Jaclyn Jose at Andi Eigenmann May Tampuhan! Andi At Philmar Hindi Binati Ang Ina!

Miyerkules, Nobyembre 2, 2022

/ by Lovely


Masayang ibinahagi ng aktres na si Jaclyn Jose sa kanyang Instagram account ang kanyang pagdiriwang sa kanyang kaarawan.

Pinasalamatan ni Jaclyn ang kanyang mga mahal sa buhay na nakadalo sa kanyang celebration. Maging ang kanyang apo kay Andi na si Ellie ay pinasalamatan niya dahil sa pakikipag-facetime  nito sa kanya.

“Thank you anak for having my bday wonderful, and Ellie apo ko for the face time in greeting me. I Love you,” caption ni Jaclyn sa kanyang post.

Agad namang bumati sa kanya ang kanyang mga kaibigan sa showbiz at ang ilan sa kanyang mga tagahanga.

Ngunit, napansin ng ilang mga netizens na hindi binati ni Andi ang kanyang ina, maging si Philmar ay naging tahimik. May makahulugang komento rin si Jaclyn kung saan sinabi niyang mas makukumpleto ang kanyang kaarawan kung babati ang kanyang anak na si Andi.

May nagtanong namang netizen kung bakit maging si Philmar ay tila nalimutan din ang pagbati sa kanya. Tanging sagot na lamang ni Jaclyn 'bz' busy ang mga ito.

Samantala, hindi naman malinaw kung may tampuhan nga ba sa pagitan  ng mag-iina.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo