Ginawa Ni Vice Ganda Sa Isang RampaBida Contestant Binalikan!

Lunes, Hunyo 10, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mainit na usapin patungkol sa pag-call out ni Vice Ganda sa isang contestant ng EXpecially For You na si Axel dahil sa tangka nitong halikan ang isa pang guest na si Christine, binalikan ng ilang mga netizen ang ginawa ni Vice Ganda sa isang contestant nila sa nasabing show na tinangka rin nitong halikan noon.


Matatandaan na sinabihan pa ni Vice Ganda si Axel na maari siyang idemanda ni Christine dahil sa tangka nitong paghalik, bago pa umalis si Axel ay sinabi pa ni Vice Ganda na tatadyakan niya ang pagmumukha nito dahil sa inis.


Nag-viral muli sa social media ang isang video ni Vice Ganda, na kinunan ilang taon na ang nakakaraan, sa gitna ng isyung kinakaharap ng komedyante dahil sa pag-call out nito sa isang searchee ng EXpecially For You na si Axel.


Napansin kasi nina Vice Ganda at maging ng iba pang host ang pagtatangka nitong halikan ang isang kalahok nang hindi humihingi ng pahintulot at tila labag sa kagustuhan ng babae dahil makikita ang pag-iwas nito.


Makikita sa matagal nang video na kumakalat ngayon sa social media na kausap si Vice Ganda ang isang contestant ng segment noon ng It’s Showtime na Rampabida nang biglang hawakan ng host ang batok ng isang contestant habang pabirong sinusubukang halikan ito nang hindi man lang nagpapaalam.


Makikita rin ang pagpigil kay Vice Ganda ng kanyan mga kasamahang host.


Ang ginamit na background music sa video ay ang sinabi ni Vice Ganda sa EXpecially For You contestant na si Axel Cruz nang sawayin ni Vice Ganda dahil sa ginawa kay Christine.


Kaagad naman na nagbigay ng pahayag ang mga fans ni Vice Ganda na nakapanood sa buong episode ng show sa panahong iyon.


Ayon sa mga fans na nakapanood ng buong episode, bahagi ng comedy skit ang gesture ni Vice.


Gayunpaman hindi pa rin napigilan ng ilang netizens na mag-react sa video, at sinabing hindi na-practice ni Vice Ganda ang kanyang ipinangangaral kay Axel Cruz.


“I dunno why some people still watching and patronizing this kind of show.I mean,where’s the value?Pag nagkamali,okay lang kasi you made a mistake and you can always say sorry and just get on with it?Nawawala na values and morals lalo na sa mga batang nanonood na thinking it is a NORMAL thing to do a BAD THING as long as you say your sorry.What a waste of time slot sa noon show.”


“Naka SAD lang, na madami pa rin silang na na influence na kumakampi sa kanila,Kay din siguro Ang lalakas ng loob nila at ang tatapang at tataas ng mga pride,kahit may MALI naman talaga sila,Yan! parang Wala lang.”



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo