Ipinapakita ang mga post na may etiketa na list. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na list. Ipakita ang lahat ng mga post

Viral! Mga Grooms Na Umiyak Sa Kasal Kalaunan Nauwi Din Sa Hiwalayan Ang Pagsasama!

Walang komento

Miyerkules, Hunyo 1, 2022

Mga grooms na umiyak sa araw ng kasal ngunit nambabae pa rin at nauwi sa hiwalayan ang relasyon.

Jon Gutierrez and Jelai Andres

Taong 2015 nang maging magkasintahan sina Jon Gutierrez at Jelai Andres, subalit noong 2016 nalaman umano ni Jelai na nagkaroon ng babae si Jon. Napatawad naman ni Jelai si Jon at noong 2018 ay nagpakasal ang dalawa. Subalit noong March 2019 sa pamamagitan ng Facebook live ni Jelai ay inanunsyo niya ang desisyong hiwalayan si Jon dahil sa pambababae nito.

Aljur Abrenica at Kylie Padilla

Isa ang couple na ito sa pinag-uusapan dahil matatandaang hindi rin tumagal ang kanilang pagsasama ngunit pinagkalooban naman sila ng dalawang supling.

Tom Rodriguez at Carla Abellana

Isa sa mga pinag-usapang break-up ang hiwalayan nina Tom at Carla. Matatandaang matagal na naging magkasintahan ang dalawa bago nagpakasal ngunit hindi nagtagal ay naghiwalay din. Third party ang itinuturong dahilan ng kanilang hiwalayan.

Jason Hernandez at Moira Dela Torre

Hindi katulad sa ibang hiwalayan si Jason Hernandez, matapang niyang isinapubliko ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan. 

Matatandaang mahigit isang buwan na ang nakalipas simula ng mapabalitang hiwalay na umano si Moira at Jason. Kasabay nito ay ang cryptic post ni Moira at ang pagpunta niya sa ibang bansa. Ngunit makalipas ang ilang araw ay pinabulaanan ng dalawa ang balita at sinabing maayos ang kanilang pagsasama.

Samantala, kahapon ng gabi May 31, ibinahagi ni Jason ang tuluyang paghihiwalay nila ni Moira. Ayon pa kay Jason, siya ang naging dahilan ng kanilang hiwalayan dahil sa kanyang pagiging unfaithful.

Sa huli ay humingi siya ng tawad sa mga taong nasaktan niya lalong lalo na kay Moira. Hiling din niya na sana ay igalang din ang privacy nila sa ngayon.

2022 Most Controversial na HIWALAYAN ng CELEBRITIES ang Iba THIRDPARTY ang DAHILAN!

Walang komento

Huwebes, Marso 31, 2022



Kilalanin ang mga celebrity couples na gumawa ng ingay matapos ang kanilang napapabalitang hiwalayan at ang pangunahing sanhi ng iba dito diumano ay third party!

1. Maggie Wilson and Victor Consunji


Ilang buwan bago matapos ang taong 2021 nagbigay ng isang malaking anunsyo ang kinoronahang Bb. Pilipinas World 2007 na si Maggie Wilson. Inihayag niya sa publiko na nagwakas ang kanyang 11 years marriage sa real estate magnate na si Victor Consunji. Sa isinulat niya sa kanyang IG sinabi ni Maggie na mahirap ang kanilang pinagdaanan subalit wala namang pagbabago sa kanilang relasyon sa pagpapalaki sa anak. Sa desisyon na tapusin na lamang ang kanilang relasyon, walang nabanggit na dahilan si Maggie sa kung ano ang dahilan at ang pinagmulan nito at kung bakit napagdesisyunan na lamang nitong wakasan ang kanilang pagsasama. Subalit ilang linggo lamang ang nakalilipas nagsalita muli si Maggie sa kanyang social media at sinabing ang isang  bagay na hindi maaring itago ay ang katotohanan. Naintriga din ang beauty queen sa isang business man na si Tim Connor at ilang beses na rin natanong kung sila ay may affair. Sinagot ito ni Tim at pinabulaanan ang mga espekulisasyon. Naiulat din na hindi pinayagan ni Victor na makapiling ni Maggie ang kanilang anak noong holidays. Ngunit sa pagpasok ng taong 2022 nakita ang mag-ina na kasamang namamasyal sa Clark, Pampanga at sa sumunod na buwan naman ay nasa Palawan sila.

2. Maxine Magalona and Rob Mananquil


Unang buwan ng taon 2022 nang umugong ang balitang hiwalay na ang aktres na si Maxene Magalona sa mister nitong si Rob Mananquil. Ito ay nang makita ng mga netizens na naka unfollow na ang aktres sa IG acount ng kanyang mister. Maging ang huling pangalan nito ay hindi na rin mababasa sa kanyang profile. Ilang cryptic post din ang inupload ni Maxine na mas nakadagdag sa mga espekulasyon ng marami tungkol sa kanilang pahihiwalay. Hindi naman narinig ang mga panig nila tungkol dito. Ngunit nagawa pang ipagdiwang ng aktres ang mga nagdaang holidays kasama ang pamilya ni Rob.

3. Heaven Peralejo and Kiko Estrada


Buwan ng September taong 2021 nang lumabas sa online world ang hiwalayan umano nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada. May ilang buwan lamang matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon naharap naman agad sila sa isyung hiwalayan. Nakita kasi ng mga netizens na biglang nagtanggal si Kiko ng mga pictures nila na magkasama sa kanyang social media at hindi na rin ito naka follow sa acount ng actress. Hindi naman pinatagal ni Heaven ang mga balita at inaming natapos na nga ang kanilang tatlong buwang relasyon. Matatandaang dumaan sa matinding intriga si Heaven noong nagkahiwalay sina Kiko at Devon Seron at siya ang itinuturong third party na naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Isang buwan matapos ang balitang hiwalayan nina Heaven at Kiko nalink naman si Heaven sa vlogger na si Kempoy Feliciano. Itinanggi naman nila pareho ang mga aligasyon at sinabing magkaibigan lamang sila.

4. Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich


November 2021 nang mapabalita ang hiwalayan ng isang kilalang vlogger na si Wil Dasovich at ng Cosplay Queen na si Alodia Goseingfiao. Kinumpirma naman agad ni Alodia sa kanyang social media accounts na nagwakas na ang mahigit apat na taon nilang relasyon. Sa pag-amin ni Alodia sinabi nitong hindi naging perpekto ang kanilang pagsasama. Sinabi ng cosplayer at e-gamer na ilang beses na rin silang nagkaroon ng time out sa kanilang relasyon. Nalungkot naman daw si Alodia sa nangyaring hiwalayan subalit mabilis naman niyang natanggap ang sitwasyon. Sa katunayan maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. Isa pang nakikitang rason sa kanilang hiwalayan ay ang pagkakaroon diumano ng third party ni Wil sa katauhan ng kaibigan nilang si Christy Samson.

5. Kris Aquino and Mel Sarmiento


Marami ang nag-akalang panghabang buhay na ang relasyon nila Kris Aquino at Mel Sarmiento. Ilang buwan kasi matapos aminin nito ang relasyon sa dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento, inanunsyo nito na engage na sila. August 2021 nang aminin ni Kris na may lalaking nagpapatibok ng kanyang puso at ang kanyang Kuya Noy ang naging match maker nilang dalawa. Subalit ilang araw lamang matapos ang bagong taon kinumpirma ni Kris na naghiwalay na sila ni Mel bago mag new year's eve. Ayon kay Kris ay niloko at ginamit lamang daw siya umano ni Mel at marami itong tinago tungkol sa tunay nitong relasyon kay Pnoy.

6. Janine Gutierrez and Rayver Cruz


October 2021 nang sabihin ni Janine sa publiko na hiwalay na sila ng aktor na si Rayver Cruz. Apat na taon din ang itinagal ng kanilang relasyon na itinago nila noong una sa publiko. Matapos lumipat ni Rayver sa GMA7, nakasama niya si Janine sa network. Marami ang nag-abang sa proyektong kanilang pagsasamahan ngunit hindi na ito nangyari dahil nagdesisyon naman ang aktres na lumipat sa ABSCBN. Hindi naman naging problema noong una ang pagtatrabaho nila ng magkahiwalay subalit dumating ang araw na naging busy sila pareho. Kakulangan sa oras ang sinabi ni Janine bilang dahilan ng kanilang hiwalayan. Paliwanag naman nila pareho na walang third party involved at mutual decision nila ang maghiwalay.

7. Barbie Imperial and Diego Loyzaga


Mula sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Matatandaan na noong inamin ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon sinabi nitong 'hindi niya akalain na mahuhulog ang kanyang loob sa kanyang bestfriend. Subalit hindi akalain na magwawakas ang kanilang relasyon. Ilang linggo matapos ang bagong taon inamin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego at maayos umano ang usapan nila tungkol doon. Nadawit din ang pangalan ng sexy star na si AJ Raval na siyang third party umano sa kanilang relasyon. 

8. Carlo Aquino and Trina Candaza


Ang house tour vlog na ibinahagi ng modelo at long time partner ng aktor na si Carlo Aquino na si Trina Candaza ang nagbigay ng kumpirmasyon sa napapabalitang hiwalayan nila. Ipinakita kasi nito ang paglipat nilang mag-ina sa bago nilang tahanan. Ilang cryptic post din ang nabasa mula sa modelo tungkol sa mga lalaking may pinupuntahang ibang babae. Dahil dito naging matunog at lumalabas na may third party involved.

9. Tom Rodriguez and Carla Abellana


Taong 2014 nang pumasok sa isang relasyon ang aktres na si Carla Abellana at aktor na si Tom Rodriguez. Ito ay matapos ang isang taon nilang nagsama sa isang serye sa GMA 7 na My Husband's Lover. Kahit inamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon binigyan pa rin sila ng trabahong magkahiwalay at nanatiling matibay ang kanilang pagsasama. Ang pitong taon nilang magkarelasyon ay isa sa mga kinaiinggitan sa mundo ng showbiz. October 2021 nang magpakasal ang dalawa. Subalit ilang buwan lamang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib napansin ng ilan na hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring. Dito na nagsimula ang mga haka hakang naghiwalay na ang dalawa at ang sinasabing dahilan umano ay may naka one night stand si Tom na ayon mismo sa ama ni Carla Abellana.

Famous Beauty Queen at ang kanilang kasalukuyang karelasyon ngayong 2022!

Walang komento

Martes, Marso 22, 2022


Ilang beses ng naging kontrobersiya ang tungkol umano sa "sumpa ng korona" na tila patotoo sa ilang relasyong nagtapos sa pagkamit sa inaasam na tagumpay ng mga beauty queens. Pero dumaan man ang ibang mga beauty queens na ito sa kabiguan sa pag ibig nahanap naman nila ang mga taong nagmamahal sa kanila ngayon! Ating kilalanin ang mga beauty queens na in relationship status ngayong taon! Sa listahan na ito ay hindi kasama ang mga beauty queen na ikinasal na sa kanilang mga karelasyon ngayon!

8. Maxine Medina at Timmy Llana


Kinoronahan Miss Universe Philippines 2016 ang 31 year old beauty queen actress na si Maxine Medina. Hindi naman kaila na nanggaling sa pitong taong relasyon si Maxine sa model-actor bago nila ito tapusin noong 2018. Noong December 27, 2020 ipinagmalaki ni Maxine ang natanggap niyang promise ring mula sa non-showbiz boyfriend na si Timmy Llana. Si Timmy ay isang diving instructor kaya madalas silang nagdadate sa beach. Noong June 2021 sa pagdiriwang ng kanilang third anniversary ay masayang ibinahagi ni Maxine ang nakakakilig na mensahe para sa kanyang boyfriend na may kasamang sweet photo nilang dalawa.

7. Beatrice Luigi Gomez at Jhon Odin


Ang 27 years old na si Beatrice Luigi Gomez ng Cebu City ang kinoronahan bilang Miss Universe 2021. Siya ay isang proud member ng LGBTQIA community. Siya rin ang kauna-unahang babaeng bisexual na kinoronahan bilang Miss Universe Philippines. Matapos mapabalita ang break-up ni Beatrice sa dating karelasyon nito, ginulat ni Beatrice ang netizens nang isapubliko niya ang kanyang bagong karelasyon. Sa pamamagitan ng Instagram ibinahagi ni Beatrice ang larawan nila ng nobyo noong February 15, 2022. Nagpost din si Beatrice ng isang black and white photo sa kanyang Instagram story kung saan nakatag ang boyfriend niyang si Jhon. Nirepost ni Jhon ang parehong larawan sa kanyang instagram stories. Matatandaang lumutang ang pangalan ni Jhon noong nakaraang taon bilang dahilan umano sa break up nina Beatrice at Kate Jagdon.

6. Bianca Manalo at Sherwin Gatchalian


Ang 34 year old actress na si Bianca Manalo ang nagwagi bilang Bb. Pilipinas Universe 2009. Sino ang mag-aakala na mahuhulog ang loob ng beauty queen sa katauhan ni Sen. Sherwin Gatchalian. Tatlong taon na ang relasyon ng dalawa at masayang ipinagdiriwang ang kanilang anniversary noong November 18, 2021. Isa ang relasyon nila ang hinahangaan lalo na sa pagiging mature nito at hindi maitatangging kilig kahit na medyo magkalayo ang agwat ng edad nila. Matatandaang kinumpirma ni Bianca ang relasyon nila ni Sen. Win noong November 20, 2019 sa post nito tungkol sa kanilang first anniversary. Matapos ang pag-amin ay hindi naman ipinagkait ni Sen. Win at Bianca sa publiko ang pasilip sa kanilang buhay pag-ibig sa pamamagitan ng kanilang social media. Bagama't busy sa kani-kanilang karera ay hindi naman nagkulang sina Bianca at Win na magpakita ng suporta sa isa't isa. Katunayan isa si Bianca sa nangungunang supporter ng boyfriend para sa pagtakbo ng nobyo bilang senador sa darating na 2022 National Elections.

5. Rabiya Mateo at Jeric Gonzales

Noon pa lang December 2021 ay usap usapan na ng mga netizens na tila may pagtatangi sa isa't isa sina Rabiya at Jeric. Namataan silang namamasyal sa Enchanted Kingdom. Nagkatrabaho sina Rabiya at Jeric sa isang episode ng Wish Ko Lang noong November 2021 at tila iyon ang naging sanhi na magkalapit sila. March 2022 kinumpirma na ng Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo at Kapuso actor Jeric Gonzales ang kanilang relasyon. Sa isang Instagram post ni Rabiya ipinakita niya ang ilang sweet photos nila ng boyfriend na kuha sa Bohol. Makalipas ang ilang oras si Jeric naman ang nagpost ng larawan nila ni Rabiya.

4. Catriona Gray at Sam Milby


Ang Filipino-Australian beauty queen na si Catriona Gray ay kinoronahang Miss Universe 2018. Siya ang pang-apat na pinay na naging Miss Universe. Sa kasisimula ng kanyang karera ay hindi niya naiwasang maiugnay sa mga kasamahan niya sa showbiz particular sa Filipino-American actor na si Sam Milby. Ilan buwan     ding balibalita na may namumuong special na ugnayan sa pagitan ng dalawa at noong May 2020 si Sam Milby na mismo ang umamin sa relasyon nila sa pamamagitan sa pagpost ng unang larawan nila Catriona sa mismong birthday niya sa kanyang Instagram account. Parehong mailap sina Sam at Catriona pagdating sa detalye kung paano nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't isa. Ngunit aminado si Sam na itinuturing niya si Catriona bilang kanyang 'The One' para sa kanya. Sa kabila ng paglantad nila nanatili pa rin ang privacy nila sa pagbabahagi ng kanilang lovelife. Low key man sila pagdating sa kanilang relasyon, minsan nang inamin ni Catriona na siya ang tipo ng girlfriend na sobrang malambing.

3. Pia Wurtzbach at Jeremy Jauncey


Tatlong beses na sumali sa Bb. Pilipinas si Pia Wurzbach at sa ikatlong pagkakataon ay napagtagumpayan ito. Matapos ang apat na dekada nauwi ni Pia ang korona sa bansa bilang Miss Universe 2015. Katulad nang kanyang pagkapanalo sa beauty pageant, naging makulay at maingay ang kanyang lovelife. Sa cover picture ng June 2020 edition ng Luxury Magazine na Tatler Philippines ay kinumpirma nila Pia at Jeremy Jauncey ang kanilang relasyon. Si Jeremy Jauncy ay British businessman at founder CEO ng Beautiful Destinations. Isa siya sa maimpluwensya na boses sa industriya. Simula pa lang nang 2020 ay napabalita na nagkamabutihan nina Pia at Jeremy. Sa panayam nila sa Tatler sinabi nina Jeremy at Pia na gusto nilang tiyakin na mayroon silang matibay na pundasyon bago nila isinapubliko ang kanilang relasyon. Dagdag pa ng beauty queen na ayaw na niyang maulit ang dating pagkakamali sa pagaanunsyo ng kanyang relasyon. Ayon naman kay Jeremy noong una pa lang silang magkita sa London ay nabighani siya kaagad sa Pilipina beauty queen. Matapos ang kanilang pag-amin naging bukas sa publiko ang relasyon nila.

2. Kylie Verzosa at Jake Cuenca


Si Kylie ang nag-uwi sa koronang Miss International 2016. Matapos ang kanyang tagumpay sa larangan ng beauty pageant ay pumasok naman si Kylie sa pag-aartista. Dito ay hindi maiwasang maiugnay sa mga katrabaho sa industriya isa na rito ang kapamilya aktor na si Jake Cuenca. Nagkatambal ang dalawa panghapong serye ng ABSCBN na 'Los Bastardos' noong June 14, 2019 sa panayam kay Jake ay inamin ng aktor na pitong buwan na silang nagdadate. Noong panahon ng ECQ ay mas nagkaroon ng pagkakataon sina Jake at Kylie para sa isa't isa nang magkasama sila sa iisang bahay. Noong February 2021 ay naging tampulan naman ng negatibong komento si Jake matapos ang prank proposal niya sa kanyang girlfriend. Ayon kay Jake ang sekreto sa mabuting pagkakaunawaan nila ni Kylie ay ang pagkakaroon ng bawat isa sa kanila ng alone time.

1. Ruffa Guiterrez at Herbert Bautista


Ang 47 year old na beauty queen actress na si Ruffa Gutierrez ang Bb. Pilipinas World 1993 at second runner-up sa Miss World 1993. Isa ang buhay pag-ibig ng beauty queen sa pinag-uusapan dahil na rin sa mga nagdaang relasyon na hindi naman lingid sa publiko. Matapos ang pananahimik ng buhay pag-ibig ng aktres ay tila natuldokan ito sa pagkumpirma nito mismo sa kanyang Instagram noong March 15, 2022. Ang tinutukoy ni Ruffa sa kanyang post ay si Herbert Bautista. Si Herbert ay may dalawang anak sa dati nitong karelasyon. Maliban sa pagiging magaling na aktor ay pinasok ni Herbert ang pulitika at nagtagumpay naman sa karerang tinahak.

10 Filipino Celebrities na Nasangkot sa isyu and Labelled as THIRD Party

Walang komento

Lunes, Marso 21, 2022

Ito umano ang mga celebrity na naging dahilan at naging third party sa hiwalayang kinasangkutan nila. Sila ang nasangkot sa malalaking issue noon at natawag na mang-aagaw ng ibang netizens.

10. Kris Aquino


Isa si Kris Aquino sa mga female celebrities na naakusahang nang-agaw o nakasira ng relasyon. Naging matunog ang balita noon nang malink siya sa kanyang co-actor na si Philip Salvador. Nagsimula ang kanilang relasyon nang gawin nila ang pelikulang 'Nandito Ako' noong 1994. Hindi naging maganda ang tingin ng tao kay Kris noong inamin niyang may anak siya kay Philip Salvador. Sa panahong iyon, kasal pa si Philip sa kanyang unang asawa ngunit nanindigan pa rin si Kris Aquino at Philip sa kanilang relasyon na tumagal ng limang taon. Naging malaking isyu nito lalo na nang ipalabas sa publiko na pinabinyagan nila ang kanilang anak nang magkasama kahit alam ni Kris na pamilyadong tao si Philip Salvador noon. Sa isang interview kay Kris ng YES Magazine, inamin niya na ang relasyon niya kay Philip ang pinakanakasakit sa kanyang ina na si Dating Pangulong Cory Aquino na kilalang deboto ng Simbahang Katoliko.

9. Yassi Pressman


Naging malaking isyu ang pagkakalink ni Yassi Pressman sa kilalang aktor na si Coco Martin. Nagsimula ang kanilang tambalan sa 'Ang Probinsyano' at dito na rin nagsimula ang isyu nilang dalawa. Ilang taon na ang nakalipas nang kinumpirma ng ilang mga kilalang news outlet network and websites na nabuntis umano ni Coco Martin si Julia Montes. Dahil dito sinisi nang ibang fans nina Julia Montes at Coco Martin si Yassi Pressman sa naputol na relasyon ng dalawa.  May mga naglabasang balita rin noon na matagal ng may gusto si Yassi kay Coco at naging secret in a relationship ang dalawa.

8. Liz Uy


Si Liz Uy ay isang kilalang celebrity stylist at close friend ng mga sikat sa mundo ng showbiz. Naging mainit ang pangalan ni Liz Uy nang madawit sa isyu at siya ang itinuturing na third party ng hiwalayan ng businessman na si Raymond Racaza at Dra. Ging Racaza. May malaking rebelasyon noon si Liz Uy na matagal niyang itinago sa publiko. Nagsimula ito nang magpost si Georgina Wilson ng picture ni Liz na may kargang baby na agad namang binura. Ilang linggo matapos ang nasabing insidente ay ipinaalam ni Liz sa publiko sa pamamagitang ng kanyang Instagram account na may anak na siya ngunit hindi niya sinabi kung sino ang ama ng kanyang anak. Dahil rito naglabasan ang mga spekulasyon na siya ang dahilang nang pagkasira sa pamilya ng kilalang doktor. Hindi maganda ang naging pagtanggap ng mga netizens sa isyung ito at maraming hindi magagandang reaction ang natanggap ni Liz. Binansagan din siyang mang-aagaw ng mga kaibigan at pamilya nang nasabing doktora ngunit hindi naman nagpaapektu si Liz Uy. Nagpost pa siya nang picture kasama ang noo'y kinakasama na si Raymond Racaza at kanilang anak.

7. Andrea Torres


Si Andrea Torres ay isang actress. Hindi naman nakaligtas si Andrea Torres sa isyung hiwalayan nina Derek at Joanne. Siya ang itinuturong dahilan nang hiwalayan ng magkarelasyon. Matatandaang siya din ang ang itinuturong dahilan noon ng isyu tungkol kay Marian Rivera at Dingdong Dantes noong nagkaloveteam sila sa teleseryeng 'Alyas Robinhood'. Siya rin ang sinasabing pinagseselosan ni Yassi Pressman na katrabaho ng ex niyang si Sef Cadayona sa 'Bubble Gang'.

6. Coleen Garcia 


Hindi naging maganda ang simula ng relasyon nina Coleen Garcia at Billy Crawford. Si Coleen Garcia ay nasangkot noon sa isyung hiwalayan ni Billy Crawford sa longtime girlfriend nito na si Nikki Gil. Maraming mga netizens ang hindi nagustuhan ang balitang ito. Naging mainit ang mga mata ng netizens kay Coleen na co-host ni Billy noon sa noontime show na 'It's Showtime'. Hindi naging madali para kina Billy at Coleen na aminin ang kanilang relasyon. Maraming mga netizens ang nagsasabing, inagaw lamang ni Coleen si Billy kay Nikki Gil ngunit hindi ito hinayaan ni Billy na lumala pa kaya nagsalita na si Billy sa totoong dahilan ng hiwalayan nila ni Nikki.

5. Marian Rivera


Si Marian Rivera ay isang Kapuso actress. Binsagan siya 'Kapuso Primetime Queen' dahil sa kanyang galing sa pag-arte. Nagsimula siyang sumikat nang makuha niya ang lead role sa teleseryeng 'Mari Mar' kung saan una niyang naging leading man si Dingdong Dantes. Ngunit bago pa ang kanilang happy ever after ang love story nila, may mga isyu rin silang kinasangkutan. Ang pinakamalaki roon ay ang break up ni Dingdong Dantes sa kanyang longtime girlfriend na si Karylle. Nang lumabas ang isyu ng hiwalayan nina Dingdong at Karylle, maraming kumalat na balita na si Marian ang dahilan ng kanilang break up. Marami ring mga netizens ang hindi natuwa sa balitang ito. Naging tahimik lamang noon si Marian kaya hindi na lumala pa ang sitwasyon nilang tatlo. Lumipat dinb daw umano si Karylle sa ibang network dahil ayaw na niyang makita pa ang dalawa ngunit makalipas ang ilang taon ay nakumpirma din na wala ng tensyon sa pagitan nina Marian at Karylle.

4. Jessy Mendiola


Katulad nang isyu nina Gerald Anderson, Bea Alonzo at Julia Barretto isa rin sa hindi makakalimutang controversial issue ang break up nila Luis Manzano at Angel Locsin. Ang di umano'y malaking dahilan sa kanilang hiwalayan ay si Jessy Mendiola. Naging malaking isyu ang hiwalayang iyon at ayon sa mga kilalang news network, si Jessy Mendiola  ang pinakabashed celebrity nang lumabas ang isyung hiwalayan nina Angel at Luis. 

3. Julia Barretto


Si Julia Barretto ay anak ni Marjorie Barretto kay Dennis Padilla. Isa sa mga kilalang aktres at pinakakontrobersyal na aktres sa kanyang henerasyon dahil sa hiwalayan nina Gerald Anderson at Bea Alonzo. Si Julia Barretto ang masasabing magandang mukha sa kanilang magkakapatid at kahit sa showbiz ay nakakasabay siya sa ganda nang mga sikat na artista tulad na lamang kina Liza Soberano at Kathryn Bernardo. Ngunit dahil sa malaking isyung kinasangkutan niya ay marami siyang naging bashers at marami ring nagsabi na isa raw talaga siyang Barretto.

2. Marjorie Barretto


Si Marjorie Barreto ay ang kapatid nina Gretchen Barretto at Claudine Barretto. Hindi din siya nakatakas sa intriga kahit na pinilit niyang maging tahimik ang kanyang buhay may pamilya. Ilang taon na ang nakalipas ng aminin ni Marjorie Barretto na itinago niya sa publiko ang bunso niya na si Erich. Maraming haka haka at balibalitang kaya niya ito itinago ay dahil ito ang anak niya sa dating Caloocan City mayor na si Recom Echiverri. Si Former Mayor ay isang pamilyadong tao. Hindi man direktang inamin ni Marjorie ang kanilang relasyon noon inilaglag naman siya ng kanyang kapatid na si Gretchen. Kaya naman lumala ang isyu nilang magkapatid.

1. Gretchen Barretto


Si Gretchen Barretto ay isa sa may pinakamagandang mukha sa mundo ng showbiz. Kilala din siya bilang 24 years partner ni Tonyboy Cojuangco na isang bilyonaryo sa Pilipinas. Maraming mga netizens ang bumabatikos sa kanya at tinawag siyang kabit dahil aminado siyang siya ang dahilan kung bakit hiniwalayan ni Tonyboy ang pangalawang asawa na si Denise Yagot Cojuangco. Hindi pa rin pumapayag si Denise na maannul ang kanyang kasal kay Tonyboy kaya naman hanggang ngayon ay itinuturing pa ring kabit si Gretchen ng mga tao. 

Rumored TV Personalities and Celebrities na may Relasyon sa taong 2021

Walang komento

Biyernes, Marso 18, 2022



Hindi maiwasan na maiugnay ang mga artista sa isa't isa. May iba na pawang kathang isip lamang at bunga lamang ng malilikot na mga imahinasyon ng mga chismoso't chismosa.

May iba naman na kahit halata na ay hindi pa rin umaamin. Narito ang mga relasyon na pinagchismisan ngayong 2021 kung totoo nga ba o hindi!

1. Heaven Paralejo and Kiko Estrada

Nagsimula ang chismis na may relasyon sina Heaven at Kiko nang si Heaven ang tinuturo na di umano'y third party sa hiwalayan nang magpartner na si Kiko at Devon Seron. Hunyo nang pinagpyestahan ng mga netizens ang viral pictures nina Kiko at Heaven na di umano'y kuha sa Boracay. August 13, 2021 kinumpirma ng dalawa ang kanilang relasyon limang buwan matapos lumabas ang balita ng hiwalayan nina Kiko at Devon. Subalit matapos ang ilang buwan at naghiwalay din sina Kiko at Heaven.

2. Katrina Halili and Jhon Lloyd Cruz


Noong June ay namataan na magkasama sina Katrina Halili at Jhon Lloyd Cruz sa Boracay kasama ang anak ng aktor na si Elias. Ayon sa ilang mga report ay nakita rin daw sila na nagbakasyon sa El Nido, Palawan noong Abril. Kaya may mga nag-assume na baka ang dalawa ay may relasyon. Ayon kay Katrina nagkasama lang daw sila noong araw na iyon dahil birthday ng aktor at magkaparehas rin daw sila ng mga friends. Pero open daw si Katrina na makatrabaho si Jhon Lloyd dahil sa pagbabalik showbiz nito.

3. Dingdong Dantes and Lindsay De Vera


Nilinaw ng 21 year old actress na si Lindsay De Vera na walang katotohanan ang isyung nabuntis siya ng Kapuso Primetine King na si Dingdong Dantes. Sa panayam ni Jobert Sucaldito, diretsahang sinagot ni Lindsay ang controversial issue na may kinalaman sa kanila ni Dingdong na nakasama niya sa GMA TV series na 'Alyas Robinhood'. Nagkausap na raw sila ni Dingdong tungkol sa pagkakasangkot nito sa isyung pambubuntis sa kanya bilang respeto sa nitong si Marian Rivera.

4. Maymay Entrata at Donny Pangilinan


Todo deny naman si Maymay na may relasyon sila ni Donny sa isang interview online. Aniya madalas kasi silang magkasama ni Donny sa IwantASAP misunderstood lang daw ng iba ang kanilang mga galawan at ang kanilang mga smiles na parang pagtitinginan. Pinagdiinan niya sa interview na wala siyang karelasyon sa showbiz.

5. Jhon Lloyd Cruz and Isabel Santos


Noong Novenber 8, 2021 isang fan account ang nag repost ng picture ni Jhon Lloyd na sinasabing mula sa Instagram story ni Isabel. Kasama ni Jhon Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alaga ni Isabel. May nakalagay pa umano itong caption na,

Flexing 💘

Dahil dito napatanong ang ilang mga fans ni Jhon Lloyd kung may relasyon ba sila ni Isabel? Bandang September unang napansin ng mga netizens na may ibinahagi si Isabel ng pictures na umano'y parang si Jhon Lloyd. Sa Instagram post ni Isabel noong September makikita ang isang lalaki na naglalakad sa hardin at tila papasok ng bahay kasunod ang dalawang aso. Hindi sinabi ni Isabel king sino ang mystery guy na nasa litrato maliban sa caption na tatlong peaches emojis. Noong October may ipinost na naman si Isabel na isang lalaking nakatalikod na hinihinalaan pa ring si Jhon Lloyd.

  6. Nadine Lustre and Christophe Bariou


Unang na chismis si Nadine sa isang French na si  Christophe noong August 2021. Simula noon ay pabalik balik nang pumupunta si Nadine sa Siargao kasama ang kanyang rumored boyfriend. Madalas din silang nakikitang nagsusurfing sa Isla ng Siargao. Nitong November 7 naman nang nakita sa post ng tatay ni Nadine ang ilang mga photos kung saan kasama nila si Christophe habang kumakain. Ayon sa report pumunta ang parents ni Nadine sa Siargao upang icelebrate ang birthday niya noong October 31. Makikita sa mga pictures na tila tanggap na nang pamilya ni Nadine ang rumored boyfriend nito. Pero hindi umano ito ang unang pagkakataon na nakita ang parents ni Nadine kasama si Christophe. Bumisita na rin daw ito noong kalagitnaan ng October.

7. James Reid and Jolianne Salvado


Ang rumored girlfriend daw ni James Reid ngayon ay ang newbie singer na si Jolianne Salvado. Naging usap usapan ang kanilang pictures kung saan sila ay nagbabakasyon kasama ang kanilang mga kaibigan. Mapapansin na tila sweet sila sa isa't isa. Nagpost din si James Reid ng kanilang photo at winelcome niya si Jolianne bilang bagong miyembro ng "Careless Music" isang samahan ng mag music artist. Wala pa namang pahayag si James kung ano ang real score nila ni Jolianne.

8. Aljur Abrenica and AJ Raval


Isiniwalat ni AJ na totoong nanliligaw sa kanya si Aljur. Sa diretsahang pag-amin ng aktres na nasa getting to know each other stage sila ngayon. Inamin din ni AJ na si Aljur ang tinutukoy niyang manliligaw na boyfriend material. Sa youtube vlog ni AJ noong Septembe 13, 2021, una niyang ipinahiwatig ang isang manliligaw na nagpaparamdam sa kanya kung gaano siya ka special. Aniya na malaki ang chance na sasagutin niya ito dahil nagpaalam pa raw ito mismo sa kanyang ama na ligawan siya. Ngunit paglilinaw ni AJ,

"We understand each other. We care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami."

9. Aljur Abrenica and Cindy Miranda


Pinabulaanan naman ng Bb. Pilipinas Tourism 2013 Cindy Miranda na siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay sina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Ayon sa press confirence sa kanilang pelikula ni Aljur na "Nerisa" ay nagulat na lamang si Cindy dahil nadamay ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng mag-asawa. Ayon sa kanya, bago pa sila mag-umpisang magshoot ng 'Nerisa' ay hiwalay na umano ang mag-asawa. Inamin rin niya na sinabihan siya mismo ng aktor tungkol sa hiwalayan nila ni Kylie ngunit hindi na ito nagbigay pa ng detalye sa kanya. Gusto niya na  maging maayos na ang mag-asawa. Dagdag pa niya na naging professional lang silang dalawa sa kanilang trabaho at tiniyak niya na walang namamagitan sa kanila.

10. Sean de Guzman and AJ Raval


Isa rin sa biktima ng mistaken identity si Sean dahil napagbintangan siya noon na karelasyon ni AJ Raval. Sila AJ at Sean ay may chemistry. May nagsasabi na tinamaan daw si Sean kay AJ. Palaging nakapost sa facebook niya ang mga photos ng kalove team. Marami ang nag-iisip na hahantong sa isang relasyon ang pagiging magkaibigan ng dalawa. Ngunit paglilinaw ni Sean na walang namamagitan sa kanila.

11. JM De Guzman and Kylie Padilla


Binasag ni Kylie ang pananahimik tungkol sa isyung siya ang may third party kaya sila nagkahiwalay ng asawa si Aljur Abrenica dawit sa isyu ang kapamilya aktor na si JM De Guzman. Isang netizen ang nangahas na nagtanong kay Kylie kung totoo ang balibalitang kaya umano siya nakipaghiwalay kay Aljur dahil maluho umano ang aktres at nagpapaligaw sa mga mayayamang artista. Mariing pinabulaanan ni Kylie ang pag-uugnay sa kanya kay JM. Deretsong sagot ni Kylie sa netizen na magkaibigan lang sila ni JM.

12. Ivana Alawi and Marco Gumabao


Inakala ng marami na may namamagitan kina Ivana at Marco matapos kumalat sa social media ang bonding nila habang nagvivideoke. Sa isang punto ng video, hindi nakaligtas sa mga mata ng mga netizens ang paghawak ni Marco sa hita at tuhod ni Ivana. Pero paglilinaw ni Ivana na walang special na namamagitan sa kanilang dalawa.

13. Sheryl Cruz and Jeric Gonzalez


Mariing itinanggi ni Jeric ang balitang nagkamabutihan at nagkaroon sila ng relasyon ni Sheryl sa set ng 'Magkaagaw' pero may post ang aktres sa kanyang instagram account na video ng kissing scene nila ni Jeric sa 'Magkaagaw'. May caption itong, "I love you so bad." sa Tiktok ay may mga video din na may caption na, 'di ka nakakasawang tingnan, pagmasdan ang iyong mata' tinag din niya dito si Jeric. Mukhang hindi natuwa si Jeric dahil inunfollow ni Jeric si Sheryl sa Instagram dahil dati na ring sinabi ni Jeric na,

"Wala pong ligawang nangyari. I did not court Miss Sheryl Cruz... friends po kami."

14. Jane Oineza and RK Bagatsing


Sina Jane at RK ay nagpost sa kanilang social media habang naghahalikan bago ang tiktok dance challenge. Kaya naman maraming fans ang naintriga kung ano ang tunay nilang relasyon. Marami namang komento sa nasabing video na nagdidiwang dahil sa kumpirmasyon sa kanilang relationship matapos ang ilang buwang speculation. Nagpatibay naman na confirmed na sila, nang magpost si Jane ng birthday message para kay RK na may bahagi ng caption na, 'my source of happiness'.

15. Shaina Magdayao and Piolo Pascual


Nagsimula ang paglilink kina Shaina at Piolo noon pang 2012, muli itong nabuhay nang namataan ng ilang beses ang dalawa na sweet sa Bohol noong October. Ang isa umano sa nakatawag ng pansin ay ang litrato nila na kuha sa isang motor boat. Ayon sa masugid na tagasubaybay ng dalawa na sina Piolo at Shaina ito. Walang nababanggit sina Piolo at Shaina tungkol sa kung ano mana ang totoong namamagitan sa kanila.

16. Yen Santos and Paolo Contis


Matatandaang sa hiwalayan nila ni LJ at Paolo noong 2021 ay naging usap usapan sa social media at nadawit ang pangalan ni Yen Santos b ialng third party. Ang speculation na nagpapatibay sa involvement ni Yen ay naging zero ang following counts sa Instagram niya  at parehas sila ni Paolo na puro promotional content ng kanilang movie na lamang ang mga nakapost. Pagkatapos isiniwalat ni LJ ang kanilang hiwalayan, namataan si Paolo sa Manaoag Church sa Pangasinan makikitang may kaholding hands itong babae at parehas silang nakafacemask at face shield. Pagkatapos nakita rin silang kumakain sa Baguio at tila sobrang sweet sa isa't isa. Inamin naman ni Paolo na si Yen nga ang kasama niya. Inimbitahan niya daw ang kanyang leading lady sa Baguio as a friend. Kamakailan ay kinonekta ng mga netizens ang mga instagram post ni Yen at Paolo. Nagpost si Yen ng selfie clip niya na may text na, "do you floss though?" Ilang araw naman ang nakalipas ay nagpost naman si Paolo ng picture niya na may caption na, "nagsuklay pero di nagfloss." May mga netizens na naniniwala na inside joke daw ang shinare nina Paolo at Yen sa social media.

17. Julia Montes and Coco Martin


Unang nagkapareha sina Julia at Coco noong 2012 sa serye na  'Walang Hanggan' simula noon ay naglabasan na ay iba't ibang mga speculation kung may namamagitan nga sa kanilang dalawa. Nitong November 1 ay nagbigay ng mensahe si Julia para kay Coco sa kanyang Instagram. Aniya isa daw inspirasyon at blessing ang aktor para sa mga taong mahal niya at sa huling bahagi ng mensahe ay may katagang, 'mahal ka namin'. Matatandaang nagbalik television na si Julia sa FPJ's Ang Probinsyano nitong July matapos ang higit 3 taong pahinga mula sa showbiz. Namataan din sila ni Coco na sabay na nagparehistro para sa susunod na election. Kahit matagal na silang nachichismis na magkarelasyon ay hindi pa rin sila nagsasalita ukol rito.

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo