Mga Artistang Nagparetoke at Hinihinalaang nagparetoke dahil sobrang ganda na ngayon!

Martes, Marso 15, 2022

/ by Lovely


Sila ay ilang lamang sa mga celebrity na naenhance ang kanilang physical features at lalong gumanda. Narito ang mga artistang nagparetoke at hinihinalaang nagparetoke ng mukha. 

12. KIM CHIU



Ang Pinoy Big Brother star at isa sa pinakamagaling na aktres ay nahaharap noon pa man sa mga paratang na nagpaplastic surgery. Marami ang nakapansin ng pagbabago ng kanyang hitsura lalo na sa kanyang ilong. Subalit ng sagutin ito ni Kim noon sinabi nitong, kung inakala ng mga tao na nagpagawa siya ng ilong ibig sabihin ay perfect ito. Hindi man inamin ng direktahan ang kanyang pagpapaganda. Makikita naman ito sa mga litrato noong siya ay nagsisimula pa lamang sa pag-aartista. Nang matanong si Kim,

"Kung bakit siya ay may glow sa kanyang mukha?" 

Sinabi nitong maturity, weightloss, at good disposition ang mga dahilan. Walang kahit anong parte sa kanyang katawan ang inamin niyang pinagawa niya para mas lalo pa itong maging maganda. 


11. REGINE VELASQUEZ



Ang mga usap usapan  tungkol sa plastic surgery sa loob ng maraming taon ay hinayaan na lamang ni Regine. Sa isang interview sa kanya noong 2012, muli niyang itinanggi ang pag-inum ng glutathaione upang maging fair ang kanyang balat at nag undergo ng rhinoplasty. Matatandaan sa isang concert ni Regine noon ipinakita nito na hindi siya nagpagawa ng ilong at ginalaw galaw pa niya ito. Isang netizen naman ang nagsabi na di umano'y ang ilong ni Regine ay walay pinagkaiba noon man o ngayon. Marahil ito kasi'y ang pansinin sa kanyang mukha at hindi na naisip ng mga tao na maaring ngipin ang ipinagawa  niya dahil normal lang naman ito na ipinapagawa. Ang nakakatuwang sagot ni Regine para matigil na ang usaping ito ay ang paggamit ng isang app kung saan inalis na niya ang kanyang ilong para matapos na daw ang usapan. 


10. MIHO NISHIDA



Umamin ang 'Pinoy Big Brother Season 737 Big Winner' na si Miho Nishida na sumailalim siya sa cosmetic surgery upang maenhance ang kanyang itsura. Sinabi nito sa isang interview, na gusto niyang lagi siyang maganda kahit saan man siya magpunta. Ipinaliwanag ni Miho na dahil pag-aartista ang kanyang trabaho dapat ay lagi siyang maganda at nais din niyang magimprove ang kanyang sarili. Samantala sa isa pang interview nito umiwas naman si Miho sa usapin tungkol sa pagpaparetoke niya sa kanyang ilong. Hindi ito sumagot sa tanong ng mga tao, kung totoo ba na ipinaayos niya ito o hindi? Para kay Miho, tumaas ang confidence level niya dahil sa kanyang improve looks. 


9. JONALYN VIRAY



Para sa winner ng 'Pinoy Pop Superstar' at isa sa magaling na singer na si Jonalyn Viray ang dating network nito ang nagsabi sa kanya na ipagawa at ipaayos ang kanyang ilong. Paliwanag ni Jona na walang issue sa kanya ang pagpapaganda dahil trend na rin daw ang pagpaparetoke para lalong maenhance ang kanilang beauty. Masaya naman si Jona sa naging resulta ng kanyang nose operation. Mas naging confident raw siya sa tuwing haharap sa mga  tao. Wala namang naging masamang epekto ang kanyang nose lift sa kanyang pagkanta at sa singing voice nito. 


8. JANE DE LEON



Si Jane De Leon ang napiling bagong gaganap sa natigil na project ng ABSCBN para sa palabas na 'Darna' at kasunod naman ng paglabas ng mga balitang ito. Ang dating mga larawan ni Jane ay nagsimulang lumitaw online. Makikita rito ang malaking pagbabago sa itsura ni Jane noong sumali pa lamang siya sa isang teen model search. Ang reaction ng mga netizens sa mga naglabasang mga litrato ay retokada ang bagong 'Darna'. Marami naman ang nagtanggol sa baguhang actress. Sinabing hindi na bago sa mga artista ang pagpapaganda. Si Jane ay dating miyembro ng girl group na Girl Trends na regulaar na mapapanood noon sa 'It's Showtime'. Lumabas din siya sa mga teleseryeng 'Halik' at 'La Luna Sangre'.

7. NADINE LUSTRE



Si Nadine Lustre ay naakusahan na siya ay retokada matapos ang kanyang guesting noon sa 'GGV'. Sinabi nito na ni minsan ay hindi siya nagselos sa ex-girlfriend ni James. Marami ang humanga sa sagot na ito ng aktres. Sa kabilang banda, may ilang netizens ang nakapansin na may pagkakaiba sa mukha ni Nadine. Hindi naman nila matukoy kung ano ang ipinabago nito sa kanyang mukha, Sinasabi ng ilan na tila may pagbabago ang kanyang mga labi habang ang isa naman ang nagsabi na ipinagawa niya ang kanyang ilong. Subalit matagal na nang matanong siya tungkol sa isyung pagpaparetoke at sinabi nitong kahit injection ay takot siya. Papaano pa kaya kung surgery mismo ang gagawin sa kanya.

6. CHIENNA FELOMINO



Inamin ni Chienna sa isang panayam noon na ipinagawa niya ang kanyang ilong. Sinabi niya na may mas malalim dahilan kung bakit sumailalim siya sa isang cosmetic surgery. Sinabi niya na ang doktor na nagpaanak sa kanyang ina via cesarian section ay hindi sinasadyang tamaan ng scalpel ang kanyang ilong. Nagresulta ito sa isang peklat na parang isang kidlat. Sa loob ng 14 years siya at ang kanyang mga magulang ay umaasa na ang kanyang ilong ay babalik sa normal. Gayunman, ang pag-asang iyon  ay hindi nagkatotoo at upang makaiwas sa tukso. Nagpasya si Chienna na ipaayos nalang ito. Dahil sa kanyang ginawa, natapos ang panunukso sa kanya at bumalik ang kanyang self confidence. 

5. ANGELINE QUINTO



Mabilis na namayagpag ang karera ni Angeline nang magwagi ito sa 'Star Power Searc for the next Female Pop Super Star' noong 2011. Ang kanyang pagsikat ay nangangahulugan din na magkaroon ito ng "instant star look". Matataandaang itinanggi noon ni Angeline na siya ay sumailalim sa isang nose surgery. Kaya para sa katahimikan ng lahat, proud si Angeline sa pagiging isang retokada at inilista pa sa isang post ang kanyang ipinagawa noon. Inamin nito na siya ay nagpaeyelid surgery, radio frequency skin treatments, liposuction sa kanyang mga braso at tiyan, glutathaione injection at isang breast reduction operation. Hindi niya kailanman ikinahiya ito dahil ito ang nagpaganda sa kanya sa trabahong kanyang pinasok.

4. SARAH GERONIMO


Taong 2008 nang masama si Sarah sa mga celebrity endorser sa sikat na Belo Group sa kanilang sikat na beauty products. Sinabi ng anak ni Vicky Belo na si Crystal na kinuha nila si Sarah dahil napapanahon na rin na mag endorse si Sarah ng mga beauty products. Ang Popstar royalty ay isang dekalidad na performer na naaayon din sa kanilang produkto. Sinabi naman ni Sarah na hindi siya interesadong magundergo ng cosmetic surgery upang baguhin ang anumang bagay sa kanyang katawan. Mas maganda raw kung natural lang ang lahat ng nasa katawan ng isang tao. Nilinaw ni Sarah na ang pagiindorso ng isang beauty products ay hindi nangangahulugang sasailalim siya sa isang plastic surgey procedure.

3. ALEX GONZAGA



Tinawanan lang ng kapamilya celebrity ang isang email natanggap niya na nag-alok ng isang plastic surgery na nagmula sa South Korea. Ang laman ng email na ito ay ipinost ni Alex sa kanyang IG story at ito ay nagpapaalam kung maaring makipasgcollaborate siya sa isang bagong produktong niluluto ng isang clinic. Pabirong sinabi ni Alex na nasaktan siya kasi hanggang South Korea ay nakakarating ang tungkol sa kanyang hinaharap. Hindi rin niya alam na aabut sa ibang bansa ang tungkol sa kanyang hinaharap tungkol sa hubog ng kanyang hinaharap. Kilala kasi ang South Korea bilang isa sa magagaling na scosmetic hub sa buong mundo. 

2. JANINE BERDIN



Ang 'Tawag ng Tanghalan Season 2 Winner' na si Janine Berdin ay binanatan ang ilang mga bashers na nagsasabi at nakapansin  sa malaking pagbabago sa kanyang itsura. Nagviral kasi sa social media ang new look ng singer kung saan marami ang nagustuhan ang pagbabagong ito ngunit may ilan ding nagtaasan ang mga kilay. Ikinagulat ito ng karamihan dahil kitang kita ang malaking improvement ng kanyang itsura. maliban sa kanyang ilong nagbago rin ng hair color ang singer, ito ay nagpakulay ng purple at ito rin ang nagpamestiza sa kanyang pilipina look. Sinabi ni Janine sa isang interview na biglaan ang ganda niya ngayon dahil hindi siya natatakot sa pagbabago. Sobrang flattered naman siya sa mga compliments na natatanggap mula sa mga tagahanga at ibang tao. Dagdag pa ng singer, 

"If there is something you dont like about yourself and your not happy about it then, you can do somethimg."

1. MOIRA DELA TORRE



Umamin si Moira na sumailalim siya sa isang rhinoplasty surgery na kamuntik na niyang ikabulag. Sumailalim sa isang  non-invasive rhinopalsty ang singer matapos ang dalwang buwan matapos ikasal noong nakaraang taon. Ipinaliwanag niya na madali lang naman ang procedure ngunit may nagkamali sa posesong ginawa at hindi ito naagapan. Ikwenento ni Moira na mataas ang risk niya na mabulag, aneurysm, atake sa puso at stroke. Halos tatlong buwan ang ginugol ni Moira sa bahay upang magpagaling at sinabi niyang almost 85% na siyang magaling at pakiramdam din niya na 100% internally healed na rin siya. Dagdag pa niya na napatawad na niya ang taong gumawa ng kanyang ilong at sinabing hindi nito intensyon na gawin sa kanya. Hindi na rin nagfile ng kaso si Moira sa pangyayari.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo