Kim Chiu humingi muli ng paumanhin matapos mag viral ang kanyang pahayag tungkol sa mga pusa!!

Huwebes, Pebrero 17, 2022

/ by Lovely

Ni-retweet kamakailan ni Kim Chiu ang post ng isang netizen tungkol sa kanyang kontrobersyal na pahayag tungkol sa mga maiingay na pusa. Matatandaang ilang buwan na ang nakalilipas, sinabi niya ang statement na ito sa segment ng Madlang Pi-Poll sa It's Showtime,
"Nakakainis 'yun 'no? Yung gusto mong sabuyan ng mainit na tubig kasi ang ingay."
Mabilis na humingi ng paumanhin ang Kapamilya actress at nagpaliwanag na hindi niya sinasadya ang kanyang sinabi noong araw ding iyon. Gayunpaman, naging viral muli ang kanyang pahayag na nakakuha ng masasamang komento mula sa ibang mga netizens. Kaya naman minention siya ng isang netizen sa Twitter, at sinabihan siya na humingi ng tawad. Nilinaw ni Kim na humingi na siya ng tawad noon, ngunit gagawin niya itong muli para maging malinaw na ang lahat.

 "I really want to remain quiet on this, because this was a month or 2 months ago. I cleared this already, RIGHT AFTER saying those words, and asked for apology same day same segment, coz I know that I will never do it and cleared that its not really ganun. But the thing is," post niya.
"Again for things to be clear hopefully, (for the 2nd time after two months) Pasenya na po to all animal lovers, I didn’t mean to say those words, nor do those actions.Parang wala sa panahon ngyon ang gagawa ng ganun.Wag na natin palakihin pa, dahil wala naman talagang nasaktan."
Si Kim Chiu ay isang aktres at tv host. Kilala siya bilang "Chinita Princess" sa entertainment industry. Tinagurian siyang "Princess of Philippine Movies and Television" sa Pilipinas.
 

Kamakailan ay sumulat si Kim ng mahaba at taos-pusong mensahe sa Instagram. Ang special post sa Instagram ay para sa kanyang ama, si William Chiu, na nag celebrate ng kaarawan.

Ibinahagi din ni Kim ang isang video ng kanyang sarili kasama ang kanyang pamilya at ama sa isa sa kanyang mga espesyal na guest appearance sa isang show. Sa video, naalala ng ama ni Kim ang tungkol sa paghiling nito sa kanya na bilhan siya ng isang cellphone at kung paano gumawa ng paraan ang ama upang ito ay mangyari.

Dati, naglabas si Kim ng isang vlog kung saan tinalakay niya ang ilan sa mga struggles na naranasan niya sa taong 2021. Nagbahagi rin siya ng ilang insight at aral na nakuha niya sa buong taon. Bukod pa rito, ipinakita ng Chinita Princess ang isang bagong property na binili niya noong 2021. Maraming internet users ang bumati kay Kim, na nagsasabing karapat-dapat ito sa kanya dahil sa kanyang pagsusumikap.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo