Ogie Alcasid ibinahagi ang naging engagement proposal ni Paulo Avelino kay Janine Gutierrez!

Biyernes, Abril 1, 2022

/ by Lovely



Trending at naging usap usapan ng mga netizens ang napabalitang ginawang engagement proposal ng aktor na si Paulo Avelino sa aktres at rumored girlfriend nito na si Janine Gutierrez.

Isa umano sa naging saksi sa ginawang proposal ay walang iba kundi ang OPM icon na si Ogie Alcasid. Kung saan guest ng singer at song writer ang rumored couple sa concert nito sa California. Pag-amin ni Ogie tungkol kay Janine at Paulo kahit tahimik daw ang mga ito sa real score sa kanila noong una ay ramdam daw niya na may pagtitinginan sa isa't isa ang mga ito. Naging totoo umano ang kanyang hinala noong ginawa na ni Paulo ang proposal niya kay Janine.

Naalala din daw ni Ogie ang nakaraan nila ng Asia's Songbird na si Regine Velasquez kung itinago nila ang tungkol sa relasyon nila noon na nauwi rin sa kasalan kinalaunan. Willing din daw kung sakali si Ogie na maging ninong sa magiging kasal nila Janine at Paulo.



Ikinagulat at ikinakilig ng mga tagahanga at tagasuporta nina Janine at Paulo ang naging pahayag na ito ni Ogie Alcasid. Maraming mga netizen ang nag-aabang at naghihintay ngayon kung kailan at saan gaganapin ang diumanong nalalapit na kasalan ng dalawa. Hinihintay din ng mga fans ng dalawa ang pagbabalik ng dalawa mula sa ibang bansa at ang kumpirmasyon nila sa naganap umanong engagement proposal.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo