Nakakaiyak! Jaya Nasunog Ang Bahay Sa Amerika!

Lunes, Agosto 8, 2022

/ by Lovely


Ibinahagi ng singer na nasunugan siya ng bahay sa America sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Makikita sa ibinahaging larawan ni Jaya ang naidulot na pinsala ng sunog sa kanilang tirahan. Matatandaang, lumipat sila sa Amerika nitong nakaraang taon at nagdesisyon na doon na muna manirahan.

Hindi naman sinabi ng singer kung ano ang naging sanhi ng sunog ngunit, ayon sa kanya ligtas naman silang lahat at walang nasaktan sa nasabing pangyayari.

"God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!," post ni Jaya sa kanyang Instagram.



Labis-labis ang pasasalamat ni Jaya sa Panginoon dahil sa kabila ng pagkasunog ng kanilang bahay ay ligtas naman silang lahat.

Agad namang bumuhos ang mga mensahe ng pakikiramay mula sa mga kaibigan at tagahanga ni Jaya.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo