2022 Most Controversial na HIWALAYAN ng CELEBRITIES ang Iba THIRDPARTY ang DAHILAN!

Huwebes, Marso 31, 2022

/ by Lovely



Kilalanin ang mga celebrity couples na gumawa ng ingay matapos ang kanilang napapabalitang hiwalayan at ang pangunahing sanhi ng iba dito diumano ay third party!

1. Maggie Wilson and Victor Consunji


Ilang buwan bago matapos ang taong 2021 nagbigay ng isang malaking anunsyo ang kinoronahang Bb. Pilipinas World 2007 na si Maggie Wilson. Inihayag niya sa publiko na nagwakas ang kanyang 11 years marriage sa real estate magnate na si Victor Consunji. Sa isinulat niya sa kanyang IG sinabi ni Maggie na mahirap ang kanilang pinagdaanan subalit wala namang pagbabago sa kanilang relasyon sa pagpapalaki sa anak. Sa desisyon na tapusin na lamang ang kanilang relasyon, walang nabanggit na dahilan si Maggie sa kung ano ang dahilan at ang pinagmulan nito at kung bakit napagdesisyunan na lamang nitong wakasan ang kanilang pagsasama. Subalit ilang linggo lamang ang nakalilipas nagsalita muli si Maggie sa kanyang social media at sinabing ang isang  bagay na hindi maaring itago ay ang katotohanan. Naintriga din ang beauty queen sa isang business man na si Tim Connor at ilang beses na rin natanong kung sila ay may affair. Sinagot ito ni Tim at pinabulaanan ang mga espekulisasyon. Naiulat din na hindi pinayagan ni Victor na makapiling ni Maggie ang kanilang anak noong holidays. Ngunit sa pagpasok ng taong 2022 nakita ang mag-ina na kasamang namamasyal sa Clark, Pampanga at sa sumunod na buwan naman ay nasa Palawan sila.

2. Maxine Magalona and Rob Mananquil


Unang buwan ng taon 2022 nang umugong ang balitang hiwalay na ang aktres na si Maxene Magalona sa mister nitong si Rob Mananquil. Ito ay nang makita ng mga netizens na naka unfollow na ang aktres sa IG acount ng kanyang mister. Maging ang huling pangalan nito ay hindi na rin mababasa sa kanyang profile. Ilang cryptic post din ang inupload ni Maxine na mas nakadagdag sa mga espekulasyon ng marami tungkol sa kanilang pahihiwalay. Hindi naman narinig ang mga panig nila tungkol dito. Ngunit nagawa pang ipagdiwang ng aktres ang mga nagdaang holidays kasama ang pamilya ni Rob.

3. Heaven Peralejo and Kiko Estrada


Buwan ng September taong 2021 nang lumabas sa online world ang hiwalayan umano nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada. May ilang buwan lamang matapos nilang aminin sa publiko ang kanilang relasyon naharap naman agad sila sa isyung hiwalayan. Nakita kasi ng mga netizens na biglang nagtanggal si Kiko ng mga pictures nila na magkasama sa kanyang social media at hindi na rin ito naka follow sa acount ng actress. Hindi naman pinatagal ni Heaven ang mga balita at inaming natapos na nga ang kanilang tatlong buwang relasyon. Matatandaang dumaan sa matinding intriga si Heaven noong nagkahiwalay sina Kiko at Devon Seron at siya ang itinuturong third party na naging dahilan ng paghihiwalay ng dalawa. Isang buwan matapos ang balitang hiwalayan nina Heaven at Kiko nalink naman si Heaven sa vlogger na si Kempoy Feliciano. Itinanggi naman nila pareho ang mga aligasyon at sinabing magkaibigan lamang sila.

4. Alodia Gosiengfiao and Wil Dasovich


November 2021 nang mapabalita ang hiwalayan ng isang kilalang vlogger na si Wil Dasovich at ng Cosplay Queen na si Alodia Goseingfiao. Kinumpirma naman agad ni Alodia sa kanyang social media accounts na nagwakas na ang mahigit apat na taon nilang relasyon. Sa pag-amin ni Alodia sinabi nitong hindi naging perpekto ang kanilang pagsasama. Sinabi ng cosplayer at e-gamer na ilang beses na rin silang nagkaroon ng time out sa kanilang relasyon. Nalungkot naman daw si Alodia sa nangyaring hiwalayan subalit mabilis naman niyang natanggap ang sitwasyon. Sa katunayan maayos na ang kanyang kalagayan ngayon. Isa pang nakikitang rason sa kanilang hiwalayan ay ang pagkakaroon diumano ng third party ni Wil sa katauhan ng kaibigan nilang si Christy Samson.

5. Kris Aquino and Mel Sarmiento


Marami ang nag-akalang panghabang buhay na ang relasyon nila Kris Aquino at Mel Sarmiento. Ilang buwan kasi matapos aminin nito ang relasyon sa dating DILG Secretary na si Mel Sarmiento, inanunsyo nito na engage na sila. August 2021 nang aminin ni Kris na may lalaking nagpapatibok ng kanyang puso at ang kanyang Kuya Noy ang naging match maker nilang dalawa. Subalit ilang araw lamang matapos ang bagong taon kinumpirma ni Kris na naghiwalay na sila ni Mel bago mag new year's eve. Ayon kay Kris ay niloko at ginamit lamang daw siya umano ni Mel at marami itong tinago tungkol sa tunay nitong relasyon kay Pnoy.

6. Janine Gutierrez and Rayver Cruz


October 2021 nang sabihin ni Janine sa publiko na hiwalay na sila ng aktor na si Rayver Cruz. Apat na taon din ang itinagal ng kanilang relasyon na itinago nila noong una sa publiko. Matapos lumipat ni Rayver sa GMA7, nakasama niya si Janine sa network. Marami ang nag-abang sa proyektong kanilang pagsasamahan ngunit hindi na ito nangyari dahil nagdesisyon naman ang aktres na lumipat sa ABSCBN. Hindi naman naging problema noong una ang pagtatrabaho nila ng magkahiwalay subalit dumating ang araw na naging busy sila pareho. Kakulangan sa oras ang sinabi ni Janine bilang dahilan ng kanilang hiwalayan. Paliwanag naman nila pareho na walang third party involved at mutual decision nila ang maghiwalay.

7. Barbie Imperial and Diego Loyzaga


Mula sa pagiging magkaibigan ang relasyon nina Diego Loyzaga at Barbie Imperial. Matatandaan na noong inamin ni Barbie ang tungkol sa kanilang relasyon sinabi nitong 'hindi niya akalain na mahuhulog ang kanyang loob sa kanyang bestfriend. Subalit hindi akalain na magwawakas ang kanilang relasyon. Ilang linggo matapos ang bagong taon inamin ni Barbie na hiwalay na sila ni Diego at maayos umano ang usapan nila tungkol doon. Nadawit din ang pangalan ng sexy star na si AJ Raval na siyang third party umano sa kanilang relasyon. 

8. Carlo Aquino and Trina Candaza


Ang house tour vlog na ibinahagi ng modelo at long time partner ng aktor na si Carlo Aquino na si Trina Candaza ang nagbigay ng kumpirmasyon sa napapabalitang hiwalayan nila. Ipinakita kasi nito ang paglipat nilang mag-ina sa bago nilang tahanan. Ilang cryptic post din ang nabasa mula sa modelo tungkol sa mga lalaking may pinupuntahang ibang babae. Dahil dito naging matunog at lumalabas na may third party involved.

9. Tom Rodriguez and Carla Abellana


Taong 2014 nang pumasok sa isang relasyon ang aktres na si Carla Abellana at aktor na si Tom Rodriguez. Ito ay matapos ang isang taon nilang nagsama sa isang serye sa GMA 7 na My Husband's Lover. Kahit inamin na nila sa publiko ang kanilang relasyon binigyan pa rin sila ng trabahong magkahiwalay at nanatiling matibay ang kanilang pagsasama. Ang pitong taon nilang magkarelasyon ay isa sa mga kinaiinggitan sa mundo ng showbiz. October 2021 nang magpakasal ang dalawa. Subalit ilang buwan lamang matapos ang kanilang pag-iisang dibdib napansin ng ilan na hindi na suot ni Carla ang kanyang wedding ring. Dito na nagsimula ang mga haka hakang naghiwalay na ang dalawa at ang sinasabing dahilan umano ay may naka one night stand si Tom na ayon mismo sa ama ni Carla Abellana.

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo