Watch ! Chikahan Nina Maja Salvador at Bea Alonzo Nag Viral !

Huwebes, Oktubre 13, 2022

/ by Lovely


Mainit na pinag-uusapan ang pag-guest ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa Eat Bulaga. Game na game na sumalang si Bea sa isang segment nito na Bawal ang Judgemental.

Samantala, ang mas pumukaw sa attention ng mga netizens ay ang video nina Maja Salvador at Bea Alonzo na kuha sa likod ng stage. Makikita sa nasabing video sina Maja Salvador at Bea Alonzo na nag-uusap, kasama nila rito sina Pauleen Luna at Ryza Mae Dizon na tila na starstruck kay Bea Alonzo.

Agad namang umani ng maraming views ang nasabing video sa Tiktok at nagkaroon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens. Napansin din ng iba tila walang naramdaman awkwardness sa pagitan nina Pauleen, Maja at Bea, na alam naman ng lahat na parehong ex ni Gerald Anderson.

Matatandaang na-issue noon na nililigawan ni Gerald si Pauleen Luna. Ngunit kalaunan ay itinanggi ito ng aktor.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo