Paolo Contis Harapang Minura Si Baron Geisler Sa Publiko!

Walang komento

Huwebes, Oktubre 13, 2022


Bigla na lamang minura ni Paolo Contis si Baron Geisler sa kanyang Facebook post dahil sa kanyang napanood.

Hindi napigilan ng aktor na si Paoli Contis ang kanyang sarili at minura ang kanyang kaibigan na si Baron Geisler matapos mapanood ang pelikula nitong Doll House. Sa Facebook post ni Paolo, ibinahagi niya ang kanyang larawan na naluluha habang punit-punit ang damit. 

Ayon sa caption nito, "Pun*eta ka Baron Geisler ang aga aga para sa ganitong emosyon! pati tshirt ko di kinaya yung acting mo! Congrats brother! Proud of you!"



 Ang pelikulang Doll House na pinagbibidahan ni Baron Geisler ay ilang araw ng number 1 trending sa Netflix Philippines. Lahat ng mga nakapanood ng nasabing pelikula ay napaluha. Umaani naman ngayon ng mga papuri si Baron dahil sa kanyang galing sa pagganap.

Samantala ni repost naman ni Baron ang naunang post ni Paolo. Ayon pa sa kanya, ay nais niyang makasama sa isang movie ang kaibigan. Isa din umano si Paolo sa mga naging inspirasyon ni Baron habang ginagawa ang pelikula.

Labis naman ang pasasalamat ni Baron sa lahat ng mga sumuporta at tumangkilik sa pelikula nilang Doll House.

Vice Ganda Nagsalita Na Sa Pag-alis at Pamamaalam Sa It's Showtime!

Walang komento


Usap-usapan ngayon sa social media ang isyu na iiwan na ni Vice Ganda ang It's Showtime. Halos dalawang linggo na kasing wala sa noontime show na It's Showtime si Vice Ganda.

May mga lumalabas na mga haka-haka na ang dahilan umano ay naimbyerna at may nakaaway si Vice na kapwa host sa nasabing show. Ayon naman sa ilang mga marites ay sinuspende umano ito sa show kaya nagresign na lamang. May ilan pang nagpapakalat na lilipat na umano ito sa AllTv.

Ngunit ang katotohanan ay busy lamang si Vice sa kanyang shoot sa pelikula nila ni Ivana Alawi. Ito ang unang pagkakataon na magkakasama sina Vice at Ivana sa isang pelikula. Ito rin ang comeback movie ni Vice bilang entry sa pamusong Metro Manila Film Festival.

Binigyang linaw din ni Vice na walang katotohanan na iiwan na niya ang It's Showtime. Samantala, nakarating kay Vice ang video na ipinost ni AC Soriano hinggil sa pagkamiss niya kay Vice Ganda dahil hindi niya ito nakikita sa It's Showtime.

Ayon kay Vice ay babalik siya sa Showtime soon.

"Awww!!! Dami ko lang labada at sinampay. Nag-uuulan pa. I'll be back soon. Love u!" tugon ni Vice sa video ni AC.



Hindi naman nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Vice sa iba pang isyu na kumakalat tungkol sa kanya ngayon. Ngunit, tila napaka-busy lamang nito ngayon dahil sa kanyang movie with Ivana at sa kanyang show na Everybody Sing.

Dating Beauty Queen👑 -Arestad0!

Walang komento


 Arestado sa kasong estafa ang dating Pilipina beauty queen.

Nitong nakaraang October 10, 2022, inaresto sa kasong estafa ang dating beauty queen na si Jewel Lobaton. Si Jewel ay kinoronahang Bb. Pilipinas Universe noong 1998. Siya rin ang dating asawa ni Sen. Koko Pimentel. 

Ayon sa ulat, inaresto si Jewel Lobaton dahil sa warrant of arrest na inissue noon pang 2018 ng Quezon City Regional Trial Court Branch 0226.

Si Jewel ay pinsang ni Angel Locsin. Noong 2000 ay kinasal sila ni Sen. Koko Pimentel. Sa taong 2011 nagdesisyon sila ng senador na maghiwalay. Ngunit noong 2018 lamang na-annull ang kanilang kasal.



Hindi Na Nakapagpigil Ruffa Nagulat Sa Ibinunyag Ni Yilmaz!

Walang komento


Marami sa mga netizens ang nakapansin sa tila pag-iiba ng aura ni Ruffa Gutierrez mula ng makabalik ito sa bansa matapos ang Europe vacation nila ng kanyang anak na si Venice.

Kapansin-pansin ngayon ang kakaibang glow ni Ruffa na tila ba ay inspired na inspired. Ayon pa sa post ni Ruffa sa kanyang social media accounts, nagnanais siyang mamaintain ang kanyang healthy body through balanced diet.

Hinuha tuloy ng mga netizens na may pinapagandahan ito. Dahil napaka-blooming nito at tila inspired na magpaganda pa lalo. Ayon pa sa ilang mga netizens na baka totoo ang naging usap-usapan online na nagkita sa Europe sina Ruffa Gutierrez at ang kanyang dating asawa na si Yilmaz Bektas.

Samantala, napansin naman ng ilan ang tila mga cryptic posts na ibinahagi ni Yilmaz sa kanyang social media account. Ayon sa ilang mga nakabasa nito ay tila ang nakaraan nila ni Ruffa ang tinutukoy nito at ang nakaraan nila ni Ruffa.

Matatandaang nagsalita na noon ang ina ni Ruffa na si Anabelle Rama na malaki na si Ruffa para magdesisyon kung sino ang nais niyang makasama. Hindi umano ito kailangan diktahan pa at hindi na niya kailangan na manghimasok pa.



Gabrielle Basiano National Costume Binabatik0s!

Walang komento


Tinaguriang pasabog Queen si Ms. Intercontinental Philippine Gabrielle Basiano. Matatandaang naging pasabog ang kanyang kalesa-inspired National Costume, sa salakot at sa mala-dyosang evening gown niya sa Bb. Pilipinas.

Subalit, nadismaya ang lahat sa naging National Costume ni Gabrielle sa ginanap na Ms. Intercontinental 2022 pageant. Marami sa mga pageant fans ang umasa na magiging pasabog ang National Costume ni Gabrielle Basiano sa Ms. Intercontinental. Lalo na't international pageant na ito.

Buong akala ng lahat na may pasabog na gagawin si Gabrielle dahil nakatago ang kanyang left hand. Ngunit, sumabog ang expectation ng lahat ng makita na waley at napaka-simple lamang pala ng national costume ni Gabrielle.

Akala umano nila na magta-transform ito at magiging Ibong Adarna. Hindi tuloy naiwasan ng mga netizens na ipagkumpara ang national costume ni Gabrielle sa Bb. Pilipinas at sa naging national costume niya sa Ms. Intercontinental. Ayon sa kanila, nawalan na ng ganda at tila gipit pa sa budget ang natcos niya. 

Tila hindi na talaga mababawi pa ang nangyari na sa National cosyume competition kaya naman hiling ng mga pageant fans, bawi na lang sa evening gown competition. Ngunit huwag umano masyadong umasa.



Watch ! Chikahan Nina Maja Salvador at Bea Alonzo Nag Viral !

Walang komento


Mainit na pinag-uusapan ang pag-guest ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa Eat Bulaga. Game na game na sumalang si Bea sa isang segment nito na Bawal ang Judgemental.

Samantala, ang mas pumukaw sa attention ng mga netizens ay ang video nina Maja Salvador at Bea Alonzo na kuha sa likod ng stage. Makikita sa nasabing video sina Maja Salvador at Bea Alonzo na nag-uusap, kasama nila rito sina Pauleen Luna at Ryza Mae Dizon na tila na starstruck kay Bea Alonzo.

Agad namang umani ng maraming views ang nasabing video sa Tiktok at nagkaroon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Napansin din ng iba tila walang naramdaman awkwardness sa pagitan nina Pauleen, Maja at Bea, na alam naman ng lahat na parehong ex ni Gerald Anderson.

Matatandaang na-issue noon na nililigawan ni Gerald si Pauleen Luna. Ngunit kalaunan ay itinanggi ito ng aktor.



ABS-CBN Nalagay Sa Malaking Eskan-dalo Dahil Sa Naging Pasabog Ni Rhys Miguel!

Walang komento


Mainit na usapin ngayon sa mundo ng showbiz ang mga ibinunyag ni Rhys Miguel tungkol sa umano'y pangmomolestiya sa kanya ng kapwa aktor na si Patrick Quiroz.

Ginulat ng Kapamilya actor na si Rhys Miguel ang mga netizens matapos ipahayag ang matagal na niyang inilihim na karanasan sa kapwa aktor na si Patrick Quiroz.

Samantala, agad namang naglabas ng statement ang ABS-CBN hinggil sa mga ibinulgar ni Rhys Miguel.

Ayon sa inilabas na statement ng ABS-CBN  na inilibas ngayong araw October 12, 2022, "Contrary to the claims made by Rhys Miguel on 11 October 2022, ABS-CBN Fil Productions, Inc. (AFPI) immediately conducted an investigation upon receiving his complaint in December 2020 and swiftly took appropriate action to protect the rights of everyone involved.

AFPI takes these matters seriously. The safety, dignity, and privacy of our people are our utmost priority." 



Base sa inilabas na pahayag ng ABS-CBN, nagkaroon na umano sila ng private investigation hinggil sa nasabing isyu.

Agad namang umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens, ayon sa ilan na dapat ay paimbestigahan itong mabuti. Dapat ay aksyunan ito ng maigi ng ABS-CBN lalo na't marami ang sangkot sa nasabing  isyu. Tila hindi rin nagustuhan ng mga netizens ang ginawang aksyon ng ABS-CBN dahil dapat umano sa mga taong kagaya kay Patrick ay ipinapakulong.

Bea Alonzo Kasama Si Alden Richards Sa Pag-Celebrate Ng Advance 35th Birthday!

Walang komento

Miyerkules, Oktubre 12, 2022


Nagkaroon ng advance celebration si Bea Alonzo para sa kanyang 35th birthday. 

Kasama ni Bea Alonzo sina Alden Richards at ang kanilang kasamahan sa Start Up PH. Isinabay nila ito sa kanilang huling taping sa Philippine adaptation ng Start Up.

Masaya nilang kinantahan ang aktres ng birthday song habang hawak ni Alden ang cake para kay Bea. Komento naman ng ilang mga  netizens, na sa kabila ng edad ni Bea Alonzo nananatili pa rin itong looking young and fresh na tila ba ay nasa 20's pa rin ito. Taliwas sa laging nakikita ni Manay Lolit Solis.



Kinunan Ng Video Ni Jake Ejercito si Ivana Alawi Habang Nagpupunas Sa Kama!

Walang komento


Kulitan nina Jake Ejercito at Ivana Alawi trending sa social media.

Ibinahagi ng co-star ni Ivana Alawi na si Jake Ejercito sa kanyang Instagram stories ang isang video. Kung saan makikita si Ivana Alawi na abalang-abala sa pagpupunas sa kama dahil may natapon dito. Biro ni Jake, tinagusan umano ni Ivana ang kama kaya abala ito sa pagpupunas.

Bilang ganti, ibinahagi rin ni Ivana Alawi sa kanyang Instagram stories ang video kung saan sinayaw nila ni Alora Sasam ang naging dance prod noon ni Jake sa ASAP.

Sina Ivana Alawi at Jake Ejercito ay magkasama sa teleserye ng ABS-CBN na A Family Affair. Matatandaang hindi ito ang unang pagkakataon na biniro ni Jake si Ivana Alawi.



Isang Babaeng Ka-Love Team Ni Patrick Quiroz Na Kasama Sa Pambubunyag Ni Rhys Miguel, Si Vivoree Ecslito?

Walang komento


Matapos ang ginawang rebelasyon ni Rhys Miguel laban sa aktor na si Patrick Quiroz. Maging ang kalove team nito sa He's Into Her na si Vivoree Ecslito ay nadadamay na rin sa isyu.

Mabilis na nagviral ang ginawang pag-amin ni Rhys Miguel sa kahalayang ginawa sa kanya ni Patrick Quiroz. Marami ang nagulat at tila hindi makapaniwala sa mga ipinahayag ni Rhys. Samantala, ayon sa naging pagbubulgar ni Rhys, nasabi niyang maging ang kalove-team nitong babae ay ginawan rin umano ni Patrick ng hindi maganda.

Wala mang binanggit na pangalan si Rhys kung sino ang babaeng kanyang tinutukoy. Agad nag-isip ang mga netizens na si Vivoree ito dahil ito ang naging ka loveteam ni Patrick sa He's Into Her. Maliban din umano kay Vivoree ay wala nang iba pang naging ka-love team si Patrick.

Agad namang nagtrending ang pangalan ni Vivoree, tanong ng mga netizens may katotohanan kaya ang mga paratang na ito Rhys Miguel kay Patrick Quiroz? Marami na rin kasi ang mga taong nadadamay sa isyung ito.



Roberta Tamondong Sinapian Ng Dugong Balinese, Gulat Lahat Bakit Niya Alam Ang Sayaw?

Walang komento


 Naging makulay ang naganap na Miss Grand International 2022 sa Bali Theatre sa Indonesia na pinamagatang Bali Agung The Grand Show.

Sa nasabing show ipinakita ng mga kandidata ang kakaiba at makulay na kultura ng mga Balinese. Nakasuot ang mga kandidata ng mga traditional Balinese wedding gowns.

Isa sa mga napansin ang maganda at magaling na kandidata mula sa Pilipinas na si Roberta Tamundong. Kapansin-pansin ang ipinakitang galing ni Ms. Roberta Tamundong sa pagsayaw ng Balinese. Komento pa ng ilang mga pageant fans na tila sinapian ito ng dugong Balinese dahil sa galing nito sa pagsaya na tila ay matagal na nitong ininsayo.



Kinalimutan Na! Heart Evangelista Hindi Binati Si Chiz Escudero Sa Kaarawan Nito!

Walang komento


Nakasanayan na ng mga tagahanga ng fashion icon at aktres na si Heart Evangelista ang kanyang pagbabahagi sa kanyang social media accounts ng mga updates tungkol sa kanyang buhay. Napaka-vocal din ni Heart sa pagpapakita ng kanyang pagmamahal sa mister na si Sen. Chiz Escudero.

Matatandaang noon pa man ay palaging binabati ni Heart ang asawang si Heart sa mahahalagang okasyon. Ngunit, matapos lumabas ang balitang hiwalay na sila ay tila nalimutan na rin ni Heart maging ang kaarawan ng mister.

Sa mga social media accounts ng aktres noong October 10, 2022, napansin ng mga netizens na hindi binati ni Heart si Chiz ni walang post ang aktres ng kahit anong pahiwatig tungkol sa kaarawan ni Chiz. Samantala, wala rin namang ibinahaging post na may naganap na pagdiriwang sa kanyang kaarawan si Sen. Chiz Escudero.

Gayunpaman, pagtatanggol ng mga fans ng aktres na baka naman umano ay binati ito ni Heart through private message.



Daddy Bae, Humihingi Ng Suporta Para Sa Anak Na Si Alden Richards!

Walang komento


Tila hindi na nagpapaawat sa pag-aasenso ang tinaguriang Asia's Multimedia Star at Pambansang Bae na si Alden Richards.

Pumasok nanaman sa isang panibagong negosyo ang aktor at napakalakas  ng pinasok nitong negosyo. Pumasok sa Real State business si Alden na ngayon ay may gumagawa at nagbibinta ng mga bahay.

Samantala, nagbahagi ng update ang ama ni Alden Richards sa mga social media accounts nito. Ibinahagi ng ama ni Alden ang isang larawan na kuha mula sa isang site ng ipinapatayong bahay. Makikita naman ang isang tarp sa likuran ng aktor kung saan nakalagay ang mga impormasyon sa ipinapatayong bahay.

Humihiling naman ang ama ni Alden na suportahan ng mga tagahanga ng kanyang anak ang negosyong pinasok ng anak.



Jane De Leon, Nilangaw Sa Bataan?

Walang komento


May mga ipinapakalat na mga haka-haka ngayon sa social media ang mga bashers ni Jane De Leon. Ayon sa kanila, nilingaw umano si Jane sa naging guesting sa Bataan.

Ayon kasi sa bali-balitang ipinapakalat ng mga bashers ng aktres, na panghuling artista umano si Jane kaya nang lumabas ito ay wala nang tao. Hindi umano inabangan doon ang aktres dahil kakaunti lamang ang supporters nito sa Bataan.

Agad namang umalma ang mga tagasuporta ni Jane at sinabing hindi ito totoo at pawang fake news ang bali-balitang nilayasan ito ng mga manonood roon. Kalakip nito ay ang mga larawan at video na nagpapakita na maraming tao ang sumalubong sa pagdating at pag-alis ni Jane sa nasabing event.

May pagkakataon pa umanong sabay-sabay na sumigaw ng Darna ang mga manonood. Pagdating pa lamang umano roon ng aktres ay kaagad nang nahiyawan ang mga tagahanga niya na naghihintay sa kanya.

Samantala, sa official Facebook page ni Jane, nagpasalamat siya sa mga dumalo. 

"MARAMING SALAMAT po sa pagmamahal at mainit na pagtanggap ninyo sa akin kagabi Limayans! Mahal ko rin po kayo."



Yari! Vhong Navarro Ayaw Pumayag Na Magpa Areglo Sa Kampo Ni Deniece!

Walang komento


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang kaso ni Vhong Navarro na isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo. Nitong Martes October 11, ginanap ang unang arraignment procedure ng korte para sa kaso ng aktor.

Subalit ang mga abogado lamang ng magkabilang panig ang dumalo sa korte. Naunang naghain ang kampo ni Vhong Navarro na kung maaari ay virtual na lamang siyang dadalo dahil sa umano'y banta sa kanyang kaligtasan. Pinagbigyan naman ito kaagad ng korte.

Samantala, ang hiling naman ni Deniece na sa virtual na lang din dadalo ay hindi pinagbigyan ng korte at inatasan na personal itong dadalo. Gayunpaman, tila nagmatigas pa rin si Deniece at hindi sumipot sa arraignment.

Sa kabilang banda ang labis na ikinagulat ng mga netizens ay ang pagbibigay ng opinyon ng lolo ni Deniece na si Atty. Axel Gonzales. Ayon dito, mas makakabuti kung isesettle at pag-usapan na lamang nina Deniece at Vhong ang dapat pag-usapan. Pagkatapos ay mag-move on na lamang umano ang dalawa.

Agad namang nagbigay ng pahayag ang kampo ng aktor at sinabing hindi sila papayag na makipag-areglo. Ayon sa kanila, patuloy silang lalaban upang mapatunayan na inosente ang aktor na pilit umanong sinisiraan ni Deniece.

Agad namang nagkomento ang ilang mga netizens at sinabing tila ay totoo ang chismis na talagang pera lamang ang habol ng grupo nina Deniece.



Detalye Sa Unang Araw Ng Arraignment Ni Vhong Navarro Vs Deniece Cornejo!

Walang komento


 October 11, 202, martes ng ala una y media ng hapon ginanap ng Taguig Regional Trial Court ang unang arraignment procedure sa pagitan nina Vhong Navarro at Deniece Cornejo. Marami naman ang nag-aabang sa nasabing proceedings dahil ito sana ang magiging unang pagtatagpo nina Deniece at Vhong matapos ang mahigit walong taon.

Ngunit ang inaasahang pagkikita ng lahat ay naudlot matapos hilingin ng kampo ni Vhong Navarro na via online lamang sila dadalo dahil sa umano'y banta sa kaligtasan ng aktor.

Samantala, ayon sa mga update mula sa ilang reliable source, naging mahinahon si Vhong Navarro ng ilatag sa kanya ang reklamong rape ni Deniece Cornejo. Hindi naghain ng plea ang aktor na nangangahulugang hindi nito inaako ang mga paratang ni Deniece laban sa kanya. Ang korte na mismo ang nag-enter ng not guilty plea kay Vhong Navarro na ikinatuwa naman ng kanyang mga tagasuporta.

Bagama't hindi ito nangangahulugan na makakalaya na ang aktor, natutuwa pa rin ang mga tagasuporta nito dahil nabigyan si Vhong ng pagkakataong maidipensa ang sarili sa muling paglilitis ng korte.



Ito Pala Ang Ginawa Ni Patrick Quiroz Kay Rhys Miguel!

Walang komento


 May nakakagulat na paglalahad ang dating Teen PBB Housemate na si Rhys Miguel tungkol sa umano'y ginawa sa kanya ng singer-actor na si Patrick Quiroz.

Ibinunyag ni Rhys Miguel sa publiko ang umano'y panmomolestiya sa kanya ni Patrick Quiroz habang siya ay natutulog. Detalyadong ibinahagi ni Rhys Miguel kung ano ang ginawa sa kanya ni Patrick. Nagising na lamang umano siya dahil tila may nagkukuskos sa kanyang pribadong parte.

Samantala, tila sinigundahan naman ito ni Erghyll Jeric Panganiban. Sa kanyang Facebook post sinabi niyang, "Finally nag salita ka rin bro Rhys Miguel, kala ko kakalimutan na lang natin hahah, no. Saksi kami niyan sa HIH and tinry niya din kami maging victim but he failed. Makikitulog daw siya etc sa room namin sa lock-in taping kasi closed na pinto nila and nung tulog ako nag attempt siya halikan ako and do his thing. “Namimiss ko lang kuya ko” yan sabi niya sakin. And after non di na ko nakatulog kahit may shoot kinabukasan, yes kaya mukhang puyat nung hih. Wala talagang tulugan para bantayan tong manyak na to."



Labis namang nagulat ang ilang mga netizens at tila hindi sila makapaniwala na ito pala ang gawain ni Patrick. Ang ilan ay tila natatawa pa sa paglalahad ni Rhys Miguel ngunit ayon sa isa pang commenter na ang ginawa ni Patrick ay hindi nakakatawa at dapat umano itong ipakulong kung totoo man ang paratang ni Rhys Miguel laban kay Patrick.

Rocco Nacino Proud Daddy ! Melissa Gohing Nanganak Na !

Walang komento


Proud na ibinahagi nina Rocco Nacino at Melissa Gohing ang unang mga pictures ng kanilang anak.

Sa Instagram, masayang ibinahagi ni Rocco ang panganganak ng partner na si Melissa Gohing sa kanilang first baby na pinangalanan nilang Ezren "EZ" Raffaello Gohing Nacino. Kalakip nito ang caption kung saan sinabi ni Rocco na ganap na silang pamilya.

"Now we are a Family.


Ezren "EZ" Raffaello Gohing Nacino

Oct 9, 2022.

Now life is more meaningful with you in our lives, our son.

Welcome to the world EZ!❤️

#LifeWithTheNacinos"

Makikita sa kanilang ibinahaging snap ang super cute nilang anak. Agad namang bumuhos ang congratulatory messages mula sa mga kaibigan at kasamahan ni Rocco sa showbiz. Maging ang mga fans ng aktor ay napakomento rin at masaya para sa aktor.


Mungkahi Ng Lolo Ni Deniece Cornejo Areglo Nalang! | Abogado Lang Ang Nakikinabang?

Walang komento


Nagsalita na ang lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales na sa kanyang opinyon mas nakakabuting pag-usapan na lamang nina Vhong Navarro at apong si Deniece Cornejo ang tungkol sa mga isinampang kaso ng isa't-isa.

Naitanong sa lolo ni Deniece Cornejo na si Atty. Axel Gonzales kung ano ang opinyon niya sa palitan ng mga isinampang kaso nina Deniece at Vhong Navarro sa isa't-isa. Ayon sa lolo ni Deniece, walang magandang kahihinatnan ang palitan ng kaso ng dalawa. Mas mabuti umanong isettle na lamang nila ang mga ito at mag move on.

Samantala, idiniin naman nito na ito'y base lamang sa kanyang opinyon at hindi umano niya pangungunahan ang bagong lead leagal counsel ni Deniece na si Atty. Calleja.



Nagbigay naman ng pahayag ang bagong abogado ni Deniece at sinabing hindi siya pabor sa pagpapasettle ng kaso. Ang nararapat umano para sa kanya ay ma-prosecute si Vhong Navarro at mapatunayan na totoong hinalay ni Vhong si Deniece.

Wala rin umano sa plano nila ang pakikipagsettle at hindi nila ito napag-uusapan.

Miss Grand International 2022 Roberta Tamondong Ala Katriona Slow Mo Rampa Sa Palayan!

Walang komento


 Tila nawawala na ng pag-asa ang ilang mga pageant fans sa pagkakasungkit ni Korona ng MGI ng sinumang kandidatang ipapadala ng Pilipinas rito. Hinuha kasi nila na sinasadyang hindi ibigay ni Mr. Nawat ang korona sa kandidata ng Pilipinas sa kabila ng pagiging magaling ng mga ito.

Sa kabila nito, tila hindi triggered si Roberta Tamundong, ang ipinadalang kandidata ngayon ng Pilipinas sa MGI, walang pag-aalinlangan at buo ang loob nito na ipakita ang kanyang galing. Bigay na bigay si Roberta sa kanilang daily activities sa Miss Grand International.



Samantala, ginanap kamakailan ang kauna-unahang sport wear competition ng MGI na ginanap sa Indonesia. Ipinakita ni Roberta ang kanyang ala-Catriona Gray walk na labis na hinahangaan ngayon ng mga pageant fans.

Ito Pala Ang Nais Ni Stella Araneta Na Gawin Sana Ni Nawat Itsaragrisil Sa Coronation Ng MGI!

Walang komento


Sa kabila ng pagdududa ng ilang mga pageant fans sa Pilipinas hinggil sa Miss Grand International ni Mr. Nawat umaasa pa rin si Stella Araneta na maging patas ito ngayon sa pagpili ng mananalong kandidata.

Matatatandaang, naging controversial ang MGI sa Pilipinas matapos ang ilang beses na umano'y pagkakaroon ng dayaan sa pagpili ng kokoronahang beauty queen. Ayon sa ilan, napaka deserving manalo ng mga kandidata mula sa bansa ngunit tila sinasadya ni Mr. Nawat  na hindi ito papanaluhin kahit placer man lang.

Samantala, nananatiling hawak ni Stella Araneta ang franchise ng Miss Grand International sa Pilipinas. Ayon kay Stella, hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa na magiging patas sa panahong ito ang pagpili sa kokoronahang Miss Grand International. Umaasa siya magiging patas ang tingin ni Nawat sa ipinadalang kandidata ngayon ng Pilipinas na si Roberta Tamundong.

Hiling naman ng Bb. Pilipinas Organization na nawa'y suportahan ng lahat ang ipinadalang kandidata ngayon ng bansa para sa MGI na si Miss Roberta Tamundong sa gaganaping coronation sa darating na October 25, 2022.



Heart Evangelista Hindi Binati Ng Birthday Greetings Si Chiz Escudero!

Walang komento

Martes, Oktubre 11, 2022


Mas lalong pinagtibay ni Heart Evangelista ang mga speculations ng mga netizens sa hiwalayan nila ni Chiz Escudero, matapos ang tila pangde-deadma nito sa kaarawan ni Sen. Chiz Escudero.

Tila nalimutan ng actress- fashion icon na si Heart Evangelista na batiin ang kanyang mister sa kaarawan nito. Sa alinmang social media accounts ni Heart walang makikitang mensahe ng pagbati para sa kaarawan nito kahapon. Ang makikita lamang sa social media posts nito ay ang kanyang mamahaling bags at mga produktong kanyang ini-endorso.

Lalo namang pinagtibay nito ang hinuha ng mga netizens na nagkakalabuan na ang dalawa at totoo ang tsismis na hiwalay na ang mga ito.

Samantala, pinaalalahanan naman si Heart ng ilang mga netizens sa tila nalimutang okasyon.



Kapamilya Star-Proud Lola's Boy!

Walang komento


Kamakailan, sa isang panayam inamin ng isang Kapamilya Star na isa siyang certified Lola's boy.

Ikinuwento sa isang panayam ng Kapamilya actor Zaijian Jaranilla na bata pa lamang siya ay iniwan siya ng kanyang mga magulang sa kanyang lola. Hindi naman umano siya nahihiya dahil rito. Bagkus ay proud niyang ibinahagi na isa siyang Lola's Boy.

"Ang nagpalaki po sa'kin yung lola ko. Lola's boy po talaga ako. Aware po ako na hiwalay yung mga magulang ko."

Kaya naman ng makapasok si Zaijian sa showbiz siya na ang naging bread winner ng kanilang pamilya. Ayon kay Zaijian, bago pa man siya naging sikat at pumatok ang kanyang unang teleserye na May Bukas Pa, ay umi-extra na siya sa iba pang mga teleseryes.

Hindi din naman umano siya nagtanim ng galit sa kanyang mga magulang sa pag-iwan ng mga ito sa kanya sa pangangalaga ng kanyang lola.



Vhong Navarro Di Naghain Ng Plea, Deniece Cornejo Hindi Rin Sumipot! Nabayaran Ba?

Walang komento


Itinakda ngayong araw ng Taguig Regional Trial Court ang arraignment sana ni Vhong Navarro sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo. Ito sana ang magiging unang paghaharap ng dalawa matapos ang muling pagbubukas ng kasong Rape at Act of Lasciviousness laban sa actor.

Ngunit hindi pumunta si Vhong Navarro sa nasabing arraignment para maghain ng kanyang plea dahil sa umano'y banta sa kanyang kaligtasan. Bagkus, ang kanyang abogado ang pumunta para maghain sana ng plea.

Matatandaang naging mainit na usapin ang umano'y pagkakaroon ng banta sa buhay ni Vhong na labis na ipinag-aalala ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Subalit, mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang balitang maging si Deniece Cornejo na siyang complainant ay hindi rin dumalo sa arraignment. Marami naman ang nagtataka kung bakit hindi ito sumipot gayung ito naman mismo ang dumidiin sa aktor at muling pinabuksan ang kaso matapos ang mahigit walong taon.

Hinuha tuloy ng ilan na tila ay nabayaran na si Deniece Cornejo. Matatandaang may mga lumabas na haka-haka na nais umano ni Deniece na bayaran ng pera kapalit ang kanyang pananahimik.



Andrew Schimmer May Nakakaiyak Na Anunsyo Tungkol Sa Lagay Kanyang Asawa!

Walang komento


Ibinalita kamakailan ni Andrew Schimmer ang latest update tungkol sa kalagayan ng kanyang misis. Matatandaang isinugod sa hospital ang asawa ni Andrew halos isang taon na ang nakakaraan dahil sa cardiac arrest at hypoxemia.

Ayon sa Facebook video ni Andrew dumating na ang isa mga araw na labis na hinihintay ng kanilang pamilya. Nito lamang ay pumayag na umano ang mga doctor ng kanyang asawa ni si Jorhomy "Jho" Rovero na idischarge ito. Halos isang taon din ang inilagi ni Jho sa St. Lukes Medical Center matapos itong maconfine noong November 2021.

Labis naman ang pasasalamat ni Andrew sa lahat ng nagpaabot ng tulong sa kanila. Lalong lalo sa mga nagbigay ng cash donations para matugunan nila ang iba't-ibang pangangailangan ni Jho habang nasa hospital. Matatandaang naging bukas sa publiko si Andrew sa kanilang sitwasyon at sa paghingi ng tulong mula sa mga netizens.

Mangiyak-ngiyak sa tuwa naman ang ilang mga netizens na nakasubaybay sa buhay ng mag-asawa.



Alex Gonzaga Nagbaba-La Sa Mga Netizens Na Wag Magpa Budol!

Walang komento


Nagbigay ng babala kamakailan ang comedian-host na si Alex Gonzaga tungkol sa mga manloloko online.

Tila may mga scammers kasi na ginagamit ang kanyang pangalan upang makapangloko ng mga tao. Sa kanyang tweet nilinaw ng aktres na wala siya ginagawang online contests. Nagpapalamat si Alex sa mga netizens na patuloy na nonood sa kanyang vlogs. Nilinaw din niya na wala siyang pa giveaways at pa raffle na iphone sa comment section at replies ng mga post niya. Kung sakali man umanong magpapa-raffle siya ay sa kanyang official IG account o sa mga vlogs niya ito ibabahagi.

Sinabi pa ni Alex na huwag magpapabudol sa mga taong manloloko.



Matatandaan si Alex Gonzaga ang bagong brand ambassador ng EverBilena.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo