Barangay Election-Matutuloy?

Lunes, Oktubre 17, 2022

/ by Lovely


Ngayong araw ng October 17, 2022, naghain ng petisyon sa Supreme Court ang isang Abogado na si Atty. Romulo Macalintal.

Kinuwestiyon ni Atty. Macalintal ang batas na nagpapapostpone sa Barangay at SK election sa darating na December 5, 2022. Base sa ipinasang resolution, itatakda ang Barangay at SK election sa unang lunes ng October 2023.

Ngunit ayon sa petisyon ni Atty. Macalintal na hindi maaring ipagpaliban ang Barangay at SK election dahil ang pagpapapostpone ng election ay nas jurisdiction ng COMELEC. Maari lamang umanong ipagpaliban ito kapag mayroong mabigat na dahilan na nakasaad sa section 5 ng Omnibus Election Code.

Ang mga nakasaad na mga seryosong dahilan sa Section 5 ng Omnibus Code na maaaring makakapagpostpone ng election ay kagaya na lamang ng karahasan, mayroong banta ng terrorismo, banta ng kalusugan, kalamidad, pagkasira ng mga kagamitan na gagamitin sa election at pakawala ng ilang mahahalagang data.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo