Dani Barretto May Sweet Message Sa Kanyang Lola Na Ina Ng Amang Si Kier Legaspi!

Walang komento

Lunes, Oktubre 17, 2022


Kamakailan ay napag-alaman ng mga followers ni Dani Barretto na malapit pala siya sa kanyang lola sa father side. Ito'y matapos niyang ibahagi ang napaka-sweet na mensahe para sa rito para sa kaarawan nito.

Kahapon lamang ay ipinagdiwang ng kanyang Lola Hershey. Ito ay ang ina ng tunay na ama ni Dani Barretto na si Kier Legaspi. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi maganda ang relasyon ng mag-ama.

 Ibinahagi ni Dani sa kanyang Instagram account ang sweet photo nila ng kanyang lola noong siya ay bata pa, kalakip ang nakakaantig na caption.

"Happy Happy Birthday, my Momsy! ❤️

My Mama who continues to spoil me rotten until now.
My Mama who rushed from Laguna to Quezon City when I was 5 because I called her crying begging her to come to me just cause I missed her.
My Mama who shows up in every school program. And bida bida ako sa lahat ng program nung bata ako ah! 😂
My Mama who still sends food here at home just because.
My Mama who’s present in all the milestones of my life, and now Millie’s. 🥹


I can’t thank you enough, Mama. Now its my turn to take care of you and spoil you rotten. Happy Birthday to one of my favorite people on earth!!!!!!! I LOVE YOU SO MUCH!!"

Ayon kay Dani ang kanyang Lola Hershey ang nag-isspoil sa kanya hanggang ngayon. Lagi din umano itong present sa lahat ng milestone sa kanyang buhay. Agad naman itong umani ng mga positibong komento mula sa kanyang mga followers at ilang mga netizens.

Cedric Lee Isa Lamang Sa Limang Mga Testigo Ng Kampo Ni Deniece Cornejo Laban Kay Vhong Navarro!

Walang komento


Kasama ang pangalan ni Cedric Lee sa usapin tungkol sa kinakaharap na kaso ngayon ng actor-TV host na si Vhong Navarro.

Si Cedric Lee ang unang testigo ni Deniece Cornejo na makakapagpatunay umano na totoong ni-rape ni Vhong Navarro si Deniece Cornejo. Nagpunta sa Taguig City Regional Court si Cedric ngunit nananatiling tiikom ang bibig nito sa tanong ng media.

Samantala, base sa aming nakalap na impormasyon mula sa Abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, isa lamang si Cedric Lee sa limang testigo nila na makakapagpatunay na totoong hinalay ni Vhong ang dating modelo at hindi payagan ang petisyon nitong makalaya pansamantala.

Ayon kay Atty. Calleja ipapalabas umano nila ang kanilang ikalawang testigo sa darating na mga araw. Ipapalabas umano nila ang mga witnesses nila hanggang sa November 10, 2022. Confident naman din ang abogado ni Deniece na sa tulong ng kanilang mga witness ay hindi na muling makalaya pa si Vhong Navarro.

Matatandaang isa si Cedric Lee sa mga nahatulan noong 2014 sa kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanila ni Deniece Cornejo. Tanong ng mga netizens ngayon, bakit nabaliktad ang lahat at si Vhong Navarro na ang nadidiin?



Barangay Election-Matutuloy?

Walang komento


Ngayong araw ng October 17, 2022, naghain ng petisyon sa Supreme Court ang isang Abogado na si Atty. Romulo Macalintal.

Kinuwestiyon ni Atty. Macalintal ang batas na nagpapapostpone sa Barangay at SK election sa darating na December 5, 2022. Base sa ipinasang resolution, itatakda ang Barangay at SK election sa unang lunes ng October 2023.

Ngunit ayon sa petisyon ni Atty. Macalintal na hindi maaring ipagpaliban ang Barangay at SK election dahil ang pagpapapostpone ng election ay nas jurisdiction ng COMELEC. Maari lamang umanong ipagpaliban ito kapag mayroong mabigat na dahilan na nakasaad sa section 5 ng Omnibus Election Code.

Ang mga nakasaad na mga seryosong dahilan sa Section 5 ng Omnibus Code na maaaring makakapagpostpone ng election ay kagaya na lamang ng karahasan, mayroong banta ng terrorismo, banta ng kalusugan, kalamidad, pagkasira ng mga kagamitan na gagamitin sa election at pakawala ng ilang mahahalagang data.



Nakakadurog Ng Puso Asawa Ni Andrew Schimmer Hindi Maganda Ang Kalagayan!

Walang komento


Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer hinggil sa kalagayan ng kanyang asawa na si Jho matapos nila itong muling isugod sa hospital dahil sa mataas na lagnat at pagsusuka.

Matatandaang naiuwi na nila sa kanilang bahay si Jho noong nakaraang linggo. Ngunit, ginulat ni Andrew ang mga netizens ng ibalita niya kanina na muli nila itong isinugod sa hospital at hindi maganda ang lagay nito dahil sa pagtaas ng creatinine level.

Ayon kay Andrew, balik ICU na naman ang kanyang asawa. Samantala isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakahospital ngayon ni Jho ay ang diumano'y kapalpakan na nagawa ng isang nutritionist nito. Ayon sa ibinahaging video ni Andrew, mali ang prescription ng nutritionist nito kaya tumaas ang creatinine level nito. Dinagdagan ng nutrionist ng 6 grams of sodium ang prescription para sa diet ni Jho.

Dahil sa kapabayaan ng nutrionist ni Jho namanas ang buo nitong katawan. Labis naman na naaawa si Andrew sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang asawa na sa halip na nagpapagaling na sa bahay nila ay muli na naman itong naipasok sa ICU. 

Muling humihiling ng dasal at tulong mula sa mga netizens para sa paggaling ni Jho.



Appointment Kay Paul Soriano Bilang Presidential Adviser on Creative Communications Umaani Ng Pambabatikos!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa social media at number one trending sa Twitter ang pagkaka-appoint kay Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Kinumpira ito ni Usec. Cheloy Garafil.

Matapos kumpirmahin ng Malacanang ang nasabing appointment kay Paul Soriano agad itong umani ng samu't-saring pambabatikos mula sa mga netizens. Ayon sa iba ano naman ang gagawin ni Paul Soriano sa Malacanang. Tanong din ng ilang mga netizens kung ano ba ang gagawing ng isang Presidential Adviser on Creative Communications.

Hindi sang-ayon ang ilang mga netizens sa pagkaka-appoint kay Paul Soriano dahil pamangking ito ng First Lady at inaanak pa sa kasal. Ipinunto din ng ilang mga netizens na tila hindi naman kailangan ng isang Presidential Adviser on Creative Communications ng bansa. Hindi din nagustuhan ng mga netizens na nauna pang nag-appoint ang pangulo ng Presidential Adviser on Creative Communications na wala pang malinaw na function kaysa sa pag-appoint ng DOH at DA secretaries na mas kailangan umano ng bansa.



Samantala, nag-take oath na si Paul Soriano sa President's Hall ng Malacanang.



Salary Ni Paul Soriano Bilang Presidential Adviser Aabot Sa Mahigit 200 Thousand Pesos Monthly!

Walang komento

Matapos ang kumpirmasyon ng Malacanang sa appointment ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Usap-usapang ngayon ng mga netizens sa social media kung magkano ang sasahurin ng director kada buwan mula sa kanyang bagong posisyon.

Ang sahod ni Paul Soriano ay nasa minimum of 273, 278 pesos kada buwan ayon sa Republic Acts No. 6758 (Compensation and Position Classification Act of 1989) at 11466 (Salary Standardization Law of 2019).

 Agad naman itong umani ng samu't-saring opinion at pambabatikos mula sa mga netizens. May mga nagsasabi na bias ang pagkakapili rito dahil inaanak ito ng Pangulo ng bansa. Ayon pa sa iba, hindi pa ba umano ito nakukuntento sa kanilang mga sahod sa kasalukuyang trabaho at sa sahod ng asawa nitong si Toni Gonzaga?



Paul Soriano, Appointed Bilang Presidential Adviser on Creative Communications!

Walang komento


Kinumpirma ng Press Secretary Office in charge na si Usec. Cheloy Garafil ngayong araw ng Lunes October 17, 2022 ang appointment ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Si Paul Soriano ay manunumpa ngayon ding araw.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon mismong si President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang nag-appoint sa kanyang inaanak na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications.

Samantala, hindi pa ipinalalabas ng Malacanang ang appointment papers ni Paul Soriano upang malaman at malinaw sa publiko ang job description nito.

Matatandaan na all-out sa pagsuporta si Paul Soriano at ang asawa nitong si Toni Gonzaga sa nakaraang 2022 National Elections. Si Paul Soriano rin ang nag-director sa naging Inauguration Ceremony ni President BBM. Ninong nila Paul Soriano at Toni Gonzaga sa kanilang kasal sina Pres. BBM at asawa nitong si First Lady Liza Marcos.



Jeric Raval Spends Time with Ex-Partner Monica Hererra and Their Children!

Walang komento


Isa si Jeric Raval sa mga kilalang may maraming anak sa mundo ng showbiz.

Kamakailan ay nakipagbonding si Jeric Raval sa kanyang dating nakarelasyon na dating ka loveteam na si Monica Hererra kasama ang kanilang mga anak sa kaarawan ng kanyang apo na si Hunter. Sina Monica at Jeric ay nagkaroon ng tatlong anak.

Halos dalawang linggo na ang nakakaraan ng magdiwang ng kaarawan ang kanilang apo na si Hunter. Present si Jeric sa kanilang pagdiriwang at upang makasama na rin ang kanyang mga anak sa dating karelassyon. Makikita naman sa mga ibinahaging larawan na naging masaya ang kanilang pagdiriwang.

Makikita din sa mga larawang ito na bagama't may bago nang pamilya si Jeric ay wala ng awkwardness sa pagitan nila ni Monica. Kung titingnan lamang ang kanilang larawan ay makkikita ang isang larawan ng buong masayang pamilya.



Ibanalik Ng ICU! Andrew Schimmer Nanawagan Ng Dasal Para Sa Asawa!

Walang komento


Muling nananawagan ng dasal ang dating actor na si Andrew Schimmer matapos muling isinugod sa hospital ang kanyang asawa na si Jho.

Marami ang mga naantig at naawa sa pamilya ni Andrew Schimmer matapos nitong mai-feature sa programa ni Ogie Diaz saYoutube channel nito. Kasalukuyang nakikipaglaban ang asawa ni Andrew na si Jho sa sakit. Isinugod si Jho sa hospital noong nakaraang taon dahil sa sever asthma attack at cardiac arrest that leads to brain hypoxia.

Simula pa noong November 2021 ay naka-confine at nanatili na si Jho sa Hospital. Ayon kay Andrew, umabot na sa mahigit isang million ang bill nila. Gayunpaman, hindi sila pinabayaan ng Panginoon dahil marami ang nagpaabot ng tulong pinansyal para sa kanila.

Matatandaang kamakailan lamang ay ibinahagi ni Andrew sa kanyang vlog na pinayagan na ng doktor na makalabas ang kanyang asawa. Subalit, ginulat muli ni Andrew ang mga netizens sa kanyang bagong update na hindi maganda ang kalagayan ng kanyang asawa ngayon dahil sa taas ng lagnat at pagsusuka.

Dahil dito, muli nilang isinugod sa hospital ang kanyang asawa para ma-monitor ng maayos ng mga doktor.

Ayon sa Facebook post ni Adrew, "Just after a week, she’s back in the hospital again

🥺💔 Need po sha ipasok ulit sa ICU for few days, until mag stable po ulit sha🥺💔😭😭😭💔please, plsss pray for Her, she needs it😭💔😭 pls God give Her the strenght to push trough, Kaylangan po sha ng puso ko panginoon ko."


Alden Richards, Nasapawan ni Ruru Madrid?

Walang komento

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng social media ang umano'y nasapawan ni Ruru Madrid si Alden Richards. Matatandaang noon pa man ay isinasabong at ikinokompara si Alden sa mga actor sa ibang network, ngayon ay may lumabas na haka-hakang tila nasapawan umano ni Ruru si Alden.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, may mga nagsasabing mas angat na umano ang career ni Ruru Madrid kaysa kay Alden Richards. Ito ay dahil umano sa matataas na ratings na nakukuha ng mga shows ni Ruru. Matatandaang nakakuha ng mataas ana ratings ang nakaraang teleserye ni Ruru na pinamagatang Lolong.

Ang teleseryeng ito ay magkakaroon rin umano ng book 2 sa susunod na taon at pinaghahandaan na umano ito ng aktor. Isa pa sa nakikitang dahilan ng ilang mga netizens kung bakit nasasabi nilang nasasapawan ni Ruru Madrid si Alden, ay dahil tila pinalitan na umano nito si Alden sa Eat Bulaga.

Matatandaang, matagal nang hindi napanood si Alden sa noontime show ng GMA7 na Eat Bulaga. Sa pagpasok ni Ruru Madrid sa Eat Bulaga tuluyan na nga bang mapapalitan nito si Alden Richards?

Samantala, wala pa namang ipinalabas na official statement mula sa management hinggil sa nasabing isyu.



Pamilya Nila Judy Ann Santos Nakipag-Barilan Sa Birthday Celebration ni Lucho!

Walang komento


Nitong nakaraang weekend ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram stories ang naging sport activities nila bilang pagdiriwang sa kaarawan ng kanilang anak na si Lucho.

Nagkaroon ng paintball gun fighting ang pamilya ni Juday at pamilya ng kanilang mga kaibigan. Game na game naman ang pamilya ni Juday sa pakikipaglahok sa nasabing activity. Makikita naman sa mga ibinahaging pictures at larawan sa social media na labis na nag-eenjoy ang buong pamilya.



Bago nila sinimulan ang paintball gun fighting, nagkaroon muna ng praktis ang mga kalahok. Bukod sa gun fighting may iba pang sport activities ang hinanda ng mag-asawa.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Luna at nagpakitang gilas sa wall climbing. Proud naman itong kinunan ng video ng ina na ibinahagi sa kanyang social media account.



Dalawang Kapuso Stars-Gagawa Ng Pelikula Sa Abs-Cbn?

Walang komento

Linggo, Oktubre 16, 2022


May kumakalat na bali-balita ngayon na gagawa umano ng isang pelikula under Star Cinema ang mga dating Kapamilya star na ngayon ay nasa bakuran ng GMA7.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, approbado na umano mula sa mga nakakataas ang pagkakaroon ng pelikula ng dalawa sa ABS-CBN under Star Cinema. Ito ay ang inaabangang comeback movie nina Bea Alonzo at Jhon Lloyd Cruz.

Ang kanilang gagawing pelikula ay bilang collaboration ng GMA7 at ABS-CBN through Star Cinema. Ayon naman kay Bea Alonzo, hiwalay ang kanilang comeback movie ni John Lloyd Cruz sa kasalukuyang umiire niyang teleserye sa GMA7 na Start Up Ph kung saan kasama niya si Alden Richards.



Sarah Lahbati 29th Birthday celebration with Hubby Richard & the kids + flying to Cebu City

Walang komento

 


Nakakahanga ang pagmamahal na ibinibigay ni Richard Gutierrez kay Sarah Lahbati, lalo na sa pagdiriwang ni Sarah ng ika-29th birthday celebration na ginanap sa Cebu. 

Naunang magcelebrate si Sarah ng kanyang kaarawan kasama ang kanyang kaibigan sa Manila. Kasama rin sa selebrasyong ito ang kanyang asawang si Richard Gutierrez with their sweet moments. 

Sobrang nakakakilig ang ipinakitang gesture ng mag-asawa dahil para lang silang magnobyo/nobya sa kasweetan, kahit na may dalawa na silang anak.

Lahat ay masaya at nagparty-party, successful ang celebration. 

Pagkatapos ng pagcecelebrate sa Manila ay lumipad naman sila sa Cebu, para ipagpatuloy ang pagcecelebrate ng kaarawan ni Sarah. Ngayon naman ay family time. 

Nagpasalamat si Sarah dahil ngayon lang sila nakabalik sa Cebu. Ipinakita rin niya ang napakagandang tanawin kung saan sila pansamantalang tumutuloy. 

Talagang ideal family sila dahil kahit saang lugar ay kasama pa rin nilang magbakasyon ang kanilang dalawang supling. Napaka-adventurous rin ng kanilang mga travels. 

Isa sa hilig ng magpamilya ay mag-camping at biking. Maski si Sarah ay sanay na rin magmotor. 

Happy Birthday Sarah!

Kim Chiu Sigurista Ready Na Nga Bang Pakasal Kay Xian Lim?

Walang komento


Masayang ibinalita kamakailan ng aktres na si Kim Chiu na may bagong negosyo siyang pinasok.

Sa kanyang  Instagram account, masayang ibinalita ni Kim ang pagve-venture niya sa panibagong negosyo. Ayon sa aktres matapos ang ilang buwang pagpaplano nangyari na ang lahat. Kaninang umaga lamang naganap ang launching ng bagong business ni Kim na pinangalanan niyang House of Little Bunny Philippines.

Ayon sa caption ni Kim sa kanyang Instagram post sa launching ng kanyang bagong business.

"TODAY IS THE DAY! Here we go, bunnies!  #HouseOfLittleBunnyPH is now open, and ready for you!✨ Can’t wait for you to own a bag or two, or all the colors that we have! 😍 One thing that I’m most proud of is that our bags are made of Epsom leather, with complementing gold hardware which I really love.✨ Today I am wearing the #Timeless bag in Pool color."

 

Mayroong iba't-ibang kulay at designs ang kanyang mga bags na may tila infinity sign bilang trademark emblem. Noon pa man ay malapit na umano kay Kim ang mga bags dahil sa kanyang hilig sa pangungulekta ng mga ito.

Ayon naman sa ilang mga netizens tila naghahanda na ang aktres sa magiging future nila ni Xian kaya ngayon pa lamang ay pumapasok na ito sa negosyo. Sa kabila ng pagiging abala bilang isa sa mga sikat na aktres sa panahon ngayon.

Bianca King Emotional Na Sinabi Ang Kanyang Mga Pinagdadaanan Sa Kanyang Pag Bubuntis!

Walang komento


Puspusan ang pagwowork out ngayon ni Bianca King habang nasa ikalawang trimister ng kanyang pagbubuntis.

Agad namang nagbigay ng paliwanag ang aktres sa kanyang mga followers kung bakit kinakailangan niyang gawin ang pagwwowork out sa kabila ng kanyang pagbubuntis. Ibinahagi ni Bianca sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kuha sa kanyang pagwowork-out kalakip ang caption kung saan sinabi niya na ang lahat ng ito ay bilang preparation sa kanyang panganganak.

"Building strength for natural child birth. 👶🏻💪🏼 Still getting used to carrying an extra 20lbs in the middle of my body!


Before any exercise, consult with your midwife or OB. It’s best to be guided by a professional trainer like @rebelwithus and @_katdaroza for the correct form then you can do it on your own. These pregnancy exercises are low impact and fairly easy to follow! Keep it up mamas."

Ipinaliwanag naman ng aktres sa nasabing post na huwag basta gayahin ang kanyang mga routine. Kailangan muna umanong magpakunsulta sa midwife o sa OB-gyne bago gawin ang pag-eexercise. Mas mabuti rin na may professional trainer upang malaman ang tamang posture at form.

Nauna nang ibinahagi ni Bianca sa publiko ang mga naranasang pagbabago sa unang trimister ng kanyang pagbubuntis.

Ellen Adarna May Bwelta Kay Deniece Cornejo! Inaming Kaibigan Si Cedric Lee Buong Detalye Alamin

Walang komento

 


Matatandaan na noong 2014, nagpahayag si Ellen Adarna kung ano ang masasabi niya sa isyung kinasasangkutan ng kaibigang si Deniece Cornejo. 

Tahasan niyang sinabi, "The only thing that I have to say is that, like, you know, as a woman, you shouldn't allow things like that, every detail, like even touch... If you feel violated, you say it out loud. You say it to the person that, 'You can't do this to me'".

Patuloy niya, "Why now? Why now in public? You have all the rights. Women have their right to show what we can do. For me, it's like... For me, honestly, Cedric is my friend but I'm sorry..."

Saad ni Ellen na hindi siya pumapabor sa ginawa ni Cedric Lee kay Vhong Navarro, kahit kaibigan pa niya ito.

Nilinaw naman ni Ellen Adarna kay Deniece Cornejo na mayroon siyang panahon na tumanggi doon sa taong ayaw niya. Sigurado namang hindi ipipilit ni Vhong ang sarili. 

Recently, sa pagpapahayag ni Deniece sa pagsampa ng kasong rape kay Vhong ay tahasan niyang sinabi ang pagpwersa nitong pumasok.

Nagviral nga ang lolo ni Deniece matapos itong manawagan sa media na magsettle na lamang ang dalawa, dahil pareho naman silang nagsampa ng kaso sa isa't-isa. 

Marami ang humanga kay Ellen Adarna at sinabing tama raw ang pahayag nito. Narito ang ilang say ng mga netizens:





Nais lamang daw ng pamilya ni Deniece ay ma-experience ni Vhong Navarro ang makulong. At dahil nakulong na ito, panawagan ng lolo ni Deniece na itigil na ang kaso sapagkat panahon, oras at pera ang nasasayang rito. 

Miss Supermodel Worldwide Winner Is Philippines!

Walang komento


Itinaas ng tatlong Pinay ang bandera ng Pilipinas sa loob ng dalawang araw sa magkasunod na International Pageants. Isa sa mga ito ang matagumpay na naiuwi ang korona at karangalan sa bansa.

Wagi bilang Miss Supermodel Worldwide 2022 si Alexandra Rosales na ginanap sa India. Sa kauna-unahang pagkakataon na iuwi ng kandidata mula sa Pilipinas ang korona bilang Miss Supermodel Worldwide. Ang grand finals ay ginanap sa Leela Palace in Jaipur.

Nanalo namang first runner up ang kandidata mula sa Netherlands na si Kaylee Roxanne Zwart. Second runner up naman ay mula sa Indonesia na si Nova Retalista, mula sa France naman ang third runner up Sonia Mansour at bilang fourth runner up si Alina Cheveleva ng Kazakhstan.

Matatandaang sumali si Alexandra Rosales sa Miss Southeast Asian Ambassadress noong 2015 at nagwagi bilang first runner up.



Jane De Leon Nag-Inarte Kasama Si Ruru Madrid Sa Isang Show?

1 komento


Noong nakaraang linggo ibinahagi ng Darna Star na si Jane De Leon sa pamamagitan ng isang social media post na naimbitahan siya sa isang event sa Limay, Bataan. Pumunta rin sa naturang event ang Star ng Lolong na si Ruru Madrid.

Ang Darna at Lolong ay may kaparehong timeslot sa television sa magkabilang channel kaya naman tila magkaribal ito sa ratings. Samantala, matapos ang event ay may lumabas na pablind item kung saan sinabi na may nag-iinarte umanong magandang star at sinadyang magpahuli ng dating upang ito ang maging finale performer.

Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang tinutukoy sa blind item ay walang iba kundi si Jane De Leon. Ngunit pagtatanggol ng organizer ng event, sinabi nitong hindi naging maarte at nagpa-diva si Jane sa nasabing event. Pareho umano ng call time ang dalawa at parehong dumating sa oras.

Ipinagdiinan ng ng organizer na sa line up ng mga performers ay talagang pang-finale si Jane De Leon. Dahil ang mayor umano nila ay palaging nanonood ng mga Kapamilya show at sinusubaybayan ang Darna.



Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo