Pamilya Nila Judy Ann Santos Nakipag-Barilan Sa Birthday Celebration ni Lucho!

Lunes, Oktubre 17, 2022

/ by Lovely


Nitong nakaraang weekend ibinahagi ni Judy Ann Santos sa kanyang Instagram stories ang naging sport activities nila bilang pagdiriwang sa kaarawan ng kanilang anak na si Lucho.

Nagkaroon ng paintball gun fighting ang pamilya ni Juday at pamilya ng kanilang mga kaibigan. Game na game naman ang pamilya ni Juday sa pakikipaglahok sa nasabing activity. Makikita naman sa mga ibinahaging pictures at larawan sa social media na labis na nag-eenjoy ang buong pamilya.



Bago nila sinimulan ang paintball gun fighting, nagkaroon muna ng praktis ang mga kalahok. Bukod sa gun fighting may iba pang sport activities ang hinanda ng mag-asawa.

Samantala, tuwang-tuwa naman si Luna at nagpakitang gilas sa wall climbing. Proud naman itong kinunan ng video ng ina na ibinahagi sa kanyang social media account.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo