Jillian Ward Di Napigilan Kiligin Sa Crush Niyang Si Coco Martin! Jillian Maggeguest Sa Batang Quiapo!...

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Jerome


  Tila napapatulala nga ang kapuso young actress na si Jillian Ward sa actor director na si Coco Martin.


Naganap ang pagkikita nina Coco at Jillian sa isang event nitong mga nakaraang araw lang.


Kaya naman ikinatuwa ng netizens ang cute na mga reaction na makikita sa mukha ng dalawang sikat na artistang ito na mula sa magkaibang stasyon.


Matatandaang aminado kasi itong kapuso teen actress na si Jillian Ward na crush niya itong si Kapamilya Primetime King na si Coco Martin.


Ito nga ay nasabi ni Jillian noon sa isang interview, At makikita din sa video ang cute na pasulyap ng actress kay Coco.


Samantala dahil nga sa naging pagkikita na ito ng dalawang bigating artista ng magkaibang stasyon ay maraming mga netizens ang humiling na sana raw ay magguest ang teen actress sa Batang Quiapo ni Coco Martin.


Ayon nga sa mga fans ng actress na baka daw ay posible na ito ngayon dahil matatandaang na marami nading ginawang collaboration project ang GMA at ang ABS-CBN ngayon.


May mga upcoming project na nga ngayon ang dating mahigpit na magkalabang network.


Kung saan ay makikitang mga artista ng GMA at ABS-CBN ang siyang bida sa mga proyektong ito.


At kung sakali man daw na payagang magguest si Jillian sa Batang Quiapo ay tiyak daw umano na papalo sa mataas na ratings ang serye na iyun.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo