Eula Valdes Hindi Na Nakatimpi, Sinindak Ang Pasaway Na Youngstar

Martes, Hunyo 6, 2023

/ by Lovely



Tila hindi rin nakaligtas ang batikang aktres na si Eula Valdes sa mga pambabastos ng ilang mga baguhang artista sa industriya ng showbiz.


Pagbabahagi pa ng premyadong aktres na napapanood ngayon sa Kapuso primetime series na “Unbreak My Heart“, may mga karanasan din siya sa mga youngstars na mahilig mag-attitude.


“Oo naman, tahimik lang ako. Sa akin, sa loob-loob ko lang, ‘enjoyin ninyo yan, tingnan natin kung magtagal kayo,'” saad ni Eula.


Ibinahagi pa ni Eula na pinipili lamang niyang manahimik noon at pinagpapasensyahan na lamang ang mga ito.


“Dumating ako nu’n sa standby area, nag-uusap sila sa upuan. May kama, bigla silang lumipat dun, meaning, pinamukha nila na yun ang puwesto nila. Napahinto lang ako, ‘okay, dito lang ako.’ Pero nasaan na sila ngayon? Wala na sila,” pagkukwento pa ni Eula Valdes.


Subalit minsan ay napuno rin siya at hindi niya napigil ang sarili. Natarayan umano niya ang batang artista dahil sa mga ginagawa nito.


“Bata pa sila nu’ng time na yun. Naglalaro pa sila, may sinabihan ako, nakalimutan ko na exactly pero parang ano, ‘umayos ka, lalamumin kita.’ 


“Parang na-ano siya na-shock pero magaling siya ngayon. Actually, magaling na siya noon pa. Wala siyang linya so wala siyang nakalaban,” pagbabalik tanaw pa ni Eula Valdes.


Hindi naman niya tahasang pinangalanan ang artistang kanyang tinutukoy na nambastos sa kanya at kung sino ang kanyang napagsabihan noon.


Samantala, ipinahayag ni Eula Valdez na hindi siya nakikialam sa mga artistang nahihirapan at hindi makuha-kuha ang mga ipinag-uutos ng Director.


“Hindi ko sila ina-approach, kung sila ay sinabak na di pa ready, hindi ko problema yun. Although ako personally, pag involved ako sa isang project, iisipin ko na sana ganito, nasa utak ko lang ba.


“Kung feeling nila wala silang problema, parang unethical din naman mag-approach kung wala naman silang hinihinging tulong sa iyo.


“Iniiwasan ko rin yun, ayoko naman na porke’t ano, iisipin mo agad tutulungan mo ako. Bakit, di ko naman hinihingi ang opinyon mo?


“Ang production naman ang makakapansin, from there siguro, kung gusto nilang mag-artista, e di magpatulong sila sa iba,” pagpapaliwanag pa ng aktres.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo