Jane De Leon, Nilangaw Sa Bataan?

Miyerkules, Oktubre 12, 2022

/ by Lovely


May mga ipinapakalat na mga haka-haka ngayon sa social media ang mga bashers ni Jane De Leon. Ayon sa kanila, nilingaw umano si Jane sa naging guesting sa Bataan.

Ayon kasi sa bali-balitang ipinapakalat ng mga bashers ng aktres, na panghuling artista umano si Jane kaya nang lumabas ito ay wala nang tao. Hindi umano inabangan doon ang aktres dahil kakaunti lamang ang supporters nito sa Bataan.

Agad namang umalma ang mga tagasuporta ni Jane at sinabing hindi ito totoo at pawang fake news ang bali-balitang nilayasan ito ng mga manonood roon. Kalakip nito ay ang mga larawan at video na nagpapakita na maraming tao ang sumalubong sa pagdating at pag-alis ni Jane sa nasabing event.

May pagkakataon pa umanong sabay-sabay na sumigaw ng Darna ang mga manonood. Pagdating pa lamang umano roon ng aktres ay kaagad nang nahiyawan ang mga tagahanga niya na naghihintay sa kanya.

Samantala, sa official Facebook page ni Jane, nagpasalamat siya sa mga dumalo. 

"MARAMING SALAMAT po sa pagmamahal at mainit na pagtanggap ninyo sa akin kagabi Limayans! Mahal ko rin po kayo."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo