Xian Lim Napikon Sa Hirit Ni Kim Chiu

Martes, Pebrero 20, 2024

/ by Lovely


 Matagal ring nanahimik at umiiwas ang Kapuso actor na si Xian Lim patungkol sa isyu at mga katanungan sa kanya patungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang long time girlfriend na si Kim Chiu.


Matatandaan na noon pa mang unang napapabalita ang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim ay nakakatanggap na ng pambabatikos ang aktor dahil siya ang tinuturong dahilan ng mga netizens sa naging dahilan ng hiwalayan nila.


Ayon sa mga lumalabas na tsika, wala umanong balak ang aktor na pakasalan si Kim Chiu kahit pa matagal na ang kanilang relasyon at pareho naman na silang mga financially stable.


May mga haka-haka pa na palihim umanong nakikipagkita si Xian Lim sa ibang babae kaya naman madali lamang sa kanya ang magdesisyon na makipaghiwalay kay Kim Chiu.


Samantala, matagal namang nanahimik si Xian Lim patungkol sa mga isyung ito at iniiwasan pa niya ang mga katanungan ng press people at maging ng mga netizens na patungkol sa naging relasyon nila ni Kim Chiu.


Tanging pahayag lamang noon ni Xian Lim na may dahilan ang panginoon kaya nangyari sa kanila ni Kim Chiu kaya naman ayaw na lamang niya itong pag-usapan pa.


Naka-turn off rin ang comment section ng Instagram account ni Xian Lim upang makaiwas na rin sa mga katanungan ng mga netizens at fans ng aktres.


Gayunpaman, tila unti-unti nang nawawalan ng pasensya ang aktor dahil sa kanyang kamakailang Instagram post, ibihagi niya ang isang philosophy insight mula kay Haruki Murakami kung saan inilahad nitong, 'But we cannot simply sit and stare at our wounds forever'.


Hinala ng mga netizens na magsasalita na umano ngayon si Xian Lim dahil sa pagkakalink ng kanyang pangalan sa isang writer na si Eris Lee. Tila pinapahiwatig rin umano ni Xian Lim na talagang nakapag-move on na siya naging hiwalayan nila ni Kim Chiu at mayroon nang babae na ipinalit niya sa dating pwesto ng aktres sa kanyang puso.


Bukod pa rito, may mga ibinahagi ring post si Xian Lim patungkol sa inswcurities na mula naman sa mga naging pahayag noon nina Angelina Jolie at Chris Martin.


Hanggang ngayon ay marami pa rin ang nanghihinayang sa nangyaring hiwalayan sa pagitan ng dating celebrity couple na sina Xian Lim at Kim Chiu subalit, tila unti-unti na rin itong natatanggap ng mga totoong nagmamahal sa dalawa dahil na rin makikita namang maayos na ang mga buhay ng mga ito ng magkahiwalay.


Ayon naman sa mga netizens na isa si Xian Lim sa mga taong madaling makalimot sa mga kabiguan niya sa buhay lalo na sa pag-ibig, habang si Kim Chiu naman ay nangangailangan ng mahabang proseso para tuluyang makapagmove on sa isang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo