Carren Eistrup Isasama Ng Tvj Sa Tv5, Maine Mendoza at Jose Manalo to the Rescue!....

Miyerkules, Hunyo 7, 2023

/ by Jerome

 


Ayon sa nakalap na impormasyon ay kinuha daw ng Trio na sina Tito, Vic at Joey si Carren Eistrup para isama sa kanilang lilipatang istasyon.


Ayon nga dito ay ang TVJ na daw ang bahala sa isang milyong kontrata nito sa mga Jalosjos.


Ayon pa sa isang source na si Jose Manalo at si Maine Mendoza daw ang nagsadjest sa TVJ na kung puwede ba daw na maisama si Carren sa lilipatan nilang istasyon.


Pero bago pa daw isadgest iyun nina Maine at Jose ay naka usap- na daw umano ni Joey De Leon si Carren kung sasama ba ito sa kanila sa lilipatan nilang istasyon at sa bagong show.


At hindi na nga daw nagpaligoy-ligoy pa si Carren at deritsahang Omu-o ito sa TVJ.


Dagdag pang sabi ng nasabing source na, "sinama namin si Carren dahil silang mga host ang kumilatis sa kanya."


"Silang mga host ang pumili sa kanya at bumuto, kaya hindi namin hahayaan si Carren na maiwan sa mga Jalosjos."


Matatandaang sa pag-alis ng mga host ay si Carren lang ang walang pirma sa resignation letter na ipinakita sa social media.


Kaya maraming mga netizens ang ng bash kay Carren sa panahong iyun at napagsabihan pa na isa siyang traydor.


Ngunit ngayon ay malinaw na ang lahat na hindi siya traydor at siya ay makakasama na ng TVJ at sa iba pang mga host sa kanilang lilipatang istasyon at sa kanilang bagong show.


Makikita din sa mga ibinahaging mga larawan na kasama nga si Carren sa kanilang lilipatang istasyon.


Samantala, mapapansin din sa social media account ni Carren na puro about sa TVJ ang kanyang ipinopost, ibigsabihin ay suportado niya ang ginawang desisyong ng TVJ na tuloyang kumalas sa mga Jalosjos.






Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo