Lj Reyes Ganito Ka Blooming Ngayon Matapos Ang Wedding Proposal!...

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Jerome

 


Pinuri ang actress na si Lj Reyes ng mga netizens dahil blooming na blooming na daw ito ngayon, matapos ang wedding proposal ng kanyang nonshowbiz boyfriend na si Philip Evangelista.


Ikunumpara pa ng mga netizens ang hitsura ni Lj ngayon kumpara noon, dahil looking fresh at batang-batang tingnan na daw ngayon ni Lj at tila nasa tamang tao na nga daw ito.


Samantala, wala namang ibang impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan ng nobyo ni Lj dahil naka private ang social media account nito.


Sa mga larawan at video na ibinahagi ng actress ay makikita sa mukha ni Lj ang sobrang kaligayahan na kanyang nararamdaman.


Lalo na ng lumuhod na nga sa kanyang harapan ang kanyang nobyo ay halos wala na nga daw mapaglagyan ang tuwa at kaligayahan na kanyang nararamdaman.


Mapapansin naman na tila kuha ang mga larawang kanyang ibinahagi, sa isang beach resort.


Kalakip naman sa kanyang ibinahaging mga larawan ang kanyang caption na isang Bible verse.


Caption niya, "For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope."

‭‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬


Matatandaang halos dalawang taon na rin ng pumunta si Lj sa America, dahil sa sakit na dulot ng paghihiwalay nila ng kanyang partner noon na si Paolo Contis.


Kaya naman marami nga ang natuwa sa ibinahaging ito ni Lj dahil nakikita ng mga ito ang kaligayahan ng actress sa piling ng kanyang bagong pag-ibig ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo