Yari! Vhong Navarro Ayaw Pumayag Na Magpa Areglo Sa Kampo Ni Deniece!

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon sa social media ang kaso ni Vhong Navarro na isinampa ng dating modelo na si Deniece Cornejo. Nitong Martes October 11, ginanap ang unang arraignment procedure ng korte para sa kaso ng aktor.

Subalit ang mga abogado lamang ng magkabilang panig ang dumalo sa korte. Naunang naghain ang kampo ni Vhong Navarro na kung maaari ay virtual na lamang siyang dadalo dahil sa umano'y banta sa kanyang kaligtasan. Pinagbigyan naman ito kaagad ng korte.

Samantala, ang hiling naman ni Deniece na sa virtual na lang din dadalo ay hindi pinagbigyan ng korte at inatasan na personal itong dadalo. Gayunpaman, tila nagmatigas pa rin si Deniece at hindi sumipot sa arraignment.

Sa kabilang banda ang labis na ikinagulat ng mga netizens ay ang pagbibigay ng opinyon ng lolo ni Deniece na si Atty. Axel Gonzales. Ayon dito, mas makakabuti kung isesettle at pag-usapan na lamang nina Deniece at Vhong ang dapat pag-usapan. Pagkatapos ay mag-move on na lamang umano ang dalawa.

Agad namang nagbigay ng pahayag ang kampo ng aktor at sinabing hindi sila papayag na makipag-areglo. Ayon sa kanila, patuloy silang lalaban upang mapatunayan na inosente ang aktor na pilit umanong sinisiraan ni Deniece.

Agad namang nagkomento ang ilang mga netizens at sinabing tila ay totoo ang chismis na talagang pera lamang ang habol ng grupo nina Deniece.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo