Vhong Navarro Di Naghain Ng Plea, Deniece Cornejo Hindi Rin Sumipot! Nabayaran Ba?

Martes, Oktubre 11, 2022

/ by Lovely


Itinakda ngayong araw ng Taguig Regional Trial Court ang arraignment sana ni Vhong Navarro sa kasong isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo. Ito sana ang magiging unang paghaharap ng dalawa matapos ang muling pagbubukas ng kasong Rape at Act of Lasciviousness laban sa actor.

Ngunit hindi pumunta si Vhong Navarro sa nasabing arraignment para maghain ng kanyang plea dahil sa umano'y banta sa kanyang kaligtasan. Bagkus, ang kanyang abogado ang pumunta para maghain sana ng plea.

Matatandaang naging mainit na usapin ang umano'y pagkakaroon ng banta sa buhay ni Vhong na labis na ipinag-aalala ng kanyang mga kaibigan at pamilya.

Subalit, mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga netizens ang balitang maging si Deniece Cornejo na siyang complainant ay hindi rin dumalo sa arraignment. Marami naman ang nagtataka kung bakit hindi ito sumipot gayung ito naman mismo ang dumidiin sa aktor at muling pinabuksan ang kaso matapos ang mahigit walong taon.

Hinuha tuloy ng ilan na tila ay nabayaran na si Deniece Cornejo. Matatandaang may mga lumabas na haka-haka na nais umano ni Deniece na bayaran ng pera kapalit ang kanyang pananahimik.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo