Ito Pala Ang Ginawa Ni Patrick Quiroz Kay Rhys Miguel!

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


 May nakakagulat na paglalahad ang dating Teen PBB Housemate na si Rhys Miguel tungkol sa umano'y ginawa sa kanya ng singer-actor na si Patrick Quiroz.

Ibinunyag ni Rhys Miguel sa publiko ang umano'y panmomolestiya sa kanya ni Patrick Quiroz habang siya ay natutulog. Detalyadong ibinahagi ni Rhys Miguel kung ano ang ginawa sa kanya ni Patrick. Nagising na lamang umano siya dahil tila may nagkukuskos sa kanyang pribadong parte.

Samantala, tila sinigundahan naman ito ni Erghyll Jeric Panganiban. Sa kanyang Facebook post sinabi niyang, "Finally nag salita ka rin bro Rhys Miguel, kala ko kakalimutan na lang natin hahah, no. Saksi kami niyan sa HIH and tinry niya din kami maging victim but he failed. Makikitulog daw siya etc sa room namin sa lock-in taping kasi closed na pinto nila and nung tulog ako nag attempt siya halikan ako and do his thing. “Namimiss ko lang kuya ko” yan sabi niya sakin. And after non di na ko nakatulog kahit may shoot kinabukasan, yes kaya mukhang puyat nung hih. Wala talagang tulugan para bantayan tong manyak na to."



Labis namang nagulat ang ilang mga netizens at tila hindi sila makapaniwala na ito pala ang gawain ni Patrick. Ang ilan ay tila natatawa pa sa paglalahad ni Rhys Miguel ngunit ayon sa isa pang commenter na ang ginawa ni Patrick ay hindi nakakatawa at dapat umano itong ipakulong kung totoo man ang paratang ni Rhys Miguel laban kay Patrick.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo