Ipinapakita ang mga post na may etiketa na throwback1x. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na throwback1x. Ipakita ang lahat ng mga post

Coco Martin, Ilang Beses Na Ni-Reject Ng ABS-CBN Dahil Sa Pagiging B0ld Star!

Walang komento

Martes, Abril 18, 2023


 Inamin ng Kapamilya actor na si Coco Martin na nasaktan siya noon ng ilang beses siyang ni-reject ng ABS-CBN noon dahil nagsimula siya sa pagiging b0ld star.


Bago pa man sumikat si Coco Martin bilang “King of Teleserye”, nakilala muna ang aktor bilang “Prince of Indie Films” dahil sa mga daring role niya sa mga pelikulang gaya ng “Masahista”, “Daybreak” at “Serbis”.


Ilang beses din umano siya nireject sa ABS-CBN na naging dahilan ng muntikan niyang pagsuko. Buti na lamang at palaging pinapalakas ni Jaclyn Jose ang kanyang loob.


“Kasi, marami akong rejection noon. Lalo na noong nagsisimula ako sa indie films, ‘yung mga ginagawa namin ni Direk Dante, lalo na ‘yung first movie ko, Masahista, medyo matured,” pag-amin ni Coco Martin sa naganap na mediacon ng pelikulang Apag.


“Ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin, b0ld actor. ‘Yun talaga ang ano sa akin,” paglilinaw pa ni Coco Martin.


Binalikan pa ni Coco Martin na may isang teleserye sanang nakasama siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz noon subalit nang nalaman umano ng ABS-CBN na isa siyang b0ld star ay bigla na lamang siyang tinanggal.


“Alam naman natin na kapag sa TV, ‘yun ang tinatawag ng mga artista na bread and butter, talagang regular income ka. Sa pelikula kasi, ngayon meron, then medyo matagal na wala.


“Tapos, biglang binanggit na, ‘Si Coco pala, b0ld actor.’ Eh, alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina at Rayver. Ako naman, ‘Okay, eh ‘di, next time,” pagsasalaysay ni Coco Martin.


Binalikan din niya ang isa pang insidente kung saan makakasama naman sana niya sa isang teleserye si Judy Ann Santos.


“After a few months, tinawagan si Direk Dante at kinukuha naman ako para sa soap opera ni Ate Juday."


“Tapos, binalikan si Direk Dante na, ‘Direk, pasensiya na, eh, b0ld actor pala si Coco Martin. Alam mo naman kapag sa TV, medyo conservative’,” dagdag niya.


“Honestly, na-hurt ako dun,” pag-amin pa ni Coco Martin.


Muntik na umano siyang sumuko buti na lamang at may nagpapalakas sa kanyang loob.


Hanggang napasama siya sa teleseryeng Ligaw na Bulaklak kung saan nakasama niya sina Roxanne Guinoo, Sid Lucero at Ara Mina.


Ito na rin umano ang nagbukas ng daan na nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto sa ABS-CBN.




Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, in-unfollow ang isa't-isa sa Instagram!

Walang komento

Biyernes, Nobyembre 4, 2022


Naging malaking katanungan para sa ilang mga netizens ang hindi pagbati ni Andi Eigenmann sa kaarawan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Ibinahagi ni Jaclyn sa comment section ng kanyang post noong kaarawan niya na hindi siya binati nina Andi at kinakasama nitong si Philmar Alipayo. Sinabi rin ni Jaclyn na baka ay busy lamang ang dalawa kaya hindi siya binati at tanging si Ellie lamang ang nakipag-video call sa kanya.

Tila hindi naman  ito ikinatuwa ni Andi Eigennman. Nagbahagi ang aktres ng isang video sa kanyang Instagram stories tungkol sa isang babae na pinalaki ng narcissistic parent.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Andi at Jaclyn. Tila lumala na talaga ang tampuhan nila.

Umani naman ito ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens, may mga kumampi kay Jaclyn ngunit may kumampi rin kay Andi Eigenmann.

Jaclyn Jose at Andi Eigenmann May Tampuhan! Andi At Philmar Hindi Binati Ang Ina!

Walang komento

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022


Masayang ibinahagi ng aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account ang kanyang pagdiriwang sa kanyang kaarawan.

Pinasalamatan ni Jaclyn ang kanyang mga mahal sa buhay na nakadalo sa kanyang celebration. Maging ang kanyang apo kay Andi na si Ellie ay pinasalamatan niya dahil sa pakikipag-facetime  nito sa kanya.

“Thank you anak for having my bday wonderful, and Ellie apo ko for the face time in greeting me. I Love you,” caption ni Jaclyn sa kanyang post.

Agad namang bumati sa kanya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at ang ilan sa kanyang mga tagahanga.

Ngunit, napansin ng ilang mga netizens na hindi binati ni Andi ang kanyang ina, maging si Philmar ay naging tahimik. May makahulugang komento rin si Jaclyn kung saan sinabi niyang mas makukumpleto ang kanyang kaarawan kung babati ang kanyang anak na si Andi.

May nagtanong namang netizen kung bakit maging si Philmar ay tila nalimutan din ang pagbati sa kanya. Tanging sagot na lamang ni Jaclyn 'bz' busy ang mga ito.

Samantala, hindi naman malinaw kung may tampuhan nga ba sa pagitan  ng mag-iina.


Tila na RIP si Kim Chiu - "I know you're in the good place now"

Walang komento

Sabado, Abril 23, 2022



Hindi napigilan ng aktres na si Kim Chiu na maging emosyunal nang makatanggap ng mensahe mula kay Vice President Leni Robredo na kasalukuyang tumatakbo sa pagkapangulo ngayong 2022 National Elections. Sa Instagram ibinahagi ni Kim ang video message ni VP Leni para sa kanyang kaarawan noong April 19. 

"Gusto ko lang kunin ang pagkakataon na sabihin sa iyo how inspiring your life has been for so many people including myself. Sinusubaybayan ko 'yung journey mo at ikaw ang pinakamagandang example ng pag defy ng lahat ng odds. At 'yung kasikatan ay ginagamit para influence ng iba sa kabutihan. So keep up the good work. Keep inspiring others. I wish you all the best. We wish all the luck in the world kasi you deserved it. Happy Birthday."

Ito ang pagbati ni VP Leni noong kaarawan ni Kim. Ayon naman kay Kim Chiu, kinumpleto ng Vice President ang special na araw sa mensaheng ipinadala nito sa kabila ng busy schedule nito.

"Literally I am crying right now nakakaiyak na alam ko na ang isang tao na maraming ginagawa araw araw. Doing everything for people as a Vice President of our country and soon to be president. Rally dito, rally doon. Debate dito, debate doon. Motorcade, house to house, personal duty as a mother at marami pang iba. Grabe saludo po ako sa inyo ma'am and watching the video made my heart melt. Salamat po for seeing me, for sending this video. Napakapersonal po ng message niyo.

 

'Magkasunod pala birthday natin. But I want to wish you a very happy birthday. I know you're in a good place now. Follower mo ako.'

 

Maraming maraming salamat po. Truly you made my birthday complete. Didn't expect pero maraming salamat po," ani Kim.

Iginiit din ng aktres ang pasasalamat kay Robredo sa ginagawa nitong paglaban para sa bayan.

"Makakaasa po kayong kasama niyo po ako sa laban na ito. Laban para sa gobyernong tapat. Angat buhay ang lahat. Matagal na naming hinihiling at inaasam ang tapat na pamahalaan na nakaupo para sa tao at hindi para sa sarili. I am here behind you alongside with the Filipinos who are hungry for honest and good governance. I am looking forward for a better, brighter, kulay rosas sa buong Pilipinas with you as our President," dagdag pa ni  Kim na maaga ring binati si Robredo para sa kaarawan nito sa April 23.



Janine Gutierrez hindi pa umano natuto sa mga nagdaang relasyon ni Paulo Avelino!

Walang komento

Biyernes, Abril 1, 2022



Umamin na si Janine Gutierrez umamin na nagdate sila ni Paulo Avelino sa Malibu Beach sa U.S. Tila natapos na ang haka-haka ng mga fans kung sino ang babaeng nakatalikod sa post sa Instagram ni Paulo Avelino.


Hirit naman ngayong ng ibang netizens, hindi pa umano natuto si Janine sa mga ex ni Paulo Avelino. Kasalukuyang nasa U.S ang rumored couple dahil guest sila sa U.S concert tour ni Ogie Alcasid. Komento ng mga netizens, 'The prey in the predator's eye.' May mga nagtanggol naman kay Janine at sinabing nasa tamang edad na ito upang magdesisyon para sa kanyang love life. Choice naman diumano ni Janine na makipagdate at makilala si Paulo Avelino at kung sakaling masaktan man ito ay labas na tayo.



Mukhang masama ang impression ng ilang mga netizens kay Paulo Avelino. May mga nagsasabi pang hindi pa natuto si Janine sa mga naunang relasyon ni Paulo.

Ogie Alcasid ibinahagi ang naging engagement proposal ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez!

Walang komento



Trending at naging usap usapan ng mga netizens ang napabalitang ginawang engagement proposal ng aktor na si Paulo Avelino sa aktres at rumored girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Isa umano sa naging saksi sa ginawang proposal ay walang iba kundi ang OPM icon na si Ogie Alcasid. Kung saan guest ng singer at song writer ang rumored couple sa concert nito sa California. Pag-amin ni Ogie tungkol kay Janine at Paulo kahit tahimik daw ang mga ito sa real score sa kanila noong una ay ramdam daw niya na may pagtitinginan sa isa't isa ang mga ito. Naging totoo umano ang kanyang hinala noong ginawa na ni Paulo ang proposal niya kay Janine.

Naalala din daw ni Ogie ang nakaraan nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez kung itinago nila ang tungkol sa relasyon nila noon na nauwi rin sa kasalan kinalaunan. Willing din daw kung sakali si Ogie na maging ninong sa magiging kasal nila Janine at Paulo.



Ikinagulat at ikinakilig ng mga tagahanga at tagasuporta nina Janine at Paulo ang naging pahayag na ito ni Ogie Alcasid. Maraming mga netizen ang nag-aabang at naghihintay ngayon kung kailan at saan gaganapin ang diumanong nalalapit na kasalan ng dalawa. Hinihintay din ng mga fans ng dalawa ang pagbabalik ng dalawa mula sa ibang bansa at ang kumpirmasyon nila sa naganap umanong engagement proposal.

Mga Artistang Nagparetoke at Hinihinalaang nagparetoke dahil sobrang ganda na ngayon!

Walang komento

Martes, Marso 15, 2022


Sila ay ilang lamang sa mga celebrity na naenhance ang kanilang physical features at lalong gumanda. Narito ang mga artistang nagparetoke at hinihinalaang nagparetoke ng mukha. 

12. KIM CHIU



Ang Pinoy Big Brother star at isa sa pinakamagaling na aktres ay nahaharap noon pa man sa mga paratang na nagpaplastic surgery. Marami ang nakapansin ng pagbabago ng kanyang hitsura lalo na sa kanyang ilong. Subalit ng sagutin ito ni Kim noon sinabi nitong, kung inakala ng mga tao na nagpagawa siya ng ilong ibig sabihin ay perfect ito. Hindi man inamin ng direktahan ang kanyang pagpapaganda. Makikita naman ito sa mga litrato noong siya ay nagsisimula pa lamang sa pag-aartista. Nang matanong si Kim,

"Kung bakit siya ay may glow sa kanyang mukha?" 

Sinabi nitong maturity, weightloss, at good disposition ang mga dahilan. Walang kahit anong parte sa kanyang katawan ang inamin niyang pinagawa niya para mas lalo pa itong maging maganda. 


11. REGINE VELASQUEZ



Ang mga usap usapan  tungkol sa plastic surgery sa loob ng maraming taon ay hinayaan na lamang ni Regine. Sa isang interview sa kanya noong 2012, muli niyang itinanggi ang pag-inum ng glutathaione upang maging fair ang kanyang balat at nag undergo ng rhinoplasty. Matatandaan sa isang concert ni Regine noon ipinakita nito na hindi siya nagpagawa ng ilong at ginalaw galaw pa niya ito. Isang netizen naman ang nagsabi na di umano'y ang ilong ni Regine ay walay pinagkaiba noon man o ngayon. Marahil ito kasi'y ang pansinin sa kanyang mukha at hindi na naisip ng mga tao na maaring ngipin ang ipinagawa  niya dahil normal lang naman ito na ipinapagawa. Ang nakakatuwang sagot ni Regine para matigil na ang usaping ito ay ang paggamit ng isang app kung saan inalis na niya ang kanyang ilong para matapos na daw ang usapan. 


10. MIHO NISHIDA



Umamin ang 'Pinoy Big Brother Season 737 Big Winner' na si Miho Nishida na sumailalim siya sa cosmetic surgery upang maenhance ang kanyang itsura. Sinabi nito sa isang interview, na gusto niyang lagi siyang maganda kahit saan man siya magpunta. Ipinaliwanag ni Miho na dahil pag-aartista ang kanyang trabaho dapat ay lagi siyang maganda at nais din niyang magimprove ang kanyang sarili. Samantala sa isa pang interview nito umiwas naman si Miho sa usapin tungkol sa pagpaparetoke niya sa kanyang ilong. Hindi ito sumagot sa tanong ng mga tao, kung totoo ba na ipinaayos niya ito o hindi? Para kay Miho, tumaas ang confidence level niya dahil sa kanyang improve looks. 


9. JONALYN VIRAY



Para sa winner ng 'Pinoy Pop Superstar' at isa sa magaling na singer na si Jonalyn Viray ang dating network nito ang nagsabi sa kanya na ipagawa at ipaayos ang kanyang ilong. Paliwanag ni Jona na walang issue sa kanya ang pagpapaganda dahil trend na rin daw ang pagpaparetoke para lalong maenhance ang kanilang beauty. Masaya naman si Jona sa naging resulta ng kanyang nose operation. Mas naging confident raw siya sa tuwing haharap sa mga  tao. Wala namang naging masamang epekto ang kanyang nose lift sa kanyang pagkanta at sa singing voice nito. 


8. JANE DE LEON



Si Jane De Leon ang napiling bagong gaganap sa natigil na project ng ABSCBN para sa palabas na 'Darna' at kasunod naman ng paglabas ng mga balitang ito. Ang dating mga larawan ni Jane ay nagsimulang lumitaw online. Makikita rito ang malaking pagbabago sa itsura ni Jane noong sumali pa lamang siya sa isang teen model search. Ang reaction ng mga netizens sa mga naglabasang mga litrato ay retokada ang bagong 'Darna'. Marami naman ang nagtanggol sa baguhang actress. Sinabing hindi na bago sa mga artista ang pagpapaganda. Si Jane ay dating miyembro ng girl group na Girl Trends na regulaar na mapapanood noon sa 'It's Showtime'. Lumabas din siya sa mga teleseryeng 'Halik' at 'La Luna Sangre'.

7. NADINE LUSTRE



Si Nadine Lustre ay naakusahan na siya ay retokada matapos ang kanyang guesting noon sa 'GGV'. Sinabi nito na ni minsan ay hindi siya nagselos sa ex-girlfriend ni James. Marami ang humanga sa sagot na ito ng aktres. Sa kabilang banda, may ilang netizens ang nakapansin na may pagkakaiba sa mukha ni Nadine. Hindi naman nila matukoy kung ano ang ipinabago nito sa kanyang mukha, Sinasabi ng ilan na tila may pagbabago ang kanyang mga labi habang ang isa naman ang nagsabi na ipinagawa niya ang kanyang ilong. Subalit matagal na nang matanong siya tungkol sa isyung pagpaparetoke at sinabi nitong kahit injection ay takot siya. Papaano pa kaya kung surgery mismo ang gagawin sa kanya.

6. CHIENNA FELOMINO



Inamin ni Chienna sa isang panayam noon na ipinagawa niya ang kanyang ilong. Sinabi niya na may mas malalim dahilan kung bakit sumailalim siya sa isang cosmetic surgery. Sinabi niya na ang doktor na nagpaanak sa kanyang ina via cesarian section ay hindi sinasadyang tamaan ng scalpel ang kanyang ilong. Nagresulta ito sa isang peklat na parang isang kidlat. Sa loob ng 14 years siya at ang kanyang mga magulang ay umaasa na ang kanyang ilong ay babalik sa normal. Gayunman, ang pag-asang iyon  ay hindi nagkatotoo at upang makaiwas sa tukso. Nagpasya si Chienna na ipaayos nalang ito. Dahil sa kanyang ginawa, natapos ang panunukso sa kanya at bumalik ang kanyang self confidence. 

5. ANGELINE QUINTO



Mabilis na namayagpag ang karera ni Angeline nang magwagi ito sa 'Star Power Searc for the next Female Pop Super Star' noong 2011. Ang kanyang pagsikat ay nangangahulugan din na magkaroon ito ng "instant star look". Matataandaang itinanggi noon ni Angeline na siya ay sumailalim sa isang nose surgery. Kaya para sa katahimikan ng lahat, proud si Angeline sa pagiging isang retokada at inilista pa sa isang post ang kanyang ipinagawa noon. Inamin nito na siya ay nagpaeyelid surgery, radio frequency skin treatments, liposuction sa kanyang mga braso at tiyan, glutathaione injection at isang breast reduction operation. Hindi niya kailanman ikinahiya ito dahil ito ang nagpaganda sa kanya sa trabahong kanyang pinasok.

4. SARAH GERONIMO


Taong 2008 nang masama si Sarah sa mga celebrity endorser sa sikat na Belo Group sa kanilang sikat na beauty products. Sinabi ng anak ni Vicky Belo na si Crystal na kinuha nila si Sarah dahil napapanahon na rin na mag endorse si Sarah ng mga beauty products. Ang Popstar royalty ay isang dekalidad na performer na naaayon din sa kanilang produkto. Sinabi naman ni Sarah na hindi siya interesadong magundergo ng cosmetic surgery upang baguhin ang anumang bagay sa kanyang katawan. Mas maganda raw kung natural lang ang lahat ng nasa katawan ng isang tao. Nilinaw ni Sarah na ang pagiindorso ng isang beauty products ay hindi nangangahulugang sasailalim siya sa isang plastic surgey procedure.

3. ALEX GONZAGA



Tinawanan lang ng kapamilya celebrity ang isang email natanggap niya na nag-alok ng isang plastic surgery na nagmula sa South Korea. Ang laman ng email na ito ay ipinost ni Alex sa kanyang IG story at ito ay nagpapaalam kung maaring makipasgcollaborate siya sa isang bagong produktong niluluto ng isang clinic. Pabirong sinabi ni Alex na nasaktan siya kasi hanggang South Korea ay nakakarating ang tungkol sa kanyang hinaharap. Hindi rin niya alam na aabut sa ibang bansa ang tungkol sa kanyang hinaharap tungkol sa hubog ng kanyang hinaharap. Kilala kasi ang South Korea bilang isa sa magagaling na scosmetic hub sa buong mundo. 

2. JANINE BERDIN



Ang 'Tawag ng Tanghalan Season 2 Winner' na si Janine Berdin ay binanatan ang ilang mga bashers na nagsasabi at nakapansin  sa malaking pagbabago sa kanyang itsura. Nagviral kasi sa social media ang new look ng singer kung saan marami ang nagustuhan ang pagbabagong ito ngunit may ilan ding nagtaasan ang mga kilay. Ikinagulat ito ng karamihan dahil kitang kita ang malaking improvement ng kanyang itsura. maliban sa kanyang ilong nagbago rin ng hair color ang singer, ito ay nagpakulay ng purple at ito rin ang nagpamestiza sa kanyang pilipina look. Sinabi ni Janine sa isang interview na biglaan ang ganda niya ngayon dahil hindi siya natatakot sa pagbabago. Sobrang flattered naman siya sa mga compliments na natatanggap mula sa mga tagahanga at ibang tao. Dagdag pa ng singer, 

"If there is something you dont like about yourself and your not happy about it then, you can do somethimg."

1. MOIRA DELA TORRE



Umamin si Moira na sumailalim siya sa isang rhinoplasty surgery na kamuntik na niyang ikabulag. Sumailalim sa isang  non-invasive rhinopalsty ang singer matapos ang dalwang buwan matapos ikasal noong nakaraang taon. Ipinaliwanag niya na madali lang naman ang procedure ngunit may nagkamali sa posesong ginawa at hindi ito naagapan. Ikwenento ni Moira na mataas ang risk niya na mabulag, aneurysm, atake sa puso at stroke. Halos tatlong buwan ang ginugol ni Moira sa bahay upang magpagaling at sinabi niyang almost 85% na siyang magaling at pakiramdam din niya na 100% internally healed na rin siya. Dagdag pa niya na napatawad na niya ang taong gumawa ng kanyang ilong at sinabing hindi nito intensyon na gawin sa kanya. Hindi na rin nagfile ng kaso si Moira sa pangyayari.

Kim Chiu Ganito Pala Nung Bata Pa! Xian Sobrang Natuwa Sa Baby Pics Ni Kim!

Walang komento

Lunes, Marso 14, 2022


Pinakita ni Kim Chiu ang kanyang baby pics noong namasyal sila ng kanyang mga magulang sa Enchanted Kingdom. Sa kanyang recent vlog makikitang nag-eenjoy si Kim habang nasa Enchanted Kingdom muli. Sinariwa ni Kim ang kanyang mga childhood memories nang ibinahagi niya ang kanyang mga litrato kasama ng kanyang mga kapatid noong sila'y maliliit pa lamang.

Narito ang iilang komento ng mga fans at followers ni Kim:

Ayon kay Dissere1229,

"Sayang hindi pa namin kayo nakasabay sa EK. Sana nextime makita ko na ang idol ko na si Kimmy.


Ayon naman kay Evelyn21B,

"I'm sure sobrang natutuwa si Xian kapag makita niya ang baby pic mo Kimmy. You're so cute."


Komento naman ni eujinio,

"Wow brings back memories. Naalala ko 'nung 90s palagi kaming nandyan sa Enchanted Kingdom."

Watch Full Video Here:


Janine emosyonal sa kasal ng kaibigan si paulo na ba iniisip kasama sa kasal? Nini best in harutan?!

Walang komento

Biyernes, Marso 11, 2022

Miss Janine Guttierez naging emosyonal sa kasal ng kanyang kaibigan. Just maybe, ay nakikita na nito na kasama niya si Paulo Avelino na ikinakasal. Talaga naman na napaka ganda ni Janine sa araw na iyon at hindi maitatanggi na napakablooming pa nito.

Pero ang kapansin-pansin pati ng mga kaibigan nito, ay nang tawagin siyang 'Best in Harutan', dahil napaka lively talaga ni Janine at sa ibang picture nga po habang seryoso ang lahat na nagpapakuha ng picture ay naka bungisngis at nakikipagkulitan si Miss Janine. Ang iba pang mga kakulitan ni Janine sa event sa kasal ng kanyang kaibigan. Agree ba kayo sa mga bestie ni Janine na best in harutan na ito? o kaya excited na ang mga fans ni Janine na makitang ikakasal si ito kay Paulo Avelino.

Watch Full Video Here:




Umamin na! Janine Gutierrez nageenjoy sa piling ni Paulo Avelino!

Walang komento

Lunes, Marso 7, 2022


Aminado si Janine Guttierrez na masaya siya kapag kasama niya si Paulo Avelino.

Sinabi ni Janine matapos silang magkasama muli sa isang teleserye,

"We're super get along with each other so we'll see what will happen."


Nang matanong naman kung nililigawan na ba siya ng kapamilya actor, sinabi ni Janine na dapat daw ay si Paulo ang tanungin tungkol doon.

Matatandaang nito lang Enero ay nabuking ang dalawa na magkasama sa Palawan. Kasama nila sa isla ang magcouple na sina Cherry Pie Picache at Edu Manzano.



Naitanong narin dati kay Paulo kung gusto niya bang ligawan si Janine.

"Si Janine lang naman ang hinihintay lagi so tignan natin kung hindi kami masiyadong busy this year", dating pahayag ni Paulo.

 Watch Full Video Here:


Kim Chiu kinakabahan tuwing nagtetrending baka magka backlash ulit!!!

Walang komento

Martes, Pebrero 22, 2022


Kamakailan ay nag-trending si Kim Chiu sa Twitter pagkatapos niyang mag-comeback sa Pinoy Big Brother. Isang netizen ang nag-tweet tungkol dito at sinabing kinakabahan siya sa tuwing nagte-trending ang Kapamilya actress sa Twitter. Sinabi pa ng Twitter user na baka may sinabi na naman si Kim sa It's Showtime. Ni-retweet ito ni Kim at nilagyan pa  ng caption. Ganun din daw ang nararamdaman nito.

Si Kim Chiu ay isang artista at tv host. Kilala siya bilang "Chinita Princess" sa entertainment industry. Tinagurian siyang "Princess of  the Philippine Movies and Television". Nag-react si Kim Chiu sa Instagram post ni RR Enriquez, na tungkol sa kanyang viral remark sa mga maiingay na pusa.

Sumulat si RR ng mahabang pahayag tungkol dito, na nagpapaalala sa lahat na itigil ang pagiging sobrang sensitibo at si Kim ay tao lamang. Ipinahayag ng Chinita Princess ang kanyang pasasalamat kay RR sa pagtatanggol sa kanya mula sa backlash na kanyang nakuha. Higit pa rito, nakatanggap ng sweet response mula kay RR ang appreciation message ni Kim.

Watch Full Video Here:




Kim Chiu humingi muli ng paumanhin matapos mag viral ang kanyang pahayag tungkol sa mga pusa!!

Walang komento

Huwebes, Pebrero 17, 2022


Ni-retweet kamakailan ni Kim Chiu ang post ng isang netizen tungkol sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga maiingay na pusa. Matatandaang ilang buwan na ang nakalilipas, sinabi niya ang statement na ito sa segment ng Madlang Pi-Poll sa It's Showtime,
"Nakakainis 'yun 'no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay."
Mabilis na humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress at nagpaliwanag na hindi niya sinasadya ang kanyang sinabi noong araw ding iyon. Gayunpaman, naging viral muli ang kanyang pahayag na nakakuha ng masasamang komento mula sa ibang mga netizens. Kaya naman minention siya ng isang netizen sa Twitter, at sinabihan siya na humingi ng tawad. Nilinaw ni Kim na humingi na siya ng tawad noon, ngunit gagawin niya itong muli para maging malinaw na ang lahat.

 "I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is," post niya.
"Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan."
Si Kim Chiu ay isang aktres at tv host. Kilala siya bilang "Chinita Princess" sa entertainment industry. Tinagurian siyang "Princess of Philippine Movies and Television" sa Pilipinas.
 

Kamakailan ay sumulat si Kim ng mahaba at taos-pusong mensahe sa Instagram. Ang special post sa Instagram ay para sa kanyang ama, si William Chiu, na nag celebrate ng kaarawan.

Ibinahagi din ni Kim ang isang video ng kanyang sarili kasama ang kanyang pamilya at ama sa isa sa kanyang mga espesyal na guest appearance sa isang show. Sa video, naalala ng ama ni Kim ang tungkol sa paghiling nito sa kanya na bilhan siya ng isang cellphone at kung paano gumawa ng paraan ang ama upang ito ay mangyari.

Dati, naglabas si Kim ng isang vlog kung saan tinalakay niya ang ilan sa mga struggles na naranasan niya sa taong 2021. Nagbahagi rin siya ng ilang insight at aral na nakuha niya sa buong taon. Bukod pa rito, ipinakita ng Chinita Princess ang isang bagong property na binili niya noong 2021. Maraming internet users ang bumati kay Kim, na nagsasabing karapat-dapat ito sa kanya dahil sa kanyang pagsusumikap.

Julia Barretto, binigyan ng luxury watch ni Gerald Anderson! Worth 500k??!

Walang komento

Martes, Pebrero 15, 2022

Hindi maitago ni Julia Barretto ang excitement nang makita ang regalo sa kanya ng boyfriend na si Gerald Anderson: isang Rolex watch!

Nag-Noche Buena si Gerald at sinalubong ang Pasko kasama si Julia at ang pamilya nito. Noong panahong iyon, ibinigay ng Kapamilya actor ang mamahaling regalo sa kanyang girlfriend.


Ibinahagi ni Marjorie Barretto, nanay ni Julia, ang reaksyon ni Julia sa isang Christmas vlog na na-upload sa YouTube noong Linggo, January 9, 2022.
"This is my first Rolex," Sabi ni Julia pagkabukas ng regalo ni Gerald.

Sa vlog ni Marjorie, inalala rin ni Gerald ang nakakatawang moment nang tinawagan siya ni Julia habang bumibili sya ng Christmas gift para sa GF.

Sinabi niya,

"Binibili ko 'yan 'tapos tumatawag siya... Sabi ko, 'Sandali, may pinipirmahan lang ako!"
Hindi naman binanggit ni Gerald kung anong Rolex model ang nakuha niya para kay Julia. Pero binanggit ng kapatid ni Julia, na si Claudia, na gawa ito sa ginto at bakal.

Para sa isang price range reference, ang isang bagong klasikong Rolex Lady Datejust na gawa sa ginto at bakal ay kasalukuyang nakapresyo sa PHP489,500, ayon sa official website ng brand.

Binigyan rin ni Gerald ng regalo ang bawat miyembro ng pamilya ni Julia. Binigyan niya ng napakalaking Hello Kitty stuffed toy ang bunsong kapatid ni Julia na si Erich.


Watch Full Video Here:

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo