4 Na Sang'gre Pumili Na Ng Nais Nilang Maging Susunod Na Sang'gre!

Sabado, Agosto 6, 2022

/ by Lovely

Sa naging panayam sa mga gumanap bilang Sanggre ng Encantadia noong 2016, na sina Sanya Lopez, Glaiza De Castro, Kylie Padilla at Gabbi Garcia, naitanong sa kanila na kung papipiliin sila kung sino ang gaganap bilang sanggre sino ito.

Ang napili ni Glaiza De Castro na gaganap bilang anak Danaya ay sina  Jillian Ward, Bianca Umali at Sofia Pablo. Ang tatlong napili naman ni Kylie Padilla ay sina  Faith Da Silva, Julie Anne San Jose at Bianca Umali.

Pinag-iisipan naman ni Elena, Gabbi Garcia sina Bianca Umali, Kyline Alcantara at Althea Ablen. Samantala, napili naman ni Sanya Lopez sina, Zephanie, Bianca Umalia at Althea Ablen.



Sa kanilang apat, may isang artistang napupusuan nilang apat na maging anak nila at susunod na hahawak sa kani-kanilang brilyante. Ito ay walang iba kundi si Bianca Umali.

Samntala, wala pa namang kumpirmasyon mula sa panig ni Bianca Umali na siya ang napiling gaganap na Sanggre. Ngunit may ilang post mula sa kanyang social media accounts na nagpapakita na tila naghahanda siyang sumabak sa isang action role. Makikitang nagsasanay si Bianca ng martial arts gamit ang arnis.

Matatandaang arnis ang gamit na sandata ni Sanggre Danaya sa Teleseryeng Encantadia. Inaabangan naman ngayon ng mga solid fans ng Encantadia kung paano magku-krus ang landas ng bagong Sanggre sa ina nitong si Sanggre Danaya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo