Alden Richards, Nasapawan ni Ruru Madrid?

Lunes, Oktubre 17, 2022

/ by Lovely

Mainit na usapin ngayon sa mundo ng social media ang umano'y nasapawan ni Ruru Madrid si Alden Richards. Matatandaang noon pa man ay isinasabong at ikinokompara si Alden sa mga actor sa ibang network, ngayon ay may lumabas na haka-hakang tila nasapawan umano ni Ruru si Alden.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon, may mga nagsasabing mas angat na umano ang career ni Ruru Madrid kaysa kay Alden Richards. Ito ay dahil umano sa matataas na ratings na nakukuha ng mga shows ni Ruru. Matatandaang nakakuha ng mataas ana ratings ang nakaraang teleserye ni Ruru na pinamagatang Lolong.

Ang teleseryeng ito ay magkakaroon rin umano ng book 2 sa susunod na taon at pinaghahandaan na umano ito ng aktor. Isa pa sa nakikitang dahilan ng ilang mga netizens kung bakit nasasabi nilang nasasapawan ni Ruru Madrid si Alden, ay dahil tila pinalitan na umano nito si Alden sa Eat Bulaga.

Matatandaang, matagal nang hindi napanood si Alden sa noontime show ng GMA7 na Eat Bulaga. Sa pagpasok ni Ruru Madrid sa Eat Bulaga tuluyan na nga bang mapapalitan nito si Alden Richards?

Samantala, wala pa namang ipinalabas na official statement mula sa management hinggil sa nasabing isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo