Marian Rivera Balik Serye Na! against All Odds Katambal Si Gabby Concepcion!Alamin Ang Buong Detalye.

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Jerome

 


Kumpirmadong magbabalik na sa GMA teleserye ang kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.


Ito ay kinumpirma ng dating manager ni Marian na si Popoy Caritativo na ngayon ay kasalukuyang manager na din ni Gabby Concepcion.


Ani ng dating manager ni Marian, "Matutuloy na rin, sa wakas, ang tambalang Marian at Gabby Concepcion sa GMA Primetime soon. #AgainstAllOdds."


Reply naman ni Marian dito ay, "See you soon momsie"


Talagang tuloy na tuloy na nga ang pagbabalik primetime nitong si Marian Rivera at ang pagbibidahan nilang serye ay ang Against All Odds.


Kaya naman excited na nga ang maraming ma netizens sa kakaibang drama love story na ito na pagtatambalan ng dalawa.


Matatandaang una dapat silang magtatambal sa First Yaya na siyang alay ng kapuso network para sa GMA Telebabad noong taong 2020.


Ngunit nagkaroon ng pandimya at natakot nga si Marian kaya hindi na siya tumuloy.


At sa kanyang pagback out ay pinalitan naman agad siya ng actress na si Sanya Lopez.


Samantala mayroon ding mga kumalat na mga balita at usap-usapan na si Sam Milby nga daw ang makakatambal ni Marian sa nasabing serye.


Ngunit ang talagang kumpirmado ay si Gabby Concepcion talaga ang makakatambal ni Marian Rivera.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo