Nakakadurog Ng Puso Asawa Ni Andrew Schimmer Hindi Maganda Ang Kalagayan!

Lunes, Oktubre 17, 2022

/ by Lovely


Muling nagbigay ng update si Andrew Schimmer hinggil sa kalagayan ng kanyang asawa na si Jho matapos nila itong muling isugod sa hospital dahil sa mataas na lagnat at pagsusuka.

Matatandaang naiuwi na nila sa kanilang bahay si Jho noong nakaraang linggo. Ngunit, ginulat ni Andrew ang mga netizens ng ibalita niya kanina na muli nila itong isinugod sa hospital at hindi maganda ang lagay nito dahil sa pagtaas ng creatinine level.

Ayon kay Andrew, balik ICU na naman ang kanyang asawa. Samantala isa sa mga itinuturong dahilan ng pagkakahospital ngayon ni Jho ay ang diumano'y kapalpakan na nagawa ng isang nutritionist nito. Ayon sa ibinahaging video ni Andrew, mali ang prescription ng nutritionist nito kaya tumaas ang creatinine level nito. Dinagdagan ng nutrionist ng 6 grams of sodium ang prescription para sa diet ni Jho.

Dahil sa kapabayaan ng nutrionist ni Jho namanas ang buo nitong katawan. Labis naman na naaawa si Andrew sa kasalukuyang kalagayan ng kanyang asawa na sa halip na nagpapagaling na sa bahay nila ay muli na naman itong naipasok sa ICU. 

Muling humihiling ng dasal at tulong mula sa mga netizens para sa paggaling ni Jho.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo