Coco Martin, Ilang Beses Na Ni-Reject Ng ABS-CBN Dahil Sa Pagiging B0ld Star!

Martes, Abril 18, 2023

/ by Lovely


 Inamin ng Kapamilya actor na si Coco Martin na nasaktan siya noon ng ilang beses siyang ni-reject ng ABS-CBN noon dahil nagsimula siya sa pagiging b0ld star.


Bago pa man sumikat si Coco Martin bilang “King of Teleserye”, nakilala muna ang aktor bilang “Prince of Indie Films” dahil sa mga daring role niya sa mga pelikulang gaya ng “Masahista”, “Daybreak” at “Serbis”.


Ilang beses din umano siya nireject sa ABS-CBN na naging dahilan ng muntikan niyang pagsuko. Buti na lamang at palaging pinapalakas ni Jaclyn Jose ang kanyang loob.


“Kasi, marami akong rejection noon. Lalo na noong nagsisimula ako sa indie films, ‘yung mga ginagawa namin ni Direk Dante, lalo na ‘yung first movie ko, Masahista, medyo matured,” pag-amin ni Coco Martin sa naganap na mediacon ng pelikulang Apag.


“Ang tingin sa akin ng network, ang tingin talaga sa akin, b0ld actor. ‘Yun talaga ang ano sa akin,” paglilinaw pa ni Coco Martin.


Binalikan pa ni Coco Martin na may isang teleserye sanang nakasama siya nina Shaina Magdayao at Rayver Cruz noon subalit nang nalaman umano ng ABS-CBN na isa siyang b0ld star ay bigla na lamang siyang tinanggal.


“Alam naman natin na kapag sa TV, ‘yun ang tinatawag ng mga artista na bread and butter, talagang regular income ka. Sa pelikula kasi, ngayon meron, then medyo matagal na wala.


“Tapos, biglang binanggit na, ‘Si Coco pala, b0ld actor.’ Eh, alam mo naman, medyo conservative kung ila-love triangle kay Shaina at Rayver. Ako naman, ‘Okay, eh ‘di, next time,” pagsasalaysay ni Coco Martin.


Binalikan din niya ang isa pang insidente kung saan makakasama naman sana niya sa isang teleserye si Judy Ann Santos.


“After a few months, tinawagan si Direk Dante at kinukuha naman ako para sa soap opera ni Ate Juday."


“Tapos, binalikan si Direk Dante na, ‘Direk, pasensiya na, eh, b0ld actor pala si Coco Martin. Alam mo naman kapag sa TV, medyo conservative’,” dagdag niya.


“Honestly, na-hurt ako dun,” pag-amin pa ni Coco Martin.


Muntik na umano siyang sumuko buti na lamang at may nagpapalakas sa kanyang loob.


Hanggang napasama siya sa teleseryeng Ligaw na Bulaklak kung saan nakasama niya sina Roxanne Guinoo, Sid Lucero at Ara Mina.


Ito na rin umano ang nagbukas ng daan na nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto sa ABS-CBN.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo