Nagbigay ng pahayag ang anak si Cherie Gil na si Bianca Rogoff hinggil sa biglaang pagpanaw ng kanyang ina. Ayon sa post na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account, "Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who expressed their concern for Cherie during this difficult time.
Update Anak Ni Cherie Gil Na Si Bianca Rogoff Nagsalita Na!
Walang komentoLunes, Agosto 8, 2022
Denden Lazaro Nagsalita Na! Nainis Sa Mga Fans Ni Deanna Wong!
Walang komentoNagbigay ng pahayag si Denden Lazaro patungkol sa mga fans ni Deanna Wong. Ayon sa kanya, naiinis siya sa mga sumisigaw na 'sayaw ka naman Deanna' o 'tingin ka dito Deanna'. Hindi ba umano alam ng mga ito na hindi pagsayaw o pagkanta para sa kanila ang ipinunta roon ni Deanna? Hindi umano naroon si Deanna para mag-entertain sa kanila kundi para maglaro at nakaka-distract lamang umano ang mga ito.
Ipinagdiinan din nito na naroon sila para sa trabaho. Naroon sila para maglaro at hindi para mag-entertain ng fans na pinapasayaw o kung ano pa man ang mga request nito sa kanila. Dahil wala naman umano sila sa isang mall show kundi nasa isang game.
Ayon pa sa kanya, nagpapakita umano ang mga fans na ito ng kawalang respeto at hindi ito ang proper etiquette when watching a game. Dahil nakakadistract din umano ito sa iba pang manlalaro. Kawalan ng respeto din umano ito sa iba pang nanonood ng game na nais makapag-focus sa laro.
Nakakaiyak! Jaya Nasunog Ang Bahay Sa Amerika!
Walang komentoIbinahagi ng singer na nasunugan siya ng bahay sa America sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Makikita sa ibinahaging larawan ni Jaya ang naidulot na pinsala ng sunog sa kanilang tirahan. Matatandaang, lumipat sila sa Amerika nitong nakaraang taon at nagdesisyon na doon na muna manirahan.
Hindi naman sinabi ng singer kung ano ang naging sanhi ng sunog ngunit, ayon sa kanya ligtas naman silang lahat at walang nasaktan sa nasabing pangyayari.
"God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!," post ni Jaya sa kanyang Instagram.
Labis-labis ang pasasalamat ni Jaya sa Panginoon dahil sa kabila ng pagkasunog ng kanilang bahay ay ligtas naman silang lahat.
Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at tagahanga ni Jaya.
Barbie Imperial Hanip Sa Pagtuw@d!
1 komentoSabado, Agosto 6, 2022
Muling pinainit ni Barbie Imperial ang mundo ng social media sa mga bagong ibinahagi niyang videos at larawan gamit ang kanyang Instagram account.
Ibinahagi ni Barbie sa kanyang Instagram account ang ilang larawan kung makikitang nakaluhod at nakatuwad siya sa buhangin habang nakasuot ng seksing damit. Makikita sa nasabing mga larawan ang hubog ng katawan ng dalawa na lalong ikinahanga ng kanyang mga fans.
Nakadagdag din umano sa karisma nito at kaseksihan ang kulay orange nitong buhok.
Komento ng ilang mga netizens na tila isang lioness umano itong handang manlapa at lumaban. Bagay na bagay din umano rito ang kulay ng kanyang buhok na tila nakakadagdag sa hotness na ipinapakita nito sa larawan.
Ginawa ni Ivana Alawi kay Mommy Fatima Viral!
Walang komentoTrending ngayon at kinaaliwan ng mga netizens ang bagong Tiktok video ni Ivana Alawi. Umani agad ito ng million views at mga komento mula sa mga netizens.
Kasama ni Ivana Alawi sa nasabing video ang kanyang Mommy Fatima. Ayon sa caption ni Ivana sa nasabing video, nais niyang i-rate ng kanyang Mommy Fatima ang kanyang pagsasayaw. Seryoso naman na pinapanood ni Mommy Fatima si Ivana dahil sa kahilingan nito sa kanya.
Hindi naman alam ni Mommy Fatima na bigla na lamang hihilain ni Ivana ang buhok niya kaya naman agad itong gumanti ng hila sa buhok ni Ivana. Kinaaliwan naman ng mga netizens ang nakitang closeness at goodvibes mula sa dalawa.
Tunay Na Ama Ni Vanessa Raval Lumantad Na Sa Publik0!
Walang komentoKamakailan lamang ay ginulat ni Jeric Raval ang publiko ng kanyang isiniwalat na hindi kasali si Vanessa Raval sa labinwalong anak. Marami naman ang hindi nakapaniwala sa nasabing ito ni Jeric dahil makikita naman na magkamukha sila.
Naganap ang nasabing pagbubunyag ni Jeric, ilang araw matapos inamin ni Vanessa na gumagawa lamang siya ng isyu para mailipat sa kanya ang atensyon ng publiko at hindi si AJ Raval ang pagtuunan ng mga ito. Itinanggi naman ni AJ makalipas ang ilang araw na malapit sila ni Vanessa sa isa't-isa at wala umano silang kinalaman sa mga isyung pinaggagawa nitong kwento tungkol sa isang rapper na nangungulit umano sa kanya.
Nang tanungin ni Ogie Diaz si Jeric on-cam tungkol kay Vanessa ay sinabi nitong ayaw niya itong pag-usapan.
Samantala, inamin umano ni Jeric Raval off-cam kay Ogie Diaz na hindi niya totoong anak si Vanessa Raval. Anak umano ito ng isang pinsang buo niya at nakikitatay lamang sa kanya. Dagdag pa umano ni Jeric na hindi naman niya ito itatanggi kung totoong anak niya ito.
Ngunit, matapos kumalat ang balitang ito, nagbigay naman kaagad si Vanessa Raval ng pahayag at pinagdidiinang totoo siyang anak ng ama niya si Jeric Raval.
Nagbigay naman ng komento ang ilan tungkol sa pahayag na ito ni Vanessa. Ayon sa kanila, nalaman na ng publiko na nakakapagsinungaling ito. Kaya naman, hindi na nila alam kung ano ang totoo at hindi sa mga sinasabi nito at tila nahihirapan na umano ang ibang maniwala kay Vanessa Raval.
4 Na Sang'gre Pumili Na Ng Nais Nilang Maging Susunod Na Sang'gre!
Walang komentoSa naging panayam sa mga gumanap bilang Sanggre ng Encantadia noong 2016, na sina Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia, naitanong sa kanila na kung papipiliin sila kung sino ang gaganap bilang sanggre sino ito.
Ang napili ni Glaiza De Castro na gaganap bilang anak Danaya ay sina Jillian Ward, Bianca Umali at Sofia Pablo. Ang tatlong napili naman ni Kylie Padilla ay sina Faith Da Silva, Julie Anne San Jose at Bianca Umali.
Pinag-iisipan naman ni Elena, Gabbi Garcia sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Althea Ablen. Samantala, napili naman ni Sanya Lopez sina, Zephanie, Bianca Umalia at Althea Ablen.
Sa kanilang apat, may isang artistang napupusuan nilang apat na maging anak nila at susunod na hahawak sa kani-kanilang brilyante. Ito ay walang iba kundi si Bianca Umali.
Samntala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa panig ni Bianca Umali na siya ang napiling gaganap na Sanggre. Ngunit may ilang post mula sa kanyang social media accounts na nagpapakita na tila naghahanda siyang sumabak sa isang action role. Makikitang nagsasanay si Bianca ng martial arts gamit ang arnis.
Matatandaang arnis ang gamit na sandata ni Sanggre Danaya sa Teleseryeng Encantadia. Inaabangan naman ngayon ng mga solid fans ng Encantadia kung paano magku-krus ang landas ng bagong Sanggre sa ina nitong si Sanggre Danaya.
Mapapanuod Na Sa GMA7 Ang ABSCBN's Child Star?
Walang komentoPinag-uusapan ngayon sa social media ang tungkol sa kumakalat na balitang may isang child Star mula sa Kapamilya network na mapapanood na sa GMA7.
Ayon dito, mapapanood umano ang nasabing child star mula sa ABS-CBN sa isang afternoon drama series ng GMA7 na Abot Kamay na Pangarap. Makakasama rin umano nito ang veteran actor ng GMA7 na si Dominic Ochoa sa isa pang proyekto sa nasabing network.
Ang child star na ito ay walang iba kundi si Heart Ramos. Unang nakilala si Heart Ramos sa hit Kapamilya series na My Dear Heart na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Bella Padilla noong 2017. Napabilang din ito sa cast ng isa pang hit teleserye ng ABS-CBN na Nang Ngumiti ang Langit.
Prof. Antonio Contreras Nag React Sa Maid in Malacanang Movie!
Walang komentoLabis ang kasiyahan ng mga bumubuo ng pelikulang Maid in Malacanang sa tagumpay na tinatamasa nito ngayon sa takilya. Lalong lalo na ang mga cast ng nasabing pelikula at higit sa lahat ng direktor nitong si Direk Darryl Yap.
Labis din silang natutuwa at nagpapasalamat sa mainit na pagtanggap at pagsuporta sa kanila ng mga mga Davao.
Sa naging update ng Direktor mula sa kanyang Facebook page, sinabi nitong hamagulgol ang kanilang mga kili-kili sa init ng suporta mula sa mga taga-Davao dahil sa rami ng mga nanonood kasabay ng premiere night ng pelikula roon.
Lalo pang tumataas ang kita ng pelikula sa paglipas ng mga araw. Ngayon, umabot na sa 63 million ang income nito ayon mismo sa update ng Viva Films.
Samantala, isang magaling na Professor ang nagbigay ng reaction tungkol sa pelikulang Maid in Malacanang. Kung saan pareho niyang napanood ang pelikulang Katips at Maid in Malacanang.
Ayon sa kay Prof. Antonio Contreras, "Dahil napanood ko ang "Maid" at "Katips" ay mas may K akong mag-compare. Ito lang masasabi ko. Mas marami pang revisionism akong nakita doon sa hindi ko inasahang magkakaroon ng revisionism."
Sumang-ayon naman ang kilalang writer ng GMA7 na si Suzette Doctolero sa naging komentong ito ni Antonio at sinabing nakita rin umano niya ang sinasabi ni Antonio Contreras.
Miss Earth Philippines 2022 Announcement of Winners!
Walang komentoGinanap ngayong araw, August 6, 2022 sa Tag Resort Coron, Palawan ang grand finals ng Miss Earth 2022 pageant. 39 candidates mula sa iba't-ibang lugar sa bansa, ang nagnanais na makasungkit ng korona.
Ito ang unang pagkakataon mula noong nagka-pandemic na nagkaroon ng physical competition. Matatandaan mula ng kumalat ang Covid-19 nagkaroon na lamang ng virtual competition para sa pagpili ng makokoronahang Miss Eartth Philippines Queens.
Waging Miss Earth Philippines Eco Tourism 2022 si Nice Lampda ng Bayugan City. Itinanghal namang Miss Earth Philippines Fire 2022 si Erika Vina Tan ng Legazpi City. Kinoronahan naman bilang Miss Earth Philippines Water2022 si Angeline Mae Santos ng Trece Martires City, habang waging Miss Earth Philippines Air 2022 naman ang kandidata mula sa Jasaan, Misamis Oriental na si Jimema Tempra.
Kinoronahan naman bilang Miss Earth Philippines 2022 ang kandidata mula sa Santa Ignacia, Tarlac na si Jenny Ramp. Jenny Ramp as the Miss Earth 2022 will represent the Philippines sa gaganaping Miss Earth pageant na gaganapin sa ating bansa sa mga susunod na buwan.
Cherie Gil Binawian ng Buhay Sa Edad Na 59 Dahil Sa Cancer!
Walang komentoIsang nakakalungkot na balita. Pumanaw na si Cherie Gil sa edad na 59 nitong Byernes, August 5, 2022 bandang 5 ng hapon.
Ibinahagi ng talent manager na si Anabelle Rama ang tungkol sa nakakabiglang balita ng pagpanaw ng Veteran and award winning actress na si Cherie Gil sa pamamagitan ng kanyang social media account.
Matatandaang, nagtungo si Cherie Gil sa America at nagdesisyon na doon na lamang manirahan kasama ng kanyang mga anak. Kasabay nito, nagpakalbo ang aktres na ayon sa kanya ay simbolo ng bagong simula ng kanyang buhay sa ibang bansa.
Ibenenta rin nito ang kanyang mga kagamitan at ari-arian sa pamilya bago ito nagtungo sa New York.
"May mga nagsasabi kasi marami akong pera but in fact, they don't know anything. I'm just a human being. We go through the same ropes of the downs, the highs and the lows. I am not going to be surprised if I die a pauper, but I have lived a life," pahayag noon ni Cherie.
Komento naman ng ilan, tila nagpapahayag na pala noon si Cherie Gil na may iniinda na siyang karamdaman at maaring mawala na lamang bigla.
Huling nagbahagi ng larawan si Cherie Gil sa kanyang social media accounts noong June 19. Nakangiti man ito sa nasabing larawan ngunit kapansin-pansin naman ang malaking pagbabago sa kanyang itsura. May mga kumakalat namang mga balita na cancer umano ang naging sanhi ng pamamaalam nito.
Matagal na umanong tinatago at iniinda ni Cherie ang nasabing karamdaman. Itinago pa nito sa pamamagitan ng pagpapakalbo ang kanyang kalagayan.
Ang kapatid ni Cherie Gil na si Mark Gil ay pumanaw rin dahil sa sakit na kanser na inilihim rin sa publiko at ipinalabas lamang na namatay ito habang natutulog.
Reaction Ni Dina Bonnevie Sa Biglaang Pagpanaw Ng Kaibigang Si Cherie Gil!
Walang komentoSa Instagram, inalala ni Dina Bonnevie ang kanilang pagkakaibigan ng yumaong veteran actress na si Cherie. Sabado ng madaling araw ibinahagi ni Dina sa kanyang Instagram account ang kanyang huling mensahe at pamamaalam sa kanyang dear friend na si Cherie Gil. Ikinuwento rin nito ang lalim ng kanilang pagkakaibigan.
"It is with a very sad heart that I need to say goodbye to a very dear friend this morning. Cherie as you know in French, means “dear.” That is what you are to me. I will never forget all the times we slept together ( you , Shawie and I ) at my house when we were filming “Sana’y Wala Nang Wakas” ….You were more than a friend to me, you were my sister, my first mentor in singing, you helped me believe in myself, my dreams, my goals. You were my critic and my fan, never afraid to tell me the truth if you felt I could do better and never stingy for words of praise if I did well. We shared so many stories, insights, analyzed so many matters in our lives together , we even helped one another pick up the pieces of our broken lives then. I remember taking care of Jamie when we were both living in the same condo building and you taking care of me when I was recovering from my broken marriage. You taught me how to let go and be brave to face life’s challenges. We were teachers to one another , always observing life as it unfolds and learning from our experiences along the way on how to be better at everything … even at laughing at ourselves and our silly decisions at times. We believed that we always had to search for our higher selves and what purpose we had to fulfill in life and most of all what we could impart to this world as our contribution, our legacy. I remember how we talked about that in length when I visited you in Italy. I have so many memories of all of our conversations, our joys, our sorrows, laughter and pain. You did your part my dear sister and friend, though your life was not perfect because no one’s life is anyway; you gave your all in everything you did. You did your best despite the circumstances at hand. You were always true and present in mind, body and spirit. That was your legacy! Kudos to you my dearest! I will truly miss you!! I love you, Cherie! Rest now in God’s loving arms where there is everlasting peace. Till we meet again."
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan ni Cherie nang makasama niya ito sa Sana'y Wala Nang Wakas movie na pinagbidahan nila kasama si Sharon Cuneta. Sa nasabing post isiniwalat ng aktres ang mga natutunan at naitulong ni Cherie sa kanya sa loob ng kanilang pagkakaibigan. Kabilang na ang pagtulong umano nito noong nagre-recover pa lamang siya mula sa kanyang broken marriage with Vic Sotto.
Nakakaiyak Na Tagpo Huling Pagdalaw ni Sharon Cuneta Kay Cherie Gil, Bago Nawalan Ng Buhay Sa Amerika!
Walang komentoBumungad ang nakakaiyak na tagpo para sa mga tagahanga nina Sharon Cuneta at Cherie Gil. August 5, 2022 bandang alas 5 ng hapon binawian ng buhay ang sikat na kontrabidang si Cherie Gil sa edad na 59 dahil sa kanser. Nakadalaw pa umano si Sharon Cuneta sa kanyang kaibigang si Cherie Gil bago ito mawalan ng buhay.
Si Sharon Cuneta ay kasalukuyang nasa Amerika dahil katatapos pa lamang ng kanilang concert kasama si Regine Velasquez roon. Matatandaang, hindi nakasama si Sharon sa pag-uwi ni Regine dito sa bansa dahil nagkasakit ito roon at kailangan pang mag-stay upang magpagaling.
Sa Instagram post ni Sharon Cuneta, makikita siya na nasa tabi ng hospital bed. Hindi naman ipinakita sa nasabing larawan ni Cherie Gil ngunit base sa expression ni Sharon mahihinuhang tila naghihirap na sa panahong iyon ang yumaong aktres. Sa pagkakataong ito, nagpapaalam na si Sharon sa kanyang malapit na kaibigan.
Ayon sa caption ng nasabing post ni Sharon Cuneta sa Instagram, "I flew to New York early yesterday with a heavy heart, still forcing it to hang on to that sliver of hope of God performing a miracle& allowing you to pull through this. I am eternally grateful to Him for giving us the few hours we spent together…the love& words yet again exchanged in person…the knowledge that the friendship forged when we were very young was stronger& would only keep getting so…You told me about your tree to heaven outside of your apartment window which I didn’t get to see. We said “I love you”& I said I’d see you again today…& you raised both arms and gave me the thumbs up with both hands. Then barely eleven hours after I left you, I was awakened by his call saying you had passed…I leave New York now with a much heavier heart than ever before…because now I am leaving YOU with the knowledge that I will NEVER see you again…I cannot process it. It seems so unfair. It will never be the same without you. I will never be the same without you. I told you that you had to fight, please, because you couldn’t leave me & that you were my partner, that there is no one like you…You said yes. But God took you home, took all your pain away. I will never get to feed you ice chips again. Or share most everything else with you. Your kids are strong & love you so much. Mike &I won’t have to keep our talks about you a secret anymore like we did while taping our show. But I don’t know how we would want to. I thank God I was with your Dad& Mom& R& all your kids to ‘see you off’ -but I am not happy. My heart is in pieces again & now I dunno how to put it back together anymore-because among the many loved ones I have lost these past few years, you were &always will be one of my most loved…a most important part of my life & my history.Of my heart. I love you so very much. It is the end of an era now that you’ve left us…What will I do without you now, Love? My true screen partner, a true friend, ninang of Simone…I miss you so terribly& know it will only get worse. Be at peace in God’s loving arms, my Cheech…I’ll see you again someday. I will love you with all my heart, forever. Thank you for everything."
Matapos umano ang 11 hours ng pagdalaw niya kay Cherie, ginulat siya ng isang tawag at ibinalitang wala na ito. Labis na nalulungkot si Sharon sa pagkawala ng kanyang malapit na kaibigan na kung tawagin niyang screen partner.
Nakakaiyak! Cherie Gil Ito Pala Ang Totoong Dahilan Ng Kanyang Pagkawala!
Walang komentoDahilan ng pagkamatay ni Cherie Gil isinapubliko na.
Ikinagulat ng maraming netizens ang balitang pagpanaw ng Veteran Kontrabida actress na si Cherie Gil. Ang kanyang pagpanaw ay kinumpirma ng kaibigang si Anabelle Rama. Ayon dito, pumanaw kahapon, August 5, 2022 ang aktres bandang alas 5 ng hapon.
Matatandaang, nagulat ang publiko ng nagpakalbo kamakailan si Cherie Gil. Ayon kay Cherie, ang pagpapakalbo ang simbolo ng pagsisimula niya ng bagong buhay sa America. Pumunta sa America si Cherie upang doon na manirahan at upang makasama ang kanyang pamilya.
Naguguluhan naman ang ilang mga netizens at nagtatanong kung ano ang dahilan ng pagkamatay nito. Sa kasalukuyan ay hindi pa nagbibigay ng update ang pamilya ng aktres hinggil sa totoong cause of death nito. Ngunit, hinuha ng ilan na baka umano ay may sakit na kanser ang aktres na naging dahilan ng kanyang biglang pagkawala.
Ito rin umano ang isa sa mga naging dahilan kung bakit nagpakalbo ito. Ito rin ang dahilan kung bakit biglang nagpunta si Cherie Gil sa America at iniwan ang hindi pa natatapos na teleseryeng No Regrets.
Labis namang nagdadalamhati ang pamilya ni Cherie Gil sa kanyang pagkawala. Nagpaabot naman ng pakikiramay ang mga kaibigan at mga tagahanga ng aktres para naiwang pamilya nito.
Kim Chiu Ginawang Sapatos Ang Plastic Bags at Rumampa Sa Amerika!
Walang komentoBiyernes, Agosto 5, 2022
Usap-usapan ngayon sa social media ang pagrampa ni Kim Chiu sa Amerika habang nakasuot ng mga plastics bags bilang sapin sa paa.
Makikita sa kanyang Instagram post ang ginawang improvise outfit matapos mabasa sa ulan. Ayon sa caption niya sa nasabing post, "DISNEY WORLD FASHION WEEK!!! ✨ 😅 celebrating 50 years of Disney!!! Category is BAGYO CHRONICLES! ⚡️
akala ko effect ng Disney yung ulan. For reals pala!😅 ootd 1 or 2??? Which one is the best???? 😅 haha got the full experience of Florida weather 🔥☀️ and 🌧⚡️ . Take it to the runway!!!😅 thanks @danabinnie for the videos and photos!😁"
Marami Nagulat at Nalungkot, Komedyanteng Si Brod Pete Namaalam Na Sa Showbiz!
Walang komentoMatapos ang halos apat na dekadang pagtatrabaho sa mundo ng showbiz, komedyanteng si Brod Pete nagpasya nang magretiro. Marami naman sa mga tagahanga at tagasuporta nito ang labis na nalungkot.
Sa pamamagitan ng isang Facebook post noong August 3 ipinabatid ni Brod Pete ang kanyang desisyon na magretiro na sa mundo ng showbiz. Matapos ang apat na taong pagtatrabaho sa showbiz nakapagpasya na siya iwan ang mundo ng showbiz. Ayon pa rito, tanggap na umano niyang laos na siya bilang komedyante.
Balak niyang ituon na lamang ang kanyang atensyon sa ngayon sa kanyang hilig sa musika. Naikwento din nito ang pagtatangkang pasukin ang mundo ng pulitika ngunit, hindi siya pinalad na maging konsehal sa siyudad ng Marikina.
Sa ngayon nais niyang mag-conduct ng online writing workshop para sa kabataang mahilig magsulat. Ituturo umano niya ang lahat ng kanyang natutunan sa comedy writing sa loob ng mahabang panahon.
Matatandaang, nagsimula si Brod Pete noong 1980's bilang script writer at comedy writer sa ilang mga set com. Naging hea writer din siya sa longest running show na Bubble Gang. Naging co-host din siya sa Kapuso weekly show na Celebrity Bluff.
Encantadia Writer Na Si Suzette Doctolero Nag React Matapos Mapanood Ang Maid in Malacanang
Walang komentoEncantadia writer na si Suzette Doctolero naglabas ng pahayag gamit ang kanyang social media account matapos mapanood ang controversial movie na Maid in Malacanang.
Ayon sa kanyang ibinahaging pahayag, "Pinanood ko rin kanina ang MIM.
Sa nasabing pahayag sinabi ng writer na malinaw sa filmmaker kung sino ang audience nito at walang pretension ang nasabing pelikula. Malinaw umano sa pelikula na ito ay ang galing sa point of view ng mga Marcos. Sa huli, malinaw na sinabi ng writer na walang historical distortion at walang paninira sa mga madre. Iniingganyo rin nito ang publiko na manood sa nasabing pelikula.
Agad namang nagbigay ng pasasalamat sa writer ang Vincentiments. Pinuri rin nito si Suzette at tinawag bilang isang Ace storyteller ng GMA7.
Insecure Sa ABS-CBN Ang GMA7?
Walang komentoDalawang taon na ang lumipas mula ng mawalan ng prangkisa ang ABS-CBN at nawala sa free TV. Ngunit, hanggang ngayon ay patuloy paring pinagkukumpara ang mga show nito sa mga show mula sa GMA7.
Makikita sa mga social media platforms na patuloy pa ring pinagkukumpara ang dalawang network sa pamamagitan ng TV ratings survey results. Ano nga ba ang dahilan nito?
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbigay ng pahayag ang isang writer ng GMA at sinasabing nangunguna sa ratings ang mga palabas ng GMA7 na kapareho sa timeslot ng Ang Probinsyano ng ABS-CBN.
Bwelta naman ng ilang mga netizens, dalawang taon nang wala sa free TV ang ABS-CBN at ito ang naging dahilan kung bakit ang mga shows na ng GMA ang nangunguna sa ratings. Wala na umanong kakompetensya ang GMA7 sa free TV kaya naman dapat nang itigilan ng mga ito ang pagkukumpara ng mga ratings.
Ang mga shows ng ABS-CBN ay mapapanood na lamang sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Iwantv, A2Z at ngayon sa TV5.
Ibinunyag ni Direk Darryl Yap Ang Dahilan sa Paggawa Niya sa Maid in Malacanang Movie! Awa sa mga Marcos!
Walang komentoSa naging interview ni Boy Abunda kay Direk Darryl Yap, na direktor ng pelikulang Maid in Malacanang, tila dito niya ibinulgar ang naging dahilan niya kung bakit ginawa niya ang nasabing pelikula. Ito umano ay dahil sa kilala niya sa personal ang mga Marcos.
Ayon kay Direk Darryl Yap nais niyang bigyan ng 'humanity' ang mga Marcos. Binasura umano ng Direktor ang kanyang mga research hinggil sa mga ito. Sa nasabing mga research ipinakilalang mga inhuman umano ang mga Marcos sa mahabang panahon, na tila ang tingin sa sarili ay parang royalty. Hindi umano niya ito nagustuhan at ninais na gawin naman ang mga itong 'human'.
Kaya naman, naisip ng Director na ang mga kasambahay nila sa panahon nila sa Malacanang ang lubos na nakakakilala sa mga ito.
Hindi naman umano nababago ang kasaysayan sa simpleng pag-iyak lamang ni Imee Marcos na umalis na sila. Hindi din naman umano nababago ang kasaysayan, kung ang mga naging kasambahay ng mga Marcos ay nais makipaglaban at protektahan sila.
"May nabago bang kasaysayan dahil sa mga ito?" ito ang tanong ng Director sa mga taong nagsasabing historical distortion ang kanyang pelikula.
Dagdag pa ng Director, ang ikinagagalit ng iba ay dahil inisip at inakala nila na ang mga Marcos ay walang puso at ang pagiging diktador lamang ang alam.
Tila dumating na ang panahon na malaman naman ng sambayanang Pilipino ang side ng mga Marcos sa mga nangyari sa nakaraan.
Vanessa Raval Nagsalita Na Hinggil Sa Balitang Hindi Siya Anak Ni Jeric Raval!
Walang komentoVanessa Raval nagbigay na ng pahayag at nilinaw na ang balita tungkol sa umanong pagtanggi ni Jeric Raval sa kanya. Ito ngayon ang usap-usapan lalo na ang mga nakakakilala sa pamilya Raval. Matatandaang sa isang videong ipinalabas ni Ogie Diaz, nabanggit niya roon na hindi umano tunay na anak ni Jeric Raval si Vanessa. Ito ay nanggaling umano mismo kay Jeric Raval sa kanyang interview rito.
Ayon umano kay Jeric, anak si Vanessa ng isang pinsan niyang buo at nakikitatay lamang ito sa kanya. Ngunit, ngayong araw ay pinabulaanan ito ni Vanessa. Ayon kay Vanessa tunay siyang anak ni Jeric Raval. Sa katunayan, magkapatid umano silang buo ni AJ.
Ayon pa sa kay Vanessa, isa siya sa limang anak ni Jeric Raval kay Alyssa Alvarez. Sa kanyang pahayag idiniin niyang totoo siyang anak ni Jeric. Hinikayat din niya ang mga netizens na panoorin ang video ni Ogie Diaz. Ang sinabi lamang umano ng kanyang amang si Jeric na 'let's not talk about her' at normal lamang umano iyon dahil sa iskandalong ginawa niya sa social media.
Fake news lamang umano ang mga kumakalat na articles na nagsasabing itinanggi siya mismo ng kanyang amang si Jeric Raval. Naiintindihan naman umano ni Vanessa kung bakit ayaw siyang pag-usapan ng kanyang ama dahil mauungkat lamang ang nakakahiyang ginawa niya kamakailan. Ayon pa kay Vanessa, kung siya man ang nasa posisyon ng kanyang ama, ayaw niya na ring pag-usapan ang tungkol sa kanyang anak.
Confident naman si Vanessa na hinding-hindi siya itatanggi ng kanyang ama talagang sensitive lamang umano ito ngayon dahil sa kanyang isyu. Sa katunayan, nakakausap umano niya ang kanyang ama at wala itong sinabing hindi siya nito anak.
Sa huli, pinagdiinan ni Vanessa na nagalit lamang ang kanyang ama ngunit hindi siya itinakwil nito.
Grabe Maid in Malacanang Bumulusok 41 Million Kinita Sa 2 Days Palang Sen. Imee Marcos Nagpasalamat
Walang komentoLubos ang pasasalamat ng mga bumubuo ng pelikulang Maid in Malacanang. Lalong-lalo na ang director nitong si Darryl Yap at ang producer nitong si Vic Del Rosario ng Viva Films.
Sa caption ng isang larawan kung saan makikita ang total gross income ng Maid in Malacanang na umabot sa 41 million pesos sa loob lamang ng dalawang araw na pagpapalabas sa mga sinehan sa buong bansa. Labis naman ang pasasalamat ng Viva Films sa lahat ng sumuporta sa nasabing pelikula.
Ayon sa naging post ng Viva Films, "P41 Million Total Gross To Date In 2 Days!
Nagbigay naman ng suporta at pasasalamat si Sen. Imee Marcos sa pamamagitan ng kanyang Facebook page sa lahat ng tumangkilik at nanood sa Maid in Malacanang Movie. May ilan namang mga OFW ang humihiling na sana'y maipalabas naman ang nasabing pelikula sa ibang bansa.
Komento naman ng ilang mga netizens na tiyak lalaki pa ang magiging income ng movie dahil dalawang araw pa lamang itong ipinapalabas nakakuha na ng 41 million.
Ngunit may isa namang netizen na nagkomentong kaya lumaki ang kita ng pelikula dahil binibili ng mga Marcos ang tickets at ipinamimigay sa mga tao. Dagdag pa nito, may nakita umano siyang isang babae sa sinehan na namimigay ng pera kapalit ng panonood ng Maid in Malacanang.
Samantala, sa kabila ng malaking kita ng Maid in Malacanang marami pa ring bumabatikos at sinasabing dinadaya lamang ng mga Marcos ang publiko at isang historical distortion ang ginagawa ng mga Marcos.
Just in ! Barbie Imperial 24th Birthday Celebration With Rumored Boyfriend Na Si Toni Labrusca!
Walang komentoBarbie Imperial nagdiwang ng kanyang ika-24 na kaarawan noong Martes August 2 kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan.
Ibinahagi ni Barbie sa Instagram ang ilang mga snaps mula sa kanyang party na ginanap sa isang luxury hotel. Caption nito sa kanyang Instagram post, "Kinda wanna go back to last night!! So much fun! Thanks to everyone who came to celebrate my 24th birthday with me."
Dumalo sa celebration ang ilang mga kaibigan kabilang na sina Zeinab Harake, Chie Felomino, Marco Gumabao, Isabe Oli at maraming iba pa.
ABS-CBN at TV5 Partnership- Tuloy Na! Wala Nang Makakapigil?
Walang komentoPartnership ng ABS-CBN at TV5 natuloy na.
Inabot man ng mahigit isang taon ang pag-uusap ng TV5 at ABS-CBN, natuloy rin ang kanilang partnership.
Ayon sa mga kumakalat na balita, sinisikap ng dalawang media company na mapirmahan ang kanilang partnership. Ito ay mangyayari umano sa katapusan ng buwan ng Agosto o sa unang linggo ng Setyembre dahil kailangan pang sundin ang mga probisyon sa batas ng Bayanihan 2.
Sa naganap na financial briefing ng isang kompanya ni Manny Pangilinan, TV5 Chairman sinabi niyang malapit nang maisakatuparan ang partnership agreement ng ABS-CBN at TV5.
"It's fair to characterize that we're at the closing stages. I think the likelihood of an agreement with them is mataas at malapit na," pahayag ni Manny Pangilinan.
Ang kasunduan nila ay mamumuhunan ang ABS-CBN sa TV5. Kung saan hawak ng ABS-CBN ang 35|% stake at hawak naman ng TV5 ang 65% stake. Ito ay ayon sa paglilinaw ng Chairman ng TV5 na si Manny Pangilinan.
"Ang modelo na ginagawa namin ay ito ay magiging joint venture sa pagitan ng TV5, gamit ang platform ng TV5 bilang free-to-air broadcast platform ng parehong TV5 at PLDT Group at ng ABS-CBN Group."
Paglilinaw pa nito, hindi nila inaacquire ang ABS-CBN maging ang mga shares nito kundi nag-iinvest lamang ang ABS-CBN sa TV5.
Grabe Ka Na Hipon Girl! Billboard Ni Herlene Budol, Nagkalat Na Sa EDSA!
18 komentoBb. Pilipinas 2022 First Runner up Herlene Nicole Budol proud na ibenandera ang kanyang billboard.
Ilang araw matapos ang Bb. Pilipinas 2022 coronation night patuloy pa rin ang pag-iingay ng pangalan ni Bb. Pilipinas 2022 First Runner up Herlene Nicole Budol. Siya ay isa sa mga kandidatang sinusubaybayan sa nasabing pageant. Consistent ang pagpapasabog ni Herlene mula sa kanyang pag-aaudition hanggang sa makoronahang first runner up ng nasabing pageant.
Viral ngayon ang mga billboards ni Herlene Nicole Budol. Sa post nito sa kaniyang social media accounts, nagpapasalamat si Herlene sa lahat ng kanyang mga fans na patuloy ang pagsusuporta sa kanya.
"Isang ordinaryong squammy nangarap. Ngayong nasa LED billboard na Hipon Girl niyo."
Nagpasalamat din si Herlene sa JAG jeans at sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino. Ayon kay Herlene ang kanyang manager ang tumupad sa kanyang mga pangarap. Sa comment section ng nasabing post, nagkomento ang manager ni Herlene at sinabing labis na proud ito sa kanya.
Hindi lamang ang mga pamilya at kaibigan ni Herlene ang proud sa dalaga, maging ang kanyang mga solid supporters, labis din ang saya sa narating ni Herlene Budol ngayon.
Winner Dapat Si Herlene, Dahil Daw Dito Kaya Siya Hindi Pinanalo, Posible Kaya?
17 komentoIsang Canadian pageant enthusiast ang nagbigay ng honest opinion kung bakit hindi nakakuha ng major award or crown si Herlene Budol sa katatapos lamang na Bb. Pilipinas 2022 pageant.
Humanga si Luis Portela sa ipinamalas na galing ni Herlene sa kabila ng mga negatibong opinyon na ibinabato sa kanya. Matatandaang pinagsalitaan si Herlene na hindi qualified sa mga standards ng pagiging beauty queen.
Ayon pa dito, naiiba si Herlene kaya marami ang humahanga sa kanya sumusuporta sa kanya dahil sa kanyang personality. Nang makita din ni Luis na halos lahat ng minor awards ay napunta kay Herlene, nag-expect na umano siya na makakakuha si Herlene ng isang major awards at korona.
Matatandaan, na sa bawat pageant halos lahat ng nakakakuha ng mga minor awards ang makokoronahan at tatanggaling winner. Nagiging factor kasi ang mga minor awards sa pagdedetermine kung sino ang magiging winner.
Ang posible umanong dahilan kaya hindi nakakuha ng major award si Herlene at itinanghal lamang bilang 1st Runner up ay ang controversial photoshoot niya gamit ang Afro hairstyle. Matatandaang kumalat iyon sa social media, kaya naman opinyon ni Luis kung sasabak si Herlene sa international pageant at mauungkat ang nasabing kontrobersiya lalong bababa at mababash si Herlene.
Opinyon ni Luis, dapat nagsorry man lang si Herlene at umaming maaring may nasaktan sa kanyang ginawa ngunit tila binalewala lamang ni Herlene ang kontrobersiyang iyon.
Sa kabilang banda, nanalo naman si Herlene bilang first runner up at nag-uwi ng maraming minor awards. Napatunayan rin niya na may ibubuga siya at taliwas sa sinabi sa kanya ni Ms. Manila noon na hindi siya qualified kahit ang nanay niya mismo ang magpa-pageant.
Just in ! Cesar Montano Naging Emosyonal Sa Kanyang 60th Birthday Celebration !
Walang komentoHuwebes, Agosto 4, 2022
Masaya si Cesar Montano na ipagdiwang ang kanyang espesyal na araw kasama ang kanyang mga anak. Nagpost ang aktor ng ilang mga snap mula sa kanyang 60th birthday celebration.
Caption nito, "I can’t be more happy with my children all present on my birthday. I love you so much guys! You are my life true blessings and treasure. Thank you for joining your dad’s especial day. God bless you."
Hindi napigilan ni Cesar ang kaligayahan na makapiling ang kanyang mga anak na itinuturi niyang pinakamalaking biyaya. Matatandaang unang buwan ng taon ito muling nakipag-ugnayan si Diego sa kanyang ama matapos ang pitong taong pagkakawalay.
Ito Pala Ang Tunay Na Ikinagalit Ng Mga Madre Sa Mahjong Scene Kay Cory Aquino Sa Maid in Malacanang
Walang komentoUmani ng kaliwa't kanang pambabatikos mula sa mga netizens ang pelikulang Maid in Malacanang. Kung saan mapapanood ang isang eksenang nagmamahjong ang karakter na kahawig ni Dating Pangulong Cory Aquino kasama ang mga madre.
Makikita sa isang eksena ng pelikulang Maid in Malacanang ang pakikipaglaro ng mahjong ni Dating Pangulo Cory Aquino sa ilang mga madre sa Cebu. Nangyari umano ang nasabing eksena noong kasagsagan ng People Power Revolution noong February 1986.
Ang nasabing eksena ay inalmahan ng mga madre sa Carmelite Monastery sa Cebu. Tila pinapalabas sa pelikula na nakikipag mahjong lamang si Dating Pangulo Cory kasama ang mga madre habang may nangyayaring crisis sa bansa.
Sa official statement na inilabas ng isang madre na si Sr. Mary Melanie Costillas Prioress ng Carmelite Monastery sa Mabulo, Cebu City, sinabi niyang bagama't hindi nakasuot ng kanilang brown religious habit ang mga madre sa eksena, kung layunin nitong ipakita ang nangyari noong February 1986 masyado umanong halata na sila ang tinutukoy sa eksena na kasama ang dating pangulo.
Iginiit din niya na hindi man lamang sila nilapitan ng production team ng pelikula para tanungin kung ano ang totoong nangyari sa mga panahong iyon. Gayung ang ilang mga madre na nakasama noon ni Dating Pangulong Cory ay nabubuhay pa. Dagdag pa niya, hindi umano makatwiran ang pagtatangka ng pelikula na baluktutin ang kasaysayan.
Aniya, ang paglalarawan sa kanyang kasamahang madre na naglalaro ng mahjong kasama ang dating pangulo ay malisyoso. Dahil nagmumungkahi itong, habang ang bansa ay nasa panganib, nakuha pa nilang maglaro ng mahjong.
Taliwas din umano ng ipinapakita ng pelikula ang tunay na nangyari, dahil noong kunupkop nila ang Dating Pangulo sila ay nagdasal, nag-ayuno at nagsagawa ng mga sakripisyo para sa kapayapaan ng bansa at para manaig ang desisyon ng sambayanang Pilipino.
Samantala, nagsalita naman ang direktor ng pelikulang si Darryl Yap, kaugnay sa pahayag ng madre. Sa kanyang pahayag sinabi ng direktor na hindi niya naisip na kailangan pang kunsultahin ang mga Carmelite Sisters tungkol sa eksena. Iginiit din niya na walang Carmelite Sisters na nabanggit sa pelikula. Pero kung kailangan talaga umano niyang kumonsulta sa isang madre sa paggawa ng kanyang pelikula. Hihingi umano siya ng payo mula kay Valak na kilala bilang evil nun sa pelikulang The Conjuring.
Inimbitahan pa ng direktor ang mga Carmelite Sisters na panoorin ang pelikula.
Ang pelikulang Maid in Malacanang ay tumatalakay sa untold stories ng huling 72 hours ng mga Marcos sa loob ng Malacanang bago sila lumikas papuntang Hawaii noong EDSA Revolution noong 1986.Pagsisiwalat! Vanessa Raval Hindi Pala Tunay Na Anak Ni Jeric Raval!
Walang komentoGumagawa ng ingay ngayon ang social media personality na si Vanessa Raval. Nakilala ito bilang kapatid ng sexy actress na si AJ Raval at anak ng dating action star na si Jeric Raval.
Maingay ang pangalan ni Vanessa Raval sa social media matapos nitong idawit ang pangalan ng ilang mga social media influencers. Ayon sa kanya may isang sikat na rapper ang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng pagkakaroon nito ng relasyon sa iba.
Dahil sa isyung kinakaharap ngayon ni Vanessa, napag-uusapan din ang tungkol sa kanyang kinalakihang ama na si Jeric Raval.
Sa isang episode ng Youtube vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila si Jeric Raval at Vanessa Raval. Pagbubulgar ni Ogie, sa isang interview niya kay Jeric Raval naitanong niya rito kung totoong anak ba nito si Vanessa Raval.
Noong una'y tumanggi pa umano ang aktor na pag-usapan si Vanessa ngunit kalaunan ay inamin umano mismo ni Jeric Raval na hindi nito anak si Vanessa Raval. Ayon mismo kay Jeric isang pinsang buo niya ang totoong ama ni Vanessa Raval at nakikitatay lamang sa kanya ang dalaga. Sinabi rin ni Jeric na hinding-hindi niya itatangi si Vanessa kung ito ay tunay niyang anak.
Naging malapit lamang talaga ang dalaga kaya kung titingnan ay tunay na mag-ama sila. Maging si Vanessa ay totoong ama ang turing kay Jeric Raval. Matatandaang, ipinagmalaki pa ni Vanessa na maganda ang lahi ng kanyang amang si Jeric Raval.
Samantala sa nasabing interview kay Jeric Raval, sinabi ng dating aktor na nagtataka siya kung bakit nga ba iyon ginawa ni Vanessa at kung bakit nagsasalita ito ng ganun sa social media. Hindi din umano nito alam kung bakit ganun na lamang ang asta ni Vanessa sa publiko.
Hindi naman natuwa ang ilang mga netizens sa pagsisiwalat na ito ni Jeric Raval at sinabing hindi naman mabuting itanggi nito ang kanyang anak na si Vanessa na nagmamalasakit sa kanilang pamilyas. Kaya gumawa ng kwento upang matakpan ang isyung pagbubuntis ni AJ Raval.
Maid in Malacañang Dinumog Ng Manonood, Bumaha Ang Mga Luha at Nagpalakpakan
Walang komentoDinagsa ang mga sinehan sa unang araw ng pagpapalabas sa controversial movie na Maid in Malacanang. Ibinahagi ng Facebook page na Vincentiments angmga larawang kuha mula sa iba't-ibang sinehan sa buong bansa.
Makikita sa mga nasabing larawan ang haba ng pila ng mga manonood. May ilan pang sinehan na sold out na ang mga tickets. May ibinahagi rin silang video clip kung saan makikita na nagpapalakpakan ang mga tao sa loob ng sinehan nang matapos ang pelikula.
May isang nanay namang ininterview dahil nakita itong umiiyak habang papalabas ng sinehan. Nadala lamang umano siya sa palabas at nalungkot sa mga nangyari sa Pamilyang Marcos sa mga oras na iyon.
Samantala, naiinis at nagagalit naman ang ilang mga kakampinks sa pagpapalabbas ng pelikulang Maid in Malacanang na ayon pa sa kanila, isang historical distortion. Pawang mga kasinungalingan lamang umano ang makikita sa nasabing pelikula at tila ginawa lamang upang mang-inis at hindi isang work of art.
Ngunit, dahil sa panggagalaiti nila lalong naingganyo ang karamihan na panoorin ito kaya naman dinumog at pumatok ito sa takilya.
Samantala, diretsahan namang nagbigay ng pahayag si Elizabeth Oropesa na isa ring cast ng pelikula. Ayon sa kanya ang pagpapanood ng pelikulang ito ay isang chance upang makita at malaman ang side ng mga Marcos sa panahong iyon. Sinabi rin nito na panahon na upang malaman naman ng sambayanan ang side nila ng storya na hindi naman nailathala sa mga libro.
Ayon pa kay Elizabeth, hindi naman ito 100% dahil sa mga ginagawang cinematic lines. Ngunit, ipinagdidiinan niyang base ang kaganapan sa buong katotohanan. Sa huli, taos pusong nagpapasalamat ang aktres sa lahat ng mga nanood ng pelikulang Maid in Malacanang.