Xian Lim May Sagot Sa Isyu Ng Pambabae at Pag-iwan Kay Kim/ Kim Chiu Nabigla Sa Ginawa Ni Darren

Martes, Nobyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay mainit pa rin pinag-uusapan sa social media ang totoong estado ng relasyon nina Xian Lim at Kim Chiu.


Katatapos lamang ng shooting nina Kim Chiu at Paulo Avelino para sa kanilang gagawing Philippine adaptation ng 'What's Wrong With Secretary Kim?' sa Tagaytay. 


Tila may ibinagay namang sagot si Xian Lim sa mga taong nagsasabing may panibago na siyang babae at iniwan na umano niya ang aktres.


Sa ibinahaging video ni Xian Lim na may background music na Lover, tila inireveal nito ang kanyang babae.


Makikita sa video ni Xian Lim na ang kanyang kasa-kasama ngayong babae ay isa lamang puppet.


Kaya naman, ayon sa mga fans ng aktor na wala talagang katotohanan ang mga ipinaratang rito na isyu dahil wala naman umano itong babae bukod kay Kim Chiu.


Hanggang ngayon may ilang mga KimXi fans pa rin na naniniwalan maayos ang relasyon ng dalawa at nagla-lielow lamang sila ngayon dahil sa kani-kanilang showbiz projects na may kanya-kanya silang loveteam.


Samantala, ikinagulat naman ni Kim Chiu ang pagbibiro sa kanya ni Darren Espanto sa kamakailang episode ng It's Showtime kung saan kinantahan siya nito ng 'Anong Nangyari sa Ating Dalawa'.


Tila may alam ang mga It's Showtime hosts sa mga pinagdadaanan ngayon ni Kim Chiu.


Gayunpaman, ikinalito ito ng kanilang mga fans kung bakit tila ipinapalabas umano ng mga kasamahan ni Kim Chiu sa nasabing show na may pinagdadaanan sila ngayon ni Xian Lim.


Gayung parehong tahimik naman sila sa isyu. Hinala tuloy ng ilan na nagpapaingay lamang ngayon ang dalawa dahil pareho silang may mga projects.


Sa kabila nito, marami ang umaasa na hindi maapektuhan ng kani-kanilang mga careers ang personal nilang buhay.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo