Pagsisiwalat! Vanessa Raval Hindi Pala Tunay Na Anak Ni Jeric Raval!

Huwebes, Agosto 4, 2022

/ by Lovely

Gumagawa ng ingay ngayon ang social media personality na si Vanessa Raval. Nakilala ito bilang kapatid ng sexy actress na si AJ Raval at anak ng dating action star na si Jeric Raval.

Maingay ang pangalan ni Vanessa Raval sa social media matapos nitong idawit ang pangalan ng ilang mga social media influencers. Ayon sa kanya may isang sikat na rapper ang nagkakagusto sa kanya sa kabila ng pagkakaroon nito ng relasyon sa iba.

Dahil sa isyung kinakaharap ngayon ni Vanessa, napag-uusapan din ang tungkol sa kanyang kinalakihang ama na si Jeric Raval.

Sa isang episode ng Youtube vlog ni Ogie Diaz, napag-usapan nila si Jeric Raval at Vanessa Raval. Pagbubulgar ni Ogie, sa isang interview niya kay Jeric Raval  naitanong niya rito kung totoong anak ba nito si Vanessa Raval.

Noong una'y tumanggi pa umano ang aktor na pag-usapan si Vanessa ngunit kalaunan ay inamin umano mismo ni Jeric Raval na hindi nito anak si Vanessa Raval. Ayon mismo kay Jeric isang pinsang buo niya ang totoong ama ni Vanessa Raval at nakikitatay lamang sa kanya ang dalaga. Sinabi rin ni Jeric na hinding-hindi niya itatangi si Vanessa kung ito ay tunay niyang anak.



Naging malapit lamang talaga ang dalaga kaya kung titingnan ay tunay na mag-ama sila. Maging si Vanessa ay totoong ama ang turing kay Jeric Raval. Matatandaang, ipinagmalaki pa ni Vanessa na maganda ang lahi ng kanyang amang si Jeric Raval.

Samantala sa nasabing interview kay Jeric Raval, sinabi ng dating aktor na nagtataka siya kung bakit nga ba iyon ginawa ni Vanessa at kung bakit nagsasalita ito ng ganun sa social media. Hindi din umano nito alam kung bakit ganun na lamang ang asta ni Vanessa sa publiko.

Hindi naman natuwa ang ilang mga netizens sa pagsisiwalat na ito ni Jeric Raval at sinabing hindi naman mabuting itanggi nito ang kanyang anak na si Vanessa na nagmamalasakit sa kanilang pamilyas. Kaya gumawa ng kwento upang matakpan ang isyung pagbubuntis ni AJ Raval.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo