Cedric Lee Isa Lamang Sa Limang Mga Testigo Ng Kampo Ni Deniece Cornejo Laban Kay Vhong Navarro!

Monday, October 17, 2022

/ by Lovely


Kasama ang pangalan ni Cedric Lee sa usapin tungkol sa kinakaharap na kaso ngayon ng actor-TV host na si Vhong Navarro.

Si Cedric Lee ang unang testigo ni Deniece Cornejo na makakapagpatunay umano na totoong ni-rape ni Vhong Navarro si Deniece Cornejo. Nagpunta sa Taguig City Regional Court si Cedric ngunit nananatiling tiikom ang bibig nito sa tanong ng media.

Samantala, base sa aming nakalap na impormasyon mula sa Abogado ni Deniece na si Atty. Howard Calleja, isa lamang si Cedric Lee sa limang testigo nila na makakapagpatunay na totoong hinalay ni Vhong ang dating modelo at hindi payagan ang petisyon nitong makalaya pansamantala.

Ayon kay Atty. Calleja ipapalabas umano nila ang kanilang ikalawang testigo sa darating na mga araw. Ipapalabas umano nila ang mga witnesses nila hanggang sa November 10, 2022. Confident naman din ang abogado ni Deniece na sa tulong ng kanilang mga witness ay hindi na muling makalaya pa si Vhong Navarro.

Matatandaang isa si Cedric Lee sa mga nahatulan noong 2014 sa kasong isinampa ni Vhong Navarro laban sa kanila ni Deniece Cornejo. Tanong ng mga netizens ngayon, bakit nabaliktad ang lahat at si Vhong Navarro na ang nadidiin?



No comments

Post a Comment

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo