ng magkaibang stasyon ay maraming mga netizens ang humiling na sana raw ay magguest ang teen actress sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


Ayon nga sa mga fans ng actress na baka daw ay posible na ito ngayon dahil matatandaang na marami nading ginawang collaboration project ang GMA at ang ABS-CBN ngayon.


May mga upcoming project na nga ngayon ang dating mahigpit na magkalabang network.


Kung saan ay makikitang mga artista ng GMA at ABS-CBN ang siyang bida sa mga proyektong ito.


At kung sakali man daw na payagang magguest si Jillian sa Batang Quiapo ay tiyak daw umano na papalo sa mataas na ratings ang serye na iyun.




Bea Alonzo Nilait-Lait Sa Pagganap Bilang Tribal Princess Sa Historical-Drama Na ‘1521’

Walang komento


 Muling nakakatanggap ng panlalait ang Kapuso actress na si Bea Alonzo matapos lumabas ang trailer ng panibagong pelikula na kanyang pinagbibidahan.


Ibinahagi ng 1521 The Movie Facebook page ang nasabing trailer. Agad naman itong pinutakte ng pambabatikos dahil hindi umano bagay kay Bea Alonzo na gumanap bilang isang native princess.


Marami rin ang hindi nagustuhan ang paggamit ng English language sa kabuuan ng pelikula.


“To be honest, I’m starting to think that bad publicity is what this production is aiming for. The trailer’s ‘teaser’ demonstration of wrong particular, significant details is already showing how the movie is going to be inaccurate through and through, if we just leave the fiction part aside. The historical depiction is disrespectful, disheartening, and alarming. Kudos to the creatives and artists for doing their line of work, but this movie should’ve been illegal.”


“They could have done better. The natives and the Spaniards should be speaking their language with English subtitles. Having them speak English breaks the illusion. Not to disregard all the effort put into it, but I’m a little underwhelmed. The color grading alone is a problem. Maybe I was just expecting too much since I was really excited for this movie.”


“English speaking Spaniards and Indigenous Filipinos? Lol. They could have opted to use the original languages and added subtitles instead. It would have made it more authentic.”


"I think lovi Poe is more suit to be part of this movie as indigenous woman than bea just saying"


"Nope. If this was made in the 80s to 90s, it could've been forgivable, but we are in 2023 already. Even the little kids know how indigenous tribes in Philippines look like during the ancient times. They say this is a love story but its anchored in our history, so they should've at least get the casting right...

Tapos biglang twist sa movie, si Bea pala ay ampon lang, talagang Spanish din siya. Kaya iba ang skin complexion niya"


Sa kabila ng pambabatikos, may ilan naman na nagpahayag ng kanilang pagsuporta kay Bea Alonzo.


"Will surely watch and support the movie #1521 🥰

Regardless of the flaws that others are seeing in the TRAILER and judging the movie even before watching it.. I am one proud Pinoy and Palaweña knowing the heart of the filmmaker why he created this movie.."



Manager Ni Kuya Kim, Sinagot Na Ang Mga Haka-hakang Kasama Si Kuya Kim Sa Mga Bagong Host Ng Eat Bulaga

Walang komento


 Sinagot na mismo ng talent manager ni Kuya Kim na si Noel Ferrer ang isyu kung totoo ba ang mga bulong-bulungang kasama sa bagong host ng “nagbabalik” Eat Bulaga ang kanyang alagang si Kapuso host/trivia master Kuya Kim Atienza.


Ayon kasi sa mga kumakalat na bulong-bulungan, mapapanood lamang ang TV host na dating kabilang sa original host ng “It’s Showtime” tuwing Sabado dahil nga may TikToClock si Kuya Kim.


Tila hindi na nakapagtimpi ang talent manager at nilinaw na ang isyu. Pinabulaanan niya ang mga haka-hakang kabilang si Kuya Kim sa mga pumalit sa dating hosts ng Eat Bulaga.


“THANK YOU FOR KEEPING @kuyakim_atienza TOP OF MIND IN PREMIERE HOSTING PLATFORMS (because he certainly works hard and delivers very well in all of them) – but we’d like to clarify that HE CANNOT DO THE EAT BULAGA REPLACEMENT SHOW as it conflicts with his prior commitment with the daily program “TIKTOCLOCK” (which is also performing very well in the ratings) produced by GMA Network where Kim is contracted as an exclusive talent.”


“THANK YOU VERY MUCH & HAPPY MONDAY EVERYONE!!! #LetGodGuideOurWay #ForeverGrateful,” pagbibigay linaw ni Noel Ferrer.


Narito naman ang ilang mga komento ng netizens na nasiyahan na hindi kabilang si Kuya Kim sa mga baong host ng Eat Bulaga.


"Could be a blessing in disguise for Kuya Kim. Watching now the replacement show. All new hosts are trying their darn best to make it work. Their vibe is just too exhausting to watch.They know they have some pretty big shoes to fill. I wish them well but got to switch channels for now."


"HINDI SILA MUKHANG EAT BULAGA " SUNDAY PINASAYA P DN ANG TACTIC NG PROGRAM WHICH IS WALA NG EXCITEMENT, BORING AND CORNY"



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo