Gabrielle Basiano National Costume Binabatik0s!

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Tinaguriang pasabog Queen si Ms. Intercontinental Philippine Gabrielle Basiano. Matatandaang naging pasabog ang kanyang kalesa-inspired National Costume, sa salakot at sa mala-dyosang evening gown niya sa Bb. Pilipinas.

Subalit, nadismaya ang lahat sa naging National Costume ni Gabrielle sa ginanap na Ms. Intercontinental 2022 pageant. Marami sa mga pageant fans ang umasa na magiging pasabog ang National Costume ni Gabrielle Basiano sa Ms. Intercontinental. Lalo na't international pageant na ito.

Buong akala ng lahat na may pasabog na gagawin si Gabrielle dahil nakatago ang kanyang left hand. Ngunit, sumabog ang expectation ng lahat ng makita na waley at napaka-simple lamang pala ng national costume ni Gabrielle.

Akala umano nila na magta-transform ito at magiging Ibong Adarna. Hindi tuloy naiwasan ng mga netizens na ipagkumpara ang national costume ni Gabrielle sa Bb. Pilipinas at sa naging national costume niya sa Ms. Intercontinental. Ayon sa kanila, nawalan na ng ganda at tila gipit pa sa budget ang natcos niya. 

Tila hindi na talaga mababawi pa ang nangyari na sa National cosyume competition kaya naman hiling ng mga pageant fans, bawi na lang sa evening gown competition. Ngunit huwag umano masyadong umasa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo