Tunay Na Ama Ni Vanessa Raval Lumantad Na Sa Publik0!

Sabado, Agosto 6, 2022

/ by Lovely

Kamakailan lamang ay ginulat ni Jeric Raval ang publiko ng kanyang isiniwalat na hindi kasali si Vanessa Raval sa labinwalong anak. Marami naman ang hindi nakapaniwala sa nasabing ito ni Jeric dahil makikita naman na magkamukha sila.

Naganap ang nasabing pagbubunyag ni Jeric, ilang araw matapos inamin ni Vanessa na gumagawa lamang siya ng isyu para mailipat sa kanya ang atensyon ng publiko at hindi si AJ Raval ang pagtuunan ng mga ito. Itinanggi naman ni AJ makalipas ang ilang araw na malapit sila ni Vanessa sa isa't-isa at wala umano silang kinalaman sa mga isyung pinaggagawa nitong kwento tungkol sa isang rapper na nangungulit umano sa kanya.

Nang tanungin ni Ogie Diaz si Jeric on-cam tungkol kay Vanessa ay sinabi nitong ayaw niya itong pag-usapan.

Samantala, inamin umano ni Jeric Raval off-cam kay Ogie Diaz na hindi niya totoong anak si Vanessa Raval. Anak umano ito ng isang pinsang buo niya at nakikitatay lamang sa kanya. Dagdag pa umano ni Jeric na hindi naman niya ito itatanggi kung totoong anak niya ito.

Ngunit, matapos kumalat ang balitang ito, nagbigay naman kaagad si Vanessa Raval ng pahayag at pinagdidiinang totoo siyang anak ng ama niya si Jeric Raval.



Nagbigay naman ng komento ang ilan tungkol sa pahayag na ito ni Vanessa. Ayon sa kanila, nalaman na ng publiko na nakakapagsinungaling ito. Kaya naman, hindi na nila alam kung ano ang totoo at hindi sa mga sinasabi nito at tila nahihirapan na umano ang ibang maniwala kay Vanessa Raval.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo