Michael V. Tumanggi Sa Offer Ng TAPE Inc. na Palitan Ang TVJ Sa Eat Bulaga

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa ilang social media platforms ang pagtanggi di-umano ni Michael V. sa offer ng TAPE Inc. na maging kahalili ng TVJ at ibang pang dating host ng Eat Bulaga.


Ayon sa mga kumakalat na mga ulat, ang TAPE Inc. na kasalukuyang pinamumunuan ni Romeo Jalosjos Jr. ay kinuha si Michael V. para maging bahagi ng mga bagong host ng longest-running noontime show matapos magdesisyon ang orihinal na host ng palabas na magresign noong May 31, 2023.


Gayunpaman, sa kabila ng pagiging Dabarkads ni Michael sa loob ng halos 13 taon ay tumanggi sa alok ng mga Jalosjos dahil sa ‘delicadeza’.


Nakasaad din sa nasabing ulat na may malapit na relasyon si Michael V sa mga original host na pinamumunuan nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon at nagpahayag siya ng suporta sa desisyon ng legendary trio na umalis sa production company at GMA Network.


Tinuturing din umano niyang mentor ang TVJ kaya hindi niya kayang palitan ang mga ito sa show na sila mismo ang nagpasikat ng husto.


Matatandaan na naging Dabarkads si Michael V sa Eat Bulaga mula noong 2003 hanggang 2016. Umalis siya sa show upang mas bigyang pansin ang ilan sa kanyang major projects sa GMA. Isa na rito ang Pepito Manaloto.


Sa ngayon ay sina Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Alexa Miro, Cassy Legaspi, and Marvin Legaspi ang bagong host ng rebranded Eat Bulaga.


Agad naman silang umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens na hindi nagustuhan ang kanilang pamamaraan sa pagiging host ng show.


Sa kabilang banda, hindi pa rin nagbibigay ng anumang pahayag si Michael V. hinggil sa pagkakadawit niya sa isyu ng rebranding ng Eat Bulaga.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo