Buboy Villar Tinatawag Na Plastik, Dahil Sa Pagtanggap Sa Offer Ng TAPE Inc.

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

/ by Lovely


Umani ng mga pambabatikos si Buboy Villar sa social media matapos mag-viral ang kanyang post noong May 31, 2023, kung saan ibinahagi niya ang kanyang reaksyon sa pagreresign ng dating Eat Bulaga hosts na sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.


Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Buboy ang kanyang kalungkutan sa desisyon ng TVJ at iba pang Eat Bulaga hosts na umalis sa show.


“Eat Bulaga. Nakakalungkot man pero fighting! Sobrang salamat sa saya ninyo forever kayo sakin,” pakikisimpatya ni Buboy.


Subalit, makalipas ang ilang araw ay nalaman ng mga netizens na isa pala si Buboy Villar sa mga pumalit sa mga dating hosts ng show na siyang ikinainis ng mga ito.


Tinatawag ng ilang mga netizens si Buboy na isang plastik at pilit na pinagreresign sa show.


“Weh? Malungkot ka nga ba talaga Buboy Villar? Hindi naman halata ang saya mo nga sa new eatbulaga eh.”


“Nakakalungkot ba Buboy Villar?? O sobrang saya mo kasi ikaw ang bagong host??? Walang pasintabi lagi ka pang guest sa bawal judgmental.”


“Kahit kailan di nyo sila mapapantayan kaya ikaw Buboy Villar habang Maaga pa mag resign kana kesa mapahiya Kapa at mawalan ng tiwala sayo Yung TVJ’s .. hayst kapal ng mukha mo maypa post² kapang nalalaman na malungkot ka pero deep in side sobrang saya mo pala dahil Isaka sa mga magiging bagong host.”


Gayunpaman, may ilan namang mga netizens na dinepensahan si Buboy at sinabing normal lang na tanggapin nito ang offer ng TAPE Inc. dahil trabaho naman ito.


Ipinunto pa nila na hindi naman nagbigay mga mga negatibong pahayag si Buboy laban sa TVJ at sa iba pang mga naging hosts ng Eat Bulaga.


"Masaya Naman ako na Host Ka na Ng EB . Cympre trabho lang . .. Nakaka tuwa lang na Sadyang Mabuti Ang iyong Puso na kahit nawala na Ang TVJ Dika nag salita Ng khit Anong Negative para sa kanila."


Si Robert Tamayo Villar, Jr. na mas kilala bilang si Buboy Villar ay isang Filipino actor, comedian, host and singer.


Una siyang nakilala sa ABS-CBN talent seart na Little Big Star. He is currently signed under GMA's talent agency Sparkle.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo