Paul Soriano, Appointed Bilang Presidential Adviser on Creative Communications!

Lunes, Oktubre 17, 2022

/ by Lovely


Kinumpirma ng Press Secretary Office in charge na si Usec. Cheloy Garafil ngayong araw ng Lunes October 17, 2022 ang appointment ni Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications. Si Paul Soriano ay manunumpa ngayon ding araw.

Ayon sa aming nakalap na impormasyon mismong si President Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr. ang nag-appoint sa kanyang inaanak na si Paul Soriano bilang Presidential Adviser on Creative Communications.

Samantala, hindi pa ipinalalabas ng Malacanang ang appointment papers ni Paul Soriano upang malaman at malinaw sa publiko ang job description nito.

Matatandaan na all-out sa pagsuporta si Paul Soriano at ang asawa nitong si Toni Gonzaga sa nakaraang 2022 National Elections. Si Paul Soriano rin ang nag-director sa naging Inauguration Ceremony ni President BBM. Ninong nila Paul Soriano at Toni Gonzaga sa kanilang kasal sina Pres. BBM at asawa nitong si First Lady Liza Marcos.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo