Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, in-unfollow ang isa't-isa sa Instagram!

Biyernes, Nobyembre 4, 2022

/ by Lovely


Naging malaking katanungan para sa ilang mga netizens ang hindi pagbati ni Andi Eigenmann sa kaarawan ng kanyang ina na si Jaclyn Jose.

Ibinahagi ni Jaclyn sa comment section ng kanyang post noong kaarawan niya na hindi siya binati nina Andi at kinakasama nitong si Philmar Alipayo. Sinabi rin ni Jaclyn na baka ay busy lamang ang dalawa kaya hindi siya binati at tanging si Ellie lamang ang nakipag-video call sa kanya.

Tila hindi naman  ito ikinatuwa ni Andi Eigennman. Nagbahagi ang aktres ng isang video sa kanyang Instagram stories tungkol sa isang babae na pinalaki ng narcissistic parent.

Samantala, napansin naman ng ilang mga netizens na hindi na naka-follow sa isa't-isa sina Andi at Jaclyn. Tila lumala na talaga ang tampuhan nila.

Umani naman ito ng samu't-saring reaction mula sa mga netizens, may mga kumampi kay Jaclyn ngunit may kumampi rin kay Andi Eigenmann.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo